Chapter 24
CheerCamp Ii
Paggising ko, nasa byahe padin kami. Nagtaka ako kung nasan na kami? Tinignan ko yung paligid? Puro puno na! Para kaming nasa gubat. Teka? Baka mamaya? Baka mamaya tama nga talaga ang hinala ko!? Na manyak siya at balak niya ko pagtangkaan? At kasabwat nya pa si Brenda?
"Ibaba mo ko! Sisigaw ako ditooooo!"
"Bakit ba? Kakagising mo lang highblood ka na!"
"Nasan na ba tayo? Ikaw manyak ka talaga! May balak ka saking masama no?! At kinasabwat mo pa si Brenda ha? Siguro jowa mo siya? Pumapayag lang siyang tumikim ka ng iba kasi di pa siya ready?"
"Haaa?! Tulog mo nga ulet yan! Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong balak pagtangkaan ka. Totoong wala kaming ugnayan ni Brenda. Ilang beses ko bang sasabihin sayo? San ba nanggaling yang mga pinagsasabi mo?!"
"Ahhh.. Ehh.." humina yung boses ko. Para kong napahiya.
"Ehh nasan na tayoooo? Bat gantoooo?!" Tumaas na naman yung tono ko.
Ngumiti lang siya. Tapos sabay tumawa ng malakas. Ayy adik! Nagagalit na nga ako, nagawa pa niyang tumawa? Hindi ba ko mukhang nagagalit? Teka--
"Ahyyyy! Ahyyyy! J-jaja!-- Ahyy!"
Sa pagkakataong 'to gumewang na naman ang sasakyan. Hinampas hampas ko ulit siya. Kabuwisit! Naiinis na nga ako, nagagawa pa niyang tumawa.
"Tumigil ka nga Jaja! Ang kulit mo! Malapit na tayo! Ganto talaga sa Bulacan. Dulo na kasi 'to. Probinsya 'to hindi Manila. Kaya puro puno at tahimik dito.."
Bigla naman akong nahimasmasan sa sinabi niya. Tapos nanatili akong tahimik. Mga ilang segundo din ang lumipas. Nagkaron ng katahimikan sa pagitan naming dalwa. Yumuko lang ako. Grabe! Sobrang OA ko naman! Nakakahiya sa lalaking kasama ko. Nakakahiya kay Ralph! Tsk!
"Nandito na tayo."
Pumarada siya sa isang tabi. Lumabas siya agad tapos binuksan yung kabilang pinto. Lalo akong nahiya sa ginawa niya. Ang gentleman niya grabe! Paglabas ko, nandito na nga kami siguro. Madami kasing mga sasakyan. May mga van at may mga bus din. Binuksan na ni Ralph yung likod ng kotse nya kung san nakalagay yung mga dala kong gamit.
"Ako na dyannnn.."
"Ako na." Kinuha na nya yung gamit ko.
"Ako na lang... Nakaka--."
"Tumahimik ka na lang para hndi tayo napapahamak."
Feeling ko galit sya. Nauna na din kasi siyang naglakad at pumasok matapos niyang masara yung bawat pinto ng kotse. Gym lang pala yung pupuntahan namin. Isang pangkaraniwang gym lang din tulad ng mga nasa private. Pero siguro, mas doble ang laki nito kumpara samin at sa ibang eskwelahan! Pag pasok pa lang, ang dami nang mga pagkaeng hinahanda para mamaya. Yung sitsirya lang naman. Tapos may libreng c2. Pwede kang humingi basta kasama ka at nakapagparehistro ka. May libreng rehistro para sa mga manonood at gustong matuto.
BINABASA MO ANG
Love Is In The Air
Teen FictionSi Janella Jade Jorigue ay isang Salutatorian graduate sa isang public High School. Sinong mag-aakalang sa sobrang talino niya ay bobo pala siya sa pag-ibig? Nagawa siyang paikutin at bilugin ng pinakamamahal niyang si Syke. Ang kanyang first boyfri...