Chapter 16
Meet the Group!
"Ohh andyan ka na pala!"
Sinalubong agad ako ni Coach Scott sa may gate ng eskwelahan.
"Sorry Sir kung na-late ako ng dating."
"Naku! Okay lang.. Hindi pa naman ako ganun katagal naghihintay."
Ngiti na lang ang sinagot ko sa kanya. Niyaya na niya kong pumasok sa loob. Sa katunayan, kanina pa palipat lipat ang tingen ko sa bawat paligit ng eskwalahan na 'to. Kanina ko pa pinagmamasdan ang lugar na papasukan ko. Lugar na pinapangarap din nang ibang mga mag-aaral.
Pagpasok ko sa loob ng gate, wala kong ibang nasabe kundi "Wowwwwwwwww!" Halos mamangha talaga ako sa sobrang ganda ng building na 'to. Sobrang Wowwwwwww Grabeeee! Hindi magkanda-ugaga yung dalwang mata ko kung san titingin. Puro designs yung mga nasa pader na parang abstract tapos kulay skyblue yung pinaka concept color nang skul. Tapos sobrang linis pa, kulang na lang magpagulong gulong ako sa sahig. Kaso nakakahiya namn kung ganun.
"Nagustuhan mo ba dito?"
Napansin yata ni Coach na panay titig ko sa mga bagay-bagay sa loob ng school na yun.
"Oo Coach. Sobra!"
"Then here you are! Makakapag-aral ka na din dito."
Di ako umimik. Sa sobrang ganda ng mga nasa paligid ko, hinihintay ko na lang na magsawa yung mata ko kakatingin. Kanina ko pa kasi inulit ulit ng tingin yung mga bagay sa paligid ko.
"Upo ka muna dyan, sandali lang ha!?"
Umalis si Coach. Hindi ko alam kung san pupunta. Hindi naman nagsabi ehh. Pero okay lang, nag-eenjoy pa naman akong pagmasdan yung view ehh..
Pero dahil ilang minuto na ang nakakalipas at hindi padin nadating si Coach, medyo nakaramdam ako ng pagkainip. Namasyal muna ako sa paligid ligid. Pumunta ako sa garden. Nagenjoy ako ng sobra sa dami ng bulaklak na makikita. Iba't ibang klase ng bulaklak. May mga paro-paro pang naglalaro sa paligid. Sa bandang gilid may duyan na nakatali sa may puno. Sinubukan ko din mag-swing dun.
"Yieeeeeee!"
Para akong bata. Para kong munti na walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Basta ako masaya ako. Masaya ako dahil nagugustuhan ko ang school na 'to at syempre masaya ako dahil dito ako mag-aaral.
Sa wakas makakapag-aral na ko..
Kahit tumutol pa si Mama sakin.
Bumalik ako para tignan kung nandun na si Coach. Wala parin. Anong oras na. Bakit di padin sya bumabalik. Nasan na kaya si Coach? Maya-maya lang, nakaramdaman naman ako nang pagkaihi.
BINABASA MO ANG
Love Is In The Air
Teen FictionSi Janella Jade Jorigue ay isang Salutatorian graduate sa isang public High School. Sinong mag-aakalang sa sobrang talino niya ay bobo pala siya sa pag-ibig? Nagawa siyang paikutin at bilugin ng pinakamamahal niyang si Syke. Ang kanyang first boyfri...