Synopsis

2.4K 86 45
                                    

Masarap magmahal, sabi nga ng iba para kang nasa heaven. Lutang! Lagi kang wala sa sarili. Masaya ka kapag makita mo lang yung taong mahal mo. Para bang kumpleto na buong araw mo! 'Yun bang kuntento ka na basta kasama mo siya. Tama naman diba?

Ganyan ang buhay ko nang makilala ko si Syke. Akala ko siya na talaga. Akala ko, ako na ang babaeng para sa kanya. Akala ko mamahalin nya rin, ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Akala ko kami na forever. Pero akala ko lang pala. Madami talagang namamatay sa akala.

Tama sila, Love is in the Air. Kung gano kasarap lumutang lutang sa ere kapag inlove ka, ganun din pala kasakit kapag nahulog ka. Ang sakit kapag nasanay ka nang nasa taas tapos bigla kang babagsak. Masakit. Sobrang sakit. Ang hirap tumayo, ang hirap maglakad, ang hirap bumangon at magsimulang muli. Sinabi ko sa sarili ko ayoko na. Hindi ko na kasi kakayanin. Tama na yung minsan.

Pero mako-kontrol mo ba ang pag-ibig? Magagawa mo bang panghawakan yung mga bagay na sinabi mo na? Pano kung may darating, hahayaan mo na lang ba? Hindi mo alam kung kelan ka tatangayin ng mapaglarong pag-ibig. Hindi mo alam kung kelan titigil. Kaya dapat handa ka.


Love Is In The AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon