Chapter 17
Nice Meeting Him. Again?
"Yayyyy! Andyan na siyaaaaa!"
"Sino ba yun!?" Tanong ko kay Brenda.
"Hindi mo siya kilala?"
Parang siya pa ang nagtaka sa tanong ko.
"Sino nga ba siya? Dapat ko bang kilalanin?"
"Hayyy nakuuu! Bago ka nga lang talaga at madami ka pang dapat kilalanin. Mamaya na tayo mag-usap. Punta muna ako dun ha? Maiwan ko muna kayo ni Andrea."
"Uyyy bakit mo ko iiwan? Sasama ako sayo! Ohh pano Jaja? Maiwan ka muna namin ha? See you later. Bye!"
Pumunta sina Brenda at Andrea sa kinaroroonan nung lalaki. Sino ba kasi yun? Bakit ganun na lang sila makatili kanina? Hindi kaya artista yun? Yung mga papasikat pa lang? O kaya naman anak ng may-ari ng school na to? Ayy! Bakit ko ba sya iniintindi. Madami pa pala akong aasikasuhin. Makapagsimula na nga para kahit pano mabawas-bawasan na din yung pinoproblema kong mga papeles at ibang bagay.
Ralph's POV:
"Wassapppppppp Dudeeeeee!"
Pagdating ko ng gym, yan agad ang sinigaw ko. Namiss ko lang kasi sila sobra. Ilang araw din akong nagpahinga sa bahay dahil sa problema ko. Walang praktis, walang laro, walang gala, wala lahat kahit ano. Yung pakiramdam na gusto mo nang mawala sa mundo? Yung feeling na wala man lang makatulong sayo? Sabayan pa ng mga taong walang magawa sa mundo kundi siraan ka. Hehe. Hugot!
Ayun, back to reality, ang daming naghiyawan na mga tao nung nakita nila ako. Alam kong namiss nila ako, pero alam ko namang mas namiss nila yung kapogian ko. Aba! Wala yata silang makikitang ganto ang itsura sa buong campus. Nag-iisang pogi lang 'to no! Hehe.
Pero syempre joke lang yun. Joke lang yung madaming nggwapuhan saken. Gawa lang yun ng mapaglaro kong isipan. Pagbigyan na. Minsan lang naman ako humirit ehh. Nakakatuwa lang talaga kasi ang lakas ng hiyawan nila sakin. Welcome back Ralph! Its your time to shine again!
Bago nga pala ang lahat, magpapakilala muna ako. Im Ralph Angelo Pomida. Mas kilala ako sa tawag na Ralph o kaya Rap Rap. Pero kasi yung Rap Rap, iilan lang na malalapit sakin yung tumatawag nun. Ayokong tinatawag ako na Angelo, para kasing ang baduy! Sabi kasi ng nanay ko mukha daw akong anghel nung bata ako kaya yun pinangdugtong niya sa pangalan ko. 2nd year pa lang ako dito sa City University of the Philippines. Dapat 3rd year na ko ehh. Nag 1year na kasi ako dati sa Northville Manila University. Bakit ako lumipat? Simple lang, wala na kaming pera. Hehe. Kumpara dto, mas mahal ang tuition sa NorthVille.
Nakita ko sina Brenda at Andrea na may kasamang babae banda dun sa likod. Medyo nakasideview kasi sya kaya hindi ko masyadong makita kung sino. Pero alam kong hindi siya tagarito. Alam kong hindi siya miyembro dito at lalong alam kong hindi siya -aaral dito. Bakit? Kilala kasi ako dito. Kahit sa Northville pa lang. Wala ehh.. Ganun talaga! Going back, Ewan ko pero nitong oras na 'to, gusto ko siyng lapitan kaso baka mamaya mapahiya pa ko. Ayoko namang siya ang maging dahilan ng kahihiyan ko. Never!
![](https://img.wattpad.com/cover/16611227-288-k66736.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Is In The Air
Novela JuvenilSi Janella Jade Jorigue ay isang Salutatorian graduate sa isang public High School. Sinong mag-aakalang sa sobrang talino niya ay bobo pala siya sa pag-ibig? Nagawa siyang paikutin at bilugin ng pinakamamahal niyang si Syke. Ang kanyang first boyfri...