Chapter 25 - Cheer Ever

608 34 10
                                    

Chapter 25:

Cheerdance Competition

 

Dalawang linggo na din ang nakalipas mula nung nangyari. Ngayon masasabi kong masaya na ko. Komportable. Panatag sa piling ni Ralph. Matapos naming maghalikan nun, hindi na nya ko pinakawalan pa. Lagi ko na siyang kasama. Lagi na niya kong tinatawagan at tinitext. Pero wala padin talagang official na pag-uusap kung kami na ba talaga o hindi. Ayoko naman magsalita sa kanya. Ayokong pangunahan. Baka mamaya mapahiya lang ako. Isa pa, hindi naman ako lalake.

Nasa bahay nga pala ako ngayon, sa sala. Walang pasok. Mamaya pa yung practice namen ehh. Naiinip na ko. Gusto ko na din kasi makita si Ralph. Kahit wala pa kaming official na usapin tungkol sa mga bagay bagay, alam kong pareho na kami ng nararamdaman. Hindi katulad dati na masyadong magulo. Yung wala na lang akong ginawa kundi hulaan kung anong sasabihin at nararamdaman niya.

"Ate?—"

"Ohh bakit?"

"..." Hindi siya kumibo. Mukang may problema yata si bunso ahh!?

"Wala lang. May tatanong lang sana ako.."

"Ohh ano yun!? Sige lang bunso sabihin mo."

"Ano kaseee.."

"Ano nga? Basta wag lang pera ha!?" Tumawa siya ng bahagya pero bumalik din sa dati.

"Ate.. Uhmm.. P-pano ba malalaman kung crush ka din ng crush mo?" Nagulat ako sa tanong ni bunso. Parang hindi ko sukat akalain na itatanong nya sakin yung mga ganung bagay.

"Ha? Bakit mo natanong?"

"Ahh.. W-wala lang ate."

"May crush ka na ba?"

"Ate naman..."

"Nagtatanong lang ako. Pero normal lang yan."

Hindi siya nagsalita. Waring interesado sya sa bawat sasabihin ko sa kanya. Bilang ate, kung ano yung naranasan ko, yun lang naman ang maipapayo ko sa kanya.

"Malalaman mo na crush ka ng crush mo, kapag nagpapapansin siya sayo. At mkukumpirma mo lang yan kapag sinabi niya din sayo."

"Ahh ganun ba ate? Ehh ikaw? Crush ka ba ng crush mo?"

Natawa naman ako sa tanong nya. Gusto kong humalakhak ng malakas. Gusto kong sabihing nagdadalaga na din si bunso at may pa-crush crush na siyang nalalaman. Haha. Natatawa ako dahil nakikita ko yung kuryosidad ni bunso, katulad ko dati. Pero ngayon hindi na. Dahil alam ko, nandyan na si Ralph.

"Bakit naman nasali ako sa usapan?"

Pilit kong iniiwasan ang tanong nya sakin. Kung bakit nga ba hindi ko siya masagot? Gusto din ba talaga ako ni Ralph? Minsan kasi hindi padin ako makapaniwala sa sobrang bilis ng pangyayari.

Love Is In The AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon