Chapter 10
Nice Meeting Him..
Ganoon nga ang nangyari. 300 ang kikitain ko per day, 2hours lang naman kaya walang problema. Sa pamasahe ko naman, tricycle lang papuntang bayan. Kaya ko na naman lakarin pagkatapos. Hindi naman kahabaan. Puro kaliwa kaliwa diretso lang. Haha. Mabilis ko naman na iyon magagamay..
At yun nga.. Simula na ko sa work. Yesss! Finally, mababayaran ko na yung nabasag kong plato. Correction! Paboritong plato ni tita. Ewan ko ba! Ano kayang meron dun sa plato? Ginto ba yun? Hindi naman.. may mga floral designs lang.. Makapal lang sya kumpara sa ibang plato kaya mabigat. Kaso sobrang sensitive. Ang bilis mabasag! Matagal na daw yun ehh.. Ako pa talaga nakabasag nu! Kung alam ko lang sana edi hindi ko na ginamit. Diba? Lintek naaa.. Haha.
Makakapagbigay na din ako kay Mama, wala naman ako masyadong gagastusin since bakasyon naman.. Hindi naman ako mahilig gumastos. Kahit naman yung kapatid ko ehh.. At kung meron man kaming gustong bilhin, bibigay na lang namin yun kay Mama. Hindi naman kami tinuruang maging maluho lalo pa't si tita ang nagpapaaral samin. Tanging yung bahay lang sa Maynila ang meron kami, 'yung gastusin? Si tita na lahat. Kaya nga pinagbubutihan ko. Kahit madami siyang anak nagagawa niya padin kami tulungan. Yung isa kong tita, tinutulungan din naman kami paminsan-minsan.
Nung nagturo naman ako. Kinabahan din ako nung una. syempre ibang tao.. Hindi naman ako College Graduate. Swerte ko na lang talaga kasi tinanggap ako. Soguro nakatulong yung pagiging Salutatorian ko. Ehemmm! Ako pa ba? Haha. Yabang!
Pero honestly nakakaproud naman kasing isipin na nagawa ko siya. Inspired kasi ako noong mga panahon na yun! Inspired kay Syke.. Pfttttt! Syke na naman! Pwede magmove on? Buti nga medyo nakakalimutan ko na ehh.. Nagiging busy kasi ako. Sa gawaing bahay kina tito tapos eto pang magkakaron ako ng Summer Job.
Problema ko na lang kung pano ako magreresign dito.. Pero tska ko na iisipin yun! Ang mahalaga mabayaran ko na yung mahiwagang plato ni tita. Maswerte na ko at tatlong babae yung tuturuan ko. Kaedaran ko lang din sila kaya naman madali ko silang napakibagayan. Hindi naman ako nahirapan magturo ng Physics saknila kasi hindi naman sila isip bata na.. Feeling ko nga mas matured pa sila saken ehh.. Haha. Hindi naman ako nahirapan pagkasyahin yung oras ko sa pagtuturo sa kanila.
Umalis ako ng Learning Center na may dalang ngiti sa labi. Haha. Anu daw? Nakuha ko kasi agad yung 300 ko. Ang sarap sa pakiramdam kasi pinaghirapan ko yun! Kahit maliit lang, galing padin yun sa dugo't pawis mo. Haha. Naksss! Paguwi ko ng bahay, sinalubong agad ako ni tito.
"Ohh Kamusta lakad?" masayang bati sa akin ni tito.
"May work na ko tito!" pagmamayabang ko. Ibinida ko pa sa kanila ang nangyari pag pasok ng bahay With matching voice over pa.
"Ikaw tito? Kakauwi mo lang ba?" tanong ko.
"Ahh.. Oo ehh.. Tara kaen na tayo.. Nagugutom na ko." Saad niya.
Nagaasikaso na si Mama ng hapunan. Habang ako, nagpapahinga lang sa sala kasama si tito at bunso. Maya-maya lang..
"Ateeeeee! Ilibre mo ko ha!?" pagpapa-cute ni bunso sa akin.
Lumapit ako sa kanya at bahagyang bumaluktot upang mapantayan siya. "Hmm.. Sige bunso.. ano bang gusto mo!? 'Wag yung mahal ahh!?"
Pagbigyan si bunso.. Tutal may pera naman ako. At bukas na bukas din, bibilhin ko na yung platong nabasag ko na paborito ni tita.
"Tito, magkano ba yung platong yun!?" tinanong ko na sa kanya.
"Di ko na maalala ehh.. basta pag wholesale 2,500.."
BINABASA MO ANG
Love Is In The Air
Teen FictionSi Janella Jade Jorigue ay isang Salutatorian graduate sa isang public High School. Sinong mag-aakalang sa sobrang talino niya ay bobo pala siya sa pag-ibig? Nagawa siyang paikutin at bilugin ng pinakamamahal niyang si Syke. Ang kanyang first boyfri...