Chapter 22:
Unexplainable Feelings
"Bakit di mo sinasagot yung tanong ko?"
"Bakit? Sinu ka ba? Anu ba kita?"
Bigla naman akong napahiya sa sinabi niya. Ano nga ba naman ako sa kanya. Diba wala lang? Tama. Wala naman talaga. Bakit pa ba ko naasa? Hindi ko alam sa sarili ko, pero parang umaasa ako. Umaasa akong magiging okay siya. Umaasa akong may patutunguhang maganda yung mga ginagawa ko. Pero mali siguro ako. Siguro tama lang na isantabi ko muna yung feelings ko sa kanya. Oo na! Sige na!
Gusto ko na nga talaga siya!
Ralph's POV:
"Bakit di mo sinasagot yung tanong ko?"
"Bakit? Sinu ka ba? Anu ba kita?"
Tinapos ko lang yung pagwawarm-up ko bago ako tuluyang pumunta sa ibang mga kagrupo. Naiwan siyang mag-isa sa kabilang side ng gym. Naaawa ako sa kanya. Parang nabastos ko siya ng sobra. Pero mas pinili kong labanan yung konsensiya ko. Hinayaan ko lang siya. Naiinis kasi ako sa nakita ko kanina. O baka tamang sabihing nagseselos?
Ahhh Basta! Nakakainis!
Nilapitan ko silang lahat na abala sa pagpapractice. Binati ko sila isa isa na parang goodvibes lang. Parang walang nangyari. Hindi naman ako galit kay Dom. Pero ang gusto ko lang naman, yung ako lang yung pwedeng lapitan ni Jaja. Ewan ko ba. Pero masaya ako sa kanya. Una pa lang, parang ang gaan na ng pakiramdam ko sa kanya. Kaya kahit na tinataray-tarayan niya ko, okay lang. Bumabawi na lang ako sa pang-aasar ko sa kanya. Haha.
"Anne, tara? I-sandwich grip kita?"
Lumapit sakin si Anne. Masungit ang babaeng 'to pero pagdating sakin napapaamo ko. Hehe. Ganun talaga. Charm lang.
"Alam mo na agad?"
"Oo naman.."
"Kaya mo ba ko?"
"Sa patpatin mong katawan hindi kita kaya?"
"Ang yabang mo namann.. Nick!"
Tinawag niya si Nick para may kapartner akong magbubuhat. Bale, ako yung base tapos si Nick yung side base. Si Anne syempre yung flyer. Wala kamong backspot. Kaya naman namin sumalo ng tama. Isa pa, magaling naman yung mga kasama ko kaya okay lang. Hehe.
"Game? Okay.. Last.. Last 2.. 3.. 4.."
Nagready na kami ng buhat ni Nick. Pagdating ng 5 at 6, binuhat na namin ni Nick si Anne hanggang mid. Tapos nung medyo okay na, tinuloy namin ang buhat pataas para i-extend. Kanina magkadikit yung paa ni Anne habang nasa itaas siya. Binitawan namin yung isang paa para makapagpose siya ng gusto niya.
BINABASA MO ANG
Love Is In The Air
Teen FictionSi Janella Jade Jorigue ay isang Salutatorian graduate sa isang public High School. Sinong mag-aakalang sa sobrang talino niya ay bobo pala siya sa pag-ibig? Nagawa siyang paikutin at bilugin ng pinakamamahal niyang si Syke. Ang kanyang first boyfri...