Chapter 1 - Graduation Day!

1.7K 54 29
                                    

Chapter 1

Graduation Day!

"Janella Jade Jorigue, Salutatorian!"

Umakyat na ako nang stage nung tinawag yung pangalan ko. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwalang Salutatorian ako.

Kasama ko si mama umakyat.SIya kasi yung magsusuot ng medal sakin. Pagkaakyat ko, sumalubong agad sakin ang ngiti ng Principal, kasama yung mga supervisor, at syempre yung adviser ko. Kasabay nun ang palakpakan ng mga kaklase ko at ibang mga graduates. Pag-akyat sa gitna ng stage, kinamayan ko lahat sila at tsaka sinuot sakin ni Mama yung medal, niyakap nya ako tapos may binulong sya sakin.

"I love you nak, I'm so proud of you!"

Hindi ko na mapigilang umiyak sa sinabi nya. Nagulat ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang nya ko pinuri ng ganun. Hindi matumbasan yung kasiyahang nadarama ko. Masaya ako kasi biggest achievements yun sa buhay ko. I will do eveything for my mom, as well as for my family.

Janella Jade Jorigue ang pangalan ko. Panganay sa tatlong magkakapatid. Hiwalay na sina mama at papa. Nagsimula kaming maging broken family mula nung nagfirst year highschool ako. Pinagpalit nya si mama sa isang matandang babae. Byuda na yun pero mayaman. Naalala ko nun kung gano kadalas sila mag-away ni mama. Palagi silang nagtatalo hanggang sa napilitan nang umalis ni papa at hindi na bumalik. Si mama umaasang magkakaayos pa sila ni papa. Lagi kasi siyang tumitingin sa bintana ng bahay namin at waring may tinatanaw sa kung saan. Hanggang sa sumuko na din si mama sa kahihintay.

Magmula nun, nabaon kami sa utang. Wala kasing trabaho si mama kaya hindi nya alam kung pano nya kami mabubuhay magkapatid. Nabubuhay lang kami sa binibigay na tulong ng tita namin. Nagiging mamagalitin na siya. Hindi na namin siya nakakausap tulad ng dati. Kung maibabalik ko lang sana. Sana okay pa kami. Sana di na lang kami iniwan ni papa. Sana masaya pa si mama. Yung sumunod naman sakin, nagbulakbol. Nagrebelde at kung ano ano nang gulong pinasok. Wala nang ginawa kundi uminom, at hindi na pumasok sa eskwelahan. Nanghihinayang ako kasi matalino siya. Sinira nya lang ang buhay niya. Nakakulong siya sa boystown ngayon. Dinadalaw namin siya ni bunso paminsan minsan kasi malayo din ang byahe papinta dun at wala kaming pamasahe. Isang taon lang naman ang itatagal nya dun para tumino ulit. Yung bunso namin kapatid, bata pa lang pero alam kong nakkaintindi na sa nangyayari samin sa bahay. Matalino din siya. Sa katunayan, First Honor siya ngayong Grade 4. Sabe ko sa kanya, pag-igihan nya lang at akong bahala sa kanya.

Bumalik na ko sa kinauupuan ko matapos nun. Narinig kong may sumisipol sakin. Paglingon ko sa kanan, si Syke lang pala.

"Psst, Congrats Babe, I love You!"

"Yieeeeee!" Yung heartbeat ko nagpapalpitate. Sobrang bilis.

Kanina lang sobrang iyak ko sa sinabi ni mama. Ngayon naman sobrang saya ko sa sinabi ni Syke. Mabbaliw na yta ako. Haha. Okay lang, atleast masaya naman ako.

"Letse! 'Yan ka na naman.." kunwaring inis na sinabe ko sa kanya. Joke lang 'yun pero seriously, Im dead! Pwede na kong mamatay sa sobrang tamis ng boyfriend ko. Kinilig talaga ako sa sinabe nya. Sweet diba? He never fails to make me smile. Laging ganun ehh. Parang nasa heaven ako pag nakikita ko sya. Love is in the air sabe nga nila.

Nasa kabilang upuan siya. Graduate na din at kaklase ko. Hiwalay kasi ang upuan ng girls at boys. Pero magkalapit lang yung distansya namin kaya narinig ko yung sinabi niya.

Siya si Syke. Syke Espiritu. Boyfriend ko. Hindi siya gwapo, hindi dinsiya ganun katalino pero masasabi kong nasa kanya na lahat. He stole my heart. I know his the one for me. Sobrang mahal na mahal ko yan. Higit pa sa kahit na sino. Mahal ko siya katulad ng pagmamahal ko sa pamilya ko. Yung sobra sobra pa para sa sarili ko. Handa kong gawin lahat para sakanya, wag lang siyang mawala. I know he loves me too, and he will never do anything bad to me.

Love Is In The AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon