Chapter 12 - Back to Manila

432 31 2
                                    

Chapter 12:

Back to Manila

Pumasok din ako sa kwarto. Huminto siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin. Concern siya alam ko. Ayoko nang ganito kami ni mama, 'yung hindi okay. Concern nga siya pero hindi naman namin siya close. Hindi man lang namin siya makausap at masabihan ng problema. Kahit kay bunso na lang ehh. Ang hirap kaya na nandiyan 'yung mama mo pero parang wala lang din. Sobrang hirap na walang malapitan sa tuwing may kailangan ako, kami ni bunso.

"Sinabi ko na sayo Janella diba? Pagod ako.."

"Ma, saglit lang.."

Niyakap ko siya. Yung mahigpit. Saka ako umiyak. Na-miss ko siya yakapin. Wala akong pakelam kung makita pa nina tito at tita. Basta gusto ko lang ilabas yung mga saloobin ko sa kanya. Bigat na bigat na ko. Hindi ko kayang pagsabay sabayin yung problemang patong-patong. Alam kong iniwan kami ni papa pero sana man lang maisip niyang may anak pa rin siyang nagmamahal sa kanya.

"Makita ka ng tita at tito. Magandang ipaghain mo na sila ng hapunan. Anong oras na.." pilit na iniiwasan ni mama ang ganitong bagay.

Lalong humigpit ang pagkakayakap ko. "Ma, sana 'wag naman kayong ganyan samin. Sana wag n'yo naman kaming pahirapan ni bunso. Kaya naman natin ng wala si papa diba? Nakaya naman na natin. Nandito kami Ma, tutulungan ka namin. Magtutulungan tayo. Sana ibalik mo na yung dating saya mo. Kami lang ni bunso yung nahihirapan ehh. Wala kaming magawa kapag nalulungkot ka. Pati kami nadadamay, iniiwasan mo kami. Hindi kinakausap. Sana man lang Ma.. Please.. Sana maging okay na tayong tatlo."

Umiiyak na ko ng mga oras na iyon. Nakita ko si bunso sa may hagdanan, umiiyak na rin. Marahil kanina niya pa naririnig ang pinaguusapan namin.

"S-sorry J-janella. Sorry anak. Napabayaan ko kayo." Tuluyan na din naluha si mama. Siguro masyadong nadala sa mga sinabi ko.

"Mama, wala kayong kasalanan."

"Sorry Anak.. N-napabayaan ko kayo ni bunso." Niyakap niya ko ng mahigpit.

"Hindi Mama. Okay lang kami ni Ate. Naiintindihan po namin ang pinagdadaanam nyo." Lumapit na sa amin si bunso.

"Kahit na. Hindi ko akalaing.. H-hindi ko akalain na nakakaapekto na pala 'to sa inyo." Yinakap na niya ako at si bunso.

"Tahan na Ma.. Magtutulungan tayo nila ate diba?" positibong saad ni bunso.

"Oo Ma, kaya natin 'to. Malalagpasan natin 'tong tatlo." Pagsang-ayon ko.

"S-salamat anak. S-salamat."

Masyado nang napalibutan ng emosyon ang buong kwarto. Moment namin 'tong tatlo. Wala pa siguro si tito at tulog naman si tita kaya okay lang magdrama ngayon. Walang istorbo. Nagyakapan kaming tatlo at nagkatuwaan. Ninamnam namin ang bawat sandali. Na-miss ko si Mama. Sobrang miss na miss. Sana eto na yung panibagong bukas. Sana eto na yung magandang simula para saming tatlo. Lalo na paglueas namin sa Manila.

***

Dumating na ang ikalawang araw mula nang nangyari ang dramahan sa bahay nina tita. Masaya lang kami nung gabing yun. Sabay sabay kaming nagtungo sa kwarto at nagkeentuhan lang ng kung ano ano. Madami kaming naikwento. Mula nung panahon na hindi na niya kami kinamusta sa eskwela. Lalo na ko. Diba nga kasundo ko si Mama dati? Nawala lang talaga nung iwan kami ni Papa.

Bagong kabanata, move on na. Tinutulungan na namin si Mama makalimot at maging masaya ulit. Alam kong kaya ni Mama yun! Kayang kaya! Konting panahon pa at manunumbalik na ang lahat sa dati. Pagtapos nun natulog na kami nang magkakayakap. Nagtataka nga si tito nung umuwi kasi paga yung mata naming tatlo. Pero hindi na namin siya pinansin. Si tita naman, kinabukasan na kinausap ni Mama. Nagpasalamat si Mama sa ilang araw na pinayagan niya kaming magbakasyon dun. Ngayon, eto uuwi na kami. Malapit na ang pasukan. Ako mageenroll pa lang. Sana talaga makahanap ng slots.

Love Is In The AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon