Chapter 23:
CheerCamp
Ralph's POV:
"Bat ka nandito?"
Ang sungit naman niya. Pinupuntahan na nga sa bahay ehh.. Sabagay ano bang dapat niyang ikatuwa matapos nang mga nangyari at nakita niya sakin? Halatang bagong gising siya. Tinitignan ko siya pero di ako nagpapahalata. Tumitingin ako sa paligid-ligid para di niya ko pag-isipan ulit ng masama. Naka floral na pajama siya tapos terno nang pangtaas niya.
"Ayusin mo naman ang pagtanggap mo sa bisita mo. Kanina pa yan naghihintay sayo!"
Nagsalita yung Mama niya. Sige Mama, pagtanggol niyo ko sa anak niyo. Hehe. Ang sungit po ng anak niyo sakin Ma. Hehe. Nakiki-Mama na agad. Hehe.
"Bakit di ka pa nag-aayos?"
Lumapit sya sakin. Alam mo kung anong ginawa? Tinarayan nya pa ako sa sa pangalawang pagkakataon, sabay bumulong.
"Bakit ka ba kasi nandito?"
"Sinusundo ka. Diba sabi ko sayo, pag ayaw mo sumama, pupuntahan kita sa bahay niyo?"
Yun talaga ang pakay ko kung bakit siya narito. Sunduin siya at plitin sumama sa CheerCamp. Mas madami kasi kaming mapaguusapan dun. Hindi limitado. Hindi maghahabol ng oras. Madami kasi akong gustong itanong at malaman sa kanya.
"Hindi ako sasama!"
"Bakit naman? Wala naman tayong klase kasi excuse lahat ng cheerleader. Isa pa, sayang naman yung binayad mo.."
"Hindi--"
Tinakpan ko yung bibig nya pero mabilis ko din tinanggal. Baka kasi pag nalaman ng Mama niya na iba yung nagbayad, magalit pa at hindi na siya pasamahin. Tinitigan ko siya ng malapitan na parang nakikiusap.
"Pleaseee--?"
Hinintay ko siyang matapos na mag-ayos. Isang oras din yata akong naghintay sa kanya. Buti na lang 7am pa talaga yung calltime sa school. Sinabi lang nila na 6am para makapag-isip at makapaghanda si Jaja. Pagdating nya sa sala, nagpresinta na akong kuhanin yung dalwang bag niya. Ayos lang naman sakin kasi wala naman akong dadalhin. Ipapasunod na lang daw nila Mama yung gamit ko dun sa venue.
Nagpaalam na ko sa Mama ni Jaja pagkatapos sabay na din kaming lumabas ng kanilang bahay. Sa wakas, napapayag ko din siya agad.
"Hindi porket--"
"Sumakay ka na muna sa kotse."
Binuksan ko yung kanang pintuan ng kotse sabay sumenyas sa kanya ng pagpasok. Sumunod lang siya kaya agad ko namang binuksan yung kabilang pinto para sumakay.
BINABASA MO ANG
Love Is In The Air
Teen FictionSi Janella Jade Jorigue ay isang Salutatorian graduate sa isang public High School. Sinong mag-aakalang sa sobrang talino niya ay bobo pala siya sa pag-ibig? Nagawa siyang paikutin at bilugin ng pinakamamahal niyang si Syke. Ang kanyang first boyfri...