Chapter 2
Inuman Session
Binola ko lang ng kaunti si Mama para pumayag. Wais ko talaga! Hinatid ko sila ni bunso malapit sa kanto namin at saka sumakay ulit pabalik ng central hall. Malapit lang naman 'yung central hall kaya walang problema..
Actually ayoko naman talagang sumama sa inuman nila. Kung hindi lang dahil kay Syke. Hindi naman kasi ako nainom. Madami nang nagyaya sakin kahit mismong sila Sandy at Cassey, dedma lang ako. Pero sabagay, baka eto na din yung huling pagsasama namin magkakaklase.
Kringgggg.. Kringggggg.. Kringgggg.. Nagri-ring 'yung phone ko, si Syke.
"Hello nasaan ka na?" asik sa'kin ni Syke.
"On the way na ko pabalik!" sagot ko naman.
"Ang tagal mo! Kanina pa ko naghihintay!" giit niya. Naku! Beast mode na si Syke. 'Wag naman sana...
"Sorry Babe, hinatid ko pa sila Mama tsaka si bunso malapit sa amin eh. Nasaan na daw ba sila? Sorry na..."
"Sunod ka na lang kaya? Iiwan na nila ako..." wika niya. Muling nagpantig ang tainga ko. Takte siya! Badtrip ha?! Baka sabayan ko galit niya. Pero sa halip na tuluyang mainis, pilit akong kumalma...
"Heto na nga Syke. Excited naman masyado uminom," bulong ko sa aking sarili. Naisip kong magpa-awa effect. Baka sakaling tumalab din ang powers ko do'n.
"Wag babe, hintayin mo ko pleaseee?"
"Oo na. Malo-lowbatt na ko. Bilisan mo na--"
"Si-- Hello! Syke! S-yke?" *Tooottt! Toooottt! Toooott!*
Binaba na niya yung phone. Badtrip na nga 'yun. Pero buti na lang hihintayin nya pa rin ako. Kasi kung hndi, hindi na lang ako tutuloy. Hmmm..
"Positive vibes lang! Remember, graduation today at may award ka." Muli ko na namang kinausap ang aking sarili.
Pagbalik ko sa tagpuan namin, nakita ko agad si Syke. Nakakunot 'yung noo. "S-Syke s-sorry?" wika ko. Inunahan ko nab ago pa man siya ma-beast mode ng tuluyan.
"BAKIT BA KASI ANG TAGAL MO!?" nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw sa akin, It was the first time happened.
"Sinabi ko na nga sayo kanina diba? Hinatid ko si Mama pati si bunso." Malumanay ko pa rin na sabi.
"SANA NAG-TEXT KA MAN LANG! HINAHANAP KITA DITO TAPOS WALA KA PALA! HININTAY PA KITA!" Hala! Totoong sinisigawan niya nga ako. Hindi ako makapaniwala... First time ko siyang makitang nagalit. Gusto kong maiyak dahil sa ginawa niya
"Ahh.. Hndi na kasi kita natext--" magdadahilan pa sana ako pero hinila na niya isang kamay ko. Ang higpit ng pagkakahawak niya. Nasasakal ako.
"TARA NA! BILIS!" Halos masalubsob na ko sa pagmamadali namin.
Nawala na 'yung pasensiya ko. Nasagad na niya sa limit. Dagli akong pumiglas sa pagkakahawak niya. Nakakainis! Hindi na kasi tama. Hindi na maganda. Ngayon ko lang naranasan 'to sa kanya sa loob ng limang buwan. Nilamon na ko ng bad vibes ngayon...
"Awww! TEKA NGA!" sumigaw ako. Sandali kaming nahinto sa gitna ng daan. "BITAWAN MO YUNG KAMAY KO, MASAKIT!"
"BILISAN MO NA! HINHINTAY NA TAYO DOON!" pasigaw niya ding tugon.
Imbes na gantihan ko pa ulit siya ng pasigaw ay hindi ko na ginawa. "H-hindi na lang ako sasama..."
"E 'di 'WAGGGGG!" nakita kong aalis na rin siya at magpapatuloy na sa paglalakad mag-isa.
BINABASA MO ANG
Love Is In The Air
Teen FictionSi Janella Jade Jorigue ay isang Salutatorian graduate sa isang public High School. Sinong mag-aakalang sa sobrang talino niya ay bobo pala siya sa pag-ibig? Nagawa siyang paikutin at bilugin ng pinakamamahal niyang si Syke. Ang kanyang first boyfri...