Chapter 5
He Visits
Kinabukasan, maaga akong pumunta sa school. Mag-isa lang ako. Gusto ko kasing matapos na yung clerance ko. Apat na lang naman silang pipirma kaya konting tiis na lang. Konting tiis na lang at mawawala na kong tuluyan sa eskwelahang ito. Kung san ako sumaya, nagmahal at nasaktan. Pagpasok ko ng faculty. Nakita ko agad yung teacher namen sa PE.
"Sir!--" saad ko.
"Ohh Ms. Jorigue, anong kailangan mo?" Tumayo siya at nilapitan ako. "Hindi ko pa ba napipirmahan yung clearance mo?"
"H-hindi pa nga po ehh..."
Hinawakan niya ang balikat ko at saka nagpaalam. "Aalis ako ehh.. Balikan mo na lang ako mamaya."
"Hala sir ngayon na! Pipirmahan mo lang naman ehh.." pagrereklamo ko. Saglit lang naman pumira. Gaano ba kahirap iyon?
"May lakad nga ako!" kinuha na niya ang mini-bag niya at saka naglakad paalis.
"Saan Sir? Gagala ka lang ehh." Pabiro kong sabi.
Mukhang nainis naman na siya sa akin. "Mamaya na lang pagbalik ko. Did you understand Ms. Jorigue?"
Imbes na magpatinag ay sinubukan ko ulit pilitin si sir. "Sir naman ehh.. Si--"
"Bahala ka hindi ko tlga pipirmahan yan. Mamaya Ok?! MA-MA-YAAAAA!" Eni-emphasize niya pa talaga sakin yung last word. Tss.. talagang inemphasize mo pa Sir ha? Feeling niya yata bobo ako.. Naku-naku! At the end of conversation, wala din naman akong magagawa kundi sumunod sa gusto niya.
"Yes Sir..." Pabulong ko lang sinabi yan. Putchaa! No choice.. Maghihintay pa ko ng matagal dito. Wala pa man din akong kasama. Huhu.. pano ba yan!?
Lumabas na ko ng Faculty Room. Pumunta ako sa may Vacant Room sa second floor ng building. Saktong naroon naman ni Lucy.
"Ohh Jaja, ang aga mo yata?" salubong ni Lucy sa akin.
"Ahh-- Oo! Galing akong Faculty Room." Itinaas ko pa ang isang kamay ko at itinuro ang pinanggalingan ko.
"Anong ginawa mo do'n?"
"Papipirma ko sana yung clearance ko. Kulang pa ehh.. ikaw? Tapos ka na ba?"
"Hindi pa din." Nakangising wika niya.
"Ehh anong ginagawa mo dito?" ako naman ang nagtanong.
"Hinhintay ko lang si Syke."
Si Syke? Bakit kaya n'ya hinihintay? Magkaibigan ba sila? 'Yung tipong close na close? Alam ko hindi naman... Hmm.. Teka? Si Lucy ba ang mahal ni Syke? O baka naman mahal ni Lucy si Syke at kaya nakipagbreak si Syke sa akin ay dahil nilalandi niya. Tekaaa-- Ano bang pakelam ko? Wala na kami ni Syke. Wala na dapat akong karapatan sa kanya. Malaya na siyang maghanap ng iba.
Nasa ganoon akong pag-iiip nang hawakan ni Lucy ang kanang balikat ko. "J-jaja? Okay ka lang? Tulala ka..."
"Ahh.. Ehh.. A-ano!? O-oo!" mautal-utal kong sabi.
"Hmm.. maupo ka kaya muna. Wag ka nang magpatangkad. Ibalato mo na sa amin yun! Hahaha. Joke lang!" hindi naman ako natawa sa joke niya. Ang korni. Ewan ko. Pero nairita ako sa naiisip ko kanina.
Umiling-iling ako with matching hands. "Ayyy hindi! N-naku! Kailangan ko na mauna." Dali dali akong lumabas mg vacant room.
"Jaja may sasabihin ako sayo." Bigla naman akong napahinto. Sinundan niya pala ako.
"Kung ano man 'yung iniisip mo, nagkakamali ka. Hindi kami ni Syke. Walang namamagitan samin." Nakangiti niyang sambit. Nababasa niya ba 'yung nasa isip ko? Abayyy Matindeee!
![](https://img.wattpad.com/cover/16611227-288-k66736.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Is In The Air
Ficção AdolescenteSi Janella Jade Jorigue ay isang Salutatorian graduate sa isang public High School. Sinong mag-aakalang sa sobrang talino niya ay bobo pala siya sa pag-ibig? Nagawa siyang paikutin at bilugin ng pinakamamahal niyang si Syke. Ang kanyang first boyfri...