Chapter 13 - Bad Nightmare

472 27 5
                                    

Chapter 13

Bad Nightmare

 

Isang linggo na ang nakalipas mula nang umuwi kame nila mama at bunso. Si bunso kasalukuyang nasa eskwelahan. Dun parin siya nag-aaral sa dati nyang pinapasukan. Samantalang ako, wala! Nganga lang. Tumutulong sa gawaing bahay. Mukhang malabo na ngang makapag-aral pa ko. Sarado na lahat ng eskwelahan sa Manila. Hindi na tumatanggap. Hindi ko alam kung may mangyayari ba sa pangarap ko to think na salutatorian pa ko nung High School. Madami na din akong natanungan na mga scholarship pero laging puno na. Maaga daw kasi dapat inaasikaso yun dahil first come first serve. Nagexam na din ako sa mga school pero laging sinasabi hindi ako makakakuha ng full scholarship, discount lang. Ehh kahit nga 50% discount, hindi namin kayang bayaran..

"Ohh maiwan muna kita dito ahh?"

"San ka pupunta Ma?"

"Dyan lang.."

"San yun?"

"Sa palengke.."

"Anong gagawin mo dun?"

"Ano bang gingawa sa palengke?"

"Mamalengke ka? Wala na nga tayong pera ehh."

"Ang dami mo naman tanong! Basta aalis ako.. Dito ka na lang muna sa bahay."

"Sama ako!"

"Hindi pwede!"

"Luhh? Bakit? Tulungan na nga kitang malengke Ma, Wala din naman akong ginagawa ehh."

"Hindi nga pwede, Ohh pano! Mauna na ko ha!?"

"M-maaaa!"

Blaghhhhh!

 

At tuluyan na nga akong naiwang mag-isa sa bahay. Hayss.. Ano kayang dapat gawin? Mag-isa na naman ako sa bahay. Lagi na lang.. Si Mama kung kelan tumanda tsaka pa naisip maggala! San kaya yun pumunta? Sabi nya sa palengke.. pero parang ayoko maniwala. Hmpp! Hayaan na lang muna. Tutal matagal tagal din naman niyang hindi yun ginagawa sa buhay nya. Palagi lang siya sa bahay at puro mukmok sa kwarto.

Ano kayang pwedeng gawin? Sumalampak ako sa sofa. Humiga.

Tawagan ko kaya sina Cassey at Sandy? Matagal na din akong walang balita sa kanila. San kaya sila nag-aaral? Kainis yung mga yun ha! Di man lang ako naisipang itext man lang. Di ba nila ako namimiss. Di man lang nila ako balitaan..

*Cassey Calling*

 

*Cassey Calling*

 

*Cassey Calling*

Love Is In The AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon