Chapter 14
Scholarship
Kanina pa ko nasa kusina pero tuliro padin ang isip ko. Oo nga pala, umaga na. Hindi na ko nagising mula nung nahimlay ako sa pagkakatulog. Hindi na ko inistorbo pa nung gabi nila bunso at mama. Pero hanggang ngayon, Hindi parin ako makamove on sa panaginip ko. Totoo kaya yun? Bakit paniwalang paniwala ako na totoo ang mga nangyari? Epekto ba to ng sobrang kakaisip? Dahilan kaya yun ng masyado kong pagkalungkot kasi hindi ako nakapagcollege? Lahhh! Labo!
"Huyyyy ate! Yung niluluto mo sunog na."
"H-ha?---
Ayy oo nga pala!"
Agad agad akong tumayo sa kinauupuan ko at pinatay ang gasul para mawala na ang apoy. Pagkatapos inilipat ko na sa plato yung niluto kong scrambled egg at fried hotdog na sobrang nasunog.
"Ano ba naman yan ateee.."
Reklamo ni bunso nang makitang halos kulay itim na yung mga niluto ko.
"Wag ka nang maarte! Edi wag kang kumaen!"
"Ate ano ba kasing iniisip mo?"
"Ahh.. A-ano kasi ehh.. W-wala. wala lang 'to."
"Okay.."
"Wala pero kanina ka pa pinagpapawisan at di mapakali dyan."
Narinig kong binulong yan ni bunso kaya naman agad akong nag-react.
"Anoooo!? Anong sinsabe mo dyan?"
"Ate kung may iniisip ka, sabihin mo. Baka mabaliw ka nyan.."
Eto talagang kapatid ko. Parang sya pa yung mas matanda sakin. Kung makapagsalita parang ang daming nalalaman sa mga bagay bagay. Ako pa yung pinagsasabihan ha? To think na ako yung ate. Pero kahit ganun, thankful ako kasi pag may time na wala na talaga akong maisip na tama at di ko na alam ginagawa ko, siya yung unang lumalapit at tumutulong sakin.
"B-bunso.."
Minabuti ko nang sabihin. Tutal panaginip lang naman yun. Wala namang sigurong mawawala kung sasabihin ko. Teka, panaginip ba o bangungot!? Hayyy.. whateverrr!
"Yes ate?"
"Nanaginip kasi ako kagabi. Nag-aaral na daw ako sa magandang school. Kaso pinapalabas nya ko sa klase nya kasi wala ako dun sa mga listahan nya ng mga pangalan ng mga studyante.".
"Ohhh tapos?"
"Ang weird kasi ako lang yung wala dun sa list tapos talagang pinagtatabuyan nya ko to the point na nagtatawag na siya ng guard. Ang terror pa nung teacher! Imbyerna! Nageenjoy na nga ako sa paligid ko nun ehh. Akala ko nagaaral na ko kasi nasa klasrum na ko. Panaginip pala.."
BINABASA MO ANG
Love Is In The Air
Teen FictionSi Janella Jade Jorigue ay isang Salutatorian graduate sa isang public High School. Sinong mag-aakalang sa sobrang talino niya ay bobo pala siya sa pag-ibig? Nagawa siyang paikutin at bilugin ng pinakamamahal niyang si Syke. Ang kanyang first boyfri...