Chapter 7 - Reminsicin'

581 32 2
                                    

Chapter 7

Reminiscing...

Thursday na ng umaga kami umalis nila Mama at bunso. Holy Thursday pag sa Mahal na Araw. Walang naiwan sa bahay. Ibinilin na lang muna namin sa kapitbahay na bantayan habang wala kami. Mapagkakatiwalaan naman sila kasi matagal na namin silang kapibahay. Isa pa, kababata naman namin yung mga batang naroon. Matagal din ang byahe papuntang Pampanga, mga ilang oras din kaming maghihintay sa bus. Nakakangalay nga ehh.. Si Mama nakita kong tulog na tulog. Ang sarap pagmasdan ni Mama, naaalala ko lagi yung mga bagay na masaya kaming dalawa. Bata palang ako nun at walang iniintinding problema. Tanging laruan ko lang o mga bagay na di ko nakukuha ang nakakapagpaiyak sakin. Hindi si Syke. Hayss.. heto na naman tayo kay Syke. Syke, lumayo ka na please? Lubayan mo na ang isip at puso ko! Kelan ba kasi kita makakalimutan? Makakalimutan pa ba kita o mananatili ka na lang dyan sa puso't isipan ko?

1 message received.

Sino kaya 'to? Pagbukas ko ng phone ko. Si Sandy lang pala.

Huyyy tehhh Pasalubong!

"Hello!? Magbabakasyon lang kami.. Hindi ako magiibang bansa." Sa isip-isip ko.

Letse ka tehhh! Wala kong pera! :))

Ayan ha? Sige lang.. okay lang sakin.. :(

Ang drama! Kung katabi ko lang siya, baka binatukan ko na 'to.

Haha :D ano bang gsto mong pasalubong? Wag yung mahal ahh..

Sige yung ano na lang.. yung---

Ang mahal naman! :))))) haha :D

Luhh? Wla pa nga ehh.. exagged?

Hahaha. Sarap mang asar ngayon.. boring dito sa bus.. Hahahahaha. Basag siya ehh!

Alin nga kaseee?

Tshirt na lang :)

Bumili ka na lang dyan sa Manila! Madami naman nyan sa mall :p

Sige lang Jaja, asarin mo lang si Sandy para mapikon. Para hindi mo na din siya ibili ng pasalubong. Haysss.. wala na nga akong pera ehh.. Inutang na nga lang namin kay tita yung pamasahe namin.

Siyempre maganda kpag bnigay sayo.. kya pasalubong mo na sakin yun!

Ehh pano naman si Cassey? :-" Naku maiingget yun for sure!

Edi wag mong sabihin na binigyan mo ko :D

Kita mo 'to. Kadamutan mo din ehh nu?! 'XD

Haha :)) naman! 'XD

Bibigyan ko na lang din :)

Goraaa! :D

Bigla ko silang namiss. Si Sandy, si Cassey. Si Syke? Hmm.. erase erase! No no no no no! Hindi siya yung dapat kong mamiss.. Sana kasi nandito mga best friend ko. Parang di naman ksi ako mageenjoy dito sa Pampanga. Di ko naman close mga pinsan ko. Buti nga sana kung may pinsan ako dun! For sure, si bunso lang lagi ko makakasama.

Miss ko na kayo tehhh :(

Kami di ka namin miss! :D adik to! Kakaalis mo pa nga lang ehh..

Haha :)) nasa bus pa nga lang kami ehh.. kainip na..

Mageenjoy ka din dun for sure! :) Para naman makamove on ka na kay Syke agad agad.

Love Is In The AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon