Chapter 8
Summer Vacation
Kinabukasan pag-gising ko 10:00am na. Hala! Anong oras na pala? Akala ko gabi pa lang? Ibig sabihin hindi ako nagdinner. Pagtingin ko sa sarili ko, nasa kama na ko? At panong nangyaring napunta ako sa kama? Ang alam ko nagliligpit lang ako ng gamit namin. Inilalagay ko sa drawer tapos nakita ko yung picture ni Syke na dapat itatapon na ni bunso. Tapos... tapos.. Alam ko nakatulog na ko nun ehhh?
"Bunso? Bunsoooooo!" tawag ko kay bunso.
"Bakit ate?" Pumasok siya ng kwarto na may dalang tinapay...
"Sinong naglagay sa'kin sa kama? P-Pano ako napunta dito?" pagtataka ko.
"E 'di naglakad ka papunta dyan tapos humiga ka tapos pumikit kaya ka nakatulog sa kama." Pamimilosop niyang sagot.
"Abaaaaa! Abaaaaaa! Pilosopo 'tong batang 'to ahhh!?"
"Ewan ko sayoooo!" Bwisit 'to! Nagtatanong ako ng maayos ehh.. Sino kayang naglagay sa akin sa kama? Hmm.. Si Tito kaya? O kaya naman si Mama.. Kung si mama naman, imposibleng mangyari iyon. As if!
"Penge nga ako!" Akmang kukunin ko na yung dala n'yang pandesal nang bigla niya itong iniwas..
"Ano ka!? Kumuha ka ng sayooo! Nasa lamesa kayaaa.. Blehhh!" Sabay takbo. Aba! Makulit ka ha!? May araw ka din saking bata ka..
"BWISIT!" Tatawa-tawa naman siyang lumabas. Ang lakas niya mang-asar Sirain niya ba naman ang umaga ko.. Hmp! Makakain na nga. Nagugutom na ko..
1 message received
Tumayo muna ako mula sa pagkakahiga ko sa kama tapos kumuha ako ng pandesal. Malapit lang naman yung kwarto sa kusina kaya hindi ako nahirapan. Kinuha ko na yung tirang itlog at hotdog sa ibabaw ng lamesa. Alam kong para sakin yun! Nag-iisa na lang ehh.. Ako na lang yung huling kakain ng agahan since ako yung huling nagising. Pagbalik ko sa kama..
4 messages received..
Aba'y Matinde! Kakakuha ko lang ng pagkain pagbalik ko lima na agad yung text sa akin. Hmm.. Ano kayang meron? Mabasa nga..
1st message.
Lucy:
Mga Tehhh, san kayo magccollege? Ako kasi baka sa The Fort University. :"> yayyyyy! Ang daming gwapo dun! 'XD haha :p lol! Text nyo ko kung san kayo.. Reunion tayo bago magpasukan!
-Gm.
Okay.. Ikaw na mayaman Lucy! Haha. Mayaman kasi sila Lucy kaya afford nyang magcollege kahit san nya gustuhin. Isa sila sa pinakamataas na bentahan ng junk shop dito sa Pilipinas.
2nd message.
Cassey:
Hoyyy Jaja! -.-" galit ako sayoooo! :( di tayo labbb -_______-
Ha? Bakit? Inanu kita dyan Cassey? Double send ka pa magtext. Actually double send talaga sya lagi magtext. Ewan ko kung bakit.. Baka siguro para mabasa agad at para siguradong makakarating yung mga text nya. Tska anong atraso? Galit ka pero may kasamang pagiinarte? Haaaa!? Yung totoo? Baliw lang?
3rd message.
Syke:
Unang tingen ko akala ko si Sandy. S-Syke? H-ha? B-baket? Napatigil ako sa kinakaen ko... Ano ba yan Jaja. Buksan mo na! Curious ka din naman ehh..
BINABASA MO ANG
Love Is In The Air
Teen FictionSi Janella Jade Jorigue ay isang Salutatorian graduate sa isang public High School. Sinong mag-aakalang sa sobrang talino niya ay bobo pala siya sa pag-ibig? Nagawa siyang paikutin at bilugin ng pinakamamahal niyang si Syke. Ang kanyang first boyfri...