Chapter 20 - Sacrifices

380 27 4
                                    

Chapter 20

Sacrifice

"Umay naman!"

Baliw na yata ako. Nagsasalita ako mag-isa. Nasa may canteen lang ako sa mga oras na 'to. Nakatambay. Hinhintay ko si Brenda at Andrea. Habang naghihintay, naisipan ko munang gawin yung assignment ko sa Psychology. At gaya nga ng ibang varsity o cheerleader, nag-aaral padin naman kami. Pag may time. Kung sakanila okay lang na hindi mag-aral dahil exempted na sila at alam nilang papasa na sila, sakin hindi pwede. Hindi yun okay. Kailangan mapakita ko kay Mama na kahit iba ang sinalihan ko, mataas padin ako sa Academics. Yun kasi ang mas gusto ni Mama.

Irregular ako. Dahil nga late na kong pumasok, wala na silang slot na mabigay sakin. Anong course ko? Business Administration major in Marketing. Hindi ko nga din alam bakit yan ang pinili ko ehh. Hindi ko naman gusto ang course na 'to. Siguro dahil din late enrollee ako, wala na din silang maibigay sakin. In short, para akong isdang pinasok sa lata para maging sardinas. Sabit, sampid, saling-pusa, abubot, pandagdag, panggulo o kung anu pa mang gusto nyong itawag sakin. Pero ayos lang, ang mahalaga nag-aaral ako. Nag-aaral ako sa malaking institusyon na pinangarap ng pangkaraniwang studyante sa Manila katulad ko.

Ang dami kong tinapos na mga requirements para lang makahabol ako. Ang dami kong special exam na kinuha para lang makasabay sa mga kaklase ko. Halos isang buwan din yung hindi ko ipinasok sa klase. Laking pasasalamat ko nga dahil tinanggap pa ko ng mga proffessors ko dito.

"Be!"

Lumingon ako sa paligid.

"Ohh Andrea!"

"Yes I am! Tara?"

"Nsan si Brenda? San tayo pupunta?"

"Hala! Baliw siya ohh.. Diba may training tayo ngayon?"

"Oo nga. Mamaya pa naman yun ehh. May mga tinatapos pa kong assignments."

"Ano bang assignment yan?"

"Kaya ko na 'to.. Nasan ba si Brenda?"

"Kasama si Ralph..."

Ano kayang ginagawa ni Ralph ngayon? Bakit siya kasama ni Brenda? Dalwang linggo na din pala ang nakalipas mula nung nagsimula ang deal namin ni Ralph. Tuturuan niya ko sa warm up pati yung ibang mga basic stunts tapos kapalit nun ay ang pagtuturo ko sa kanya sa Math. Nakakatawa nga ehh.. Kung sino pang lalake, siya pang mahina sa Math! Pero sa ibang subject, lalo na sa English, sun siya magaling. Nung minsan kasi may nabasa akong essay na nakaipit sa notebook niya. Yellow pad yung pinangsulatan tapos halos mapuno yung isang pahina.

Pero hanggang ngayon, hindi ko padin alam kung kelan matatapos yung deal namen. Kapag tinatanong ko kasi siya, lagi niyang sinasabi..

"Hindi pa nga ako marunong sa Math ehh, tapos gusto mo na agad matapos 'to? Unfair ahh.. wag ka ngang madaya!"

Love Is In The AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon