Chapter 22
Adam's POV
Nagising ako dahil sa boses ni Christina. I don't know why pero bakit parang malungkot siya habang tinitigan niya ako sa aking mga mata. Is there something wrong about me? May nangyari bang hindi maganda? Bakit parang malungkot siya?
"What's the problem, baby ko?" I asked her with full of mystery. "Nothing, Adam. Ikaw ang may problema." maemosyonal na sagot niya naman sa akin na mas lalo kong ipinagtaka.
"W-What do you mean?" tanong ko ulit sa kanya.
"Adam, please huwag munang ipilit ang sarili mo dito sa bahay. You don't deserve this kind of life. Hindi ka bagay dito, Adam." she answered apathetically.
"C-Christina, hindi," tanging sagot ko sa kanya habang tinitigan siya.
"No, Adam, don't be pretender. Don't pretend na okay kalang kahit hindi naman talaga. Look at your self, hindi kaba naawa sa sarili mo ngayon? Pawis na pawis ka Adam while you are sleeping." anito habang awang-awa sa itsura ko ngayon.
"What do you mean Christina? Pinapalayas mo na ba ako? Pinapauwi mo na ba ako sa amin, huh?" komento ko naman dahil sa mga sinabi niya. Agad akong tumayo at hinubad ang pang itaas na damit ko na basang basa ng aking pawis.
"Hindi naman sa ganun Adam, nag-alala lang ako sayo. Hindi ka nararapat dito. Hindi hamak na mas maganda ang buhay mo sainyo." paliwanag ulit nito sa akin.
"Christina, for you, I will. Titiisin ko ang lahat na mga ito para sayo. Itong mga pawis? Wala akong pakialam basta't kasama kolang ang babaeng mahal ko." sagot ko naman sa kanya pero katulad parin ng dati may lungkot padin sa kanyang mukha.
-----
WE'RE now on our way papunta sa opisina. Kasama ko si Christina ngayon, again she's my secretary. Tama si Christina, hindi dapat ako magpapaapekto sa problema kung ano ang meron sa amin ni Daddy. I don't want to ruin our company. Kailangan ako ng kompanya ngayon.
"Good morning sir!" bati sa akin ng mga trabahante ng kompanya. Finally, nasa tapat nadin ako ng opisina ko. For how many day's na hindi ako pumasok sa kompanya hindi kuna alam ang gagawin ko ngayon. God, sana okay lang ang takbo nito past few days na wala ako. Sana wala mga nangyaring problema.
Agad kong binuksan ang pintuan ng opisina, tama ba itong nakita ko? Tama ba itong si Daddy ang nasa harapan ko ngayon.
"Goodmorning Dad!" bati ko kay daddy.
"Anong maganda sa umaga ko? In how many days na hindi ka nagpakita dito sa kompanya, how dare you na magpakita kapa dito sa opisina matapos ang lahat-lahat na mga ginawa mo?" saad ni daddy.
"Dad, I'm so sorry!" tanging sagot ko naman.
"Sorry? Sorry lang ba ang sasabihin mo? You know what Adam na bumaba ang kita ng kompanya this past few days nang dahil sa mga ginawa mo. Akala ko responsible ka sa pag ma-manage dito sa kompanya but then isa kalang palang hangal. Napakahangal!" saad ulit ni daddy sa akin.
"Pasensiyahan niyo napo siya Mr. Novalez, nabugbog po kasi siya nung mga nakaraang araw kaya...." hindi na natapos pa ni Christina ang dapat niyang sabihin nang biglang nagsalita si daddy.
"You are Christina, right?" tanong nito sa babaeng mahal ko. Tumango naman si Christina kay dad para pagkompirmang tama ang sinabi nito. "The newest secretary here in the company, right?" tumingin muna si Christina sa akin bago tumango kay Daddy. "Then, hindi kaba nahiya na isa kang secretary sa isa sa mga pinakasikat na kompanya sa buong bansa."
"Dad, what do you mean?" sambat ko. " Anak, come on, ginawa mo siyang sekretarya ng kompanya na walang pinag aralan. Hindi moba iniisip ang kalagayan ng kompanya na nagpapasok ka ng isang taong walang kamuhang muhang." walang pag aatubiling daing ni daddy.
"Shut up dad!" hindi mapigilang sigaw ko dahil sa kanyang mga masasakit na panlalait kay Christina.
"Sige, ipaglaban mo ang babaeng iyan. Ipagtanggol mo siya." anito na may kaakibat na malamlam na ngiti.
"Dad, wala kang karapatan para pagsalitaan ng mga masasakit na salita si Christina. You don't know her yet." sagot ko naman.
"Hahaha, nagpapatawa kaba anak? I don't know her yet? Kilalang kilala kuna ang mga taong katulad niya. Pera, pera ngalang naman ang habol niyan sayo." wika pa ni daddy.
Hindi na ako nakapagtiis pa, hindi ko napigilan ang sarili ko. Agad kong nasuntok si Daddy sa mukha. Hindi ko kayang marinig ang mga masasakit na panlalait niya laban sa babaeng mahal ko. Mahal ko si Christina at ayaw ko siyang masaktan.
"Bakit mo ito nagawa sa akin? Bakit mo ito nagawa sa mismong ama mo?" daing ni daddy na nasasaktan sa mga kamao ko. "Pwes, mamili ka sa aming dalawa Adam. Mamili ka sa aming dalawa ngayon din. Ako , o ang babaeng iyan? Mamili kana?" tanong ni Daddy sa akin.
Alam kong isang malaking kasalanan itong ginawa ko kay Daddy. Pero sumusobra na siya, wala siyang karapatan para pagsalitaan ng mga masasakit na salita si Christina.
"Mamili kana!" sigaw ulit ni Daddy. Agad akong tumingin sa mukha ni Christina. Alam ko ngayon ang ibig niyang ipinahiwatig sa akin. Alam kong sinasabi ng mga mata niya na mas pipiliin ko si Daddy para sa ikakabuti ko pero, pero mahal ko si Christina. I'm willing to do anything against her it's because mahal ko siya. Mahal na mahal.
"I'm sorry but mas pipiliin ko si Christina, dad. Mahal ko siya....." – sagot ko naman.
"Get out here right now. Umalis ka kasama ang babaeng iyan. Siya ang pinili mo kaya sumama kana sa kanya. At ipaalala kolang sayo Adam, you are fired! Starting this day I don't want to see your face again here in this company. Panagutan mo iyang ginawang pagpili mo at tandaan mo ito, Adam. Darating ang araw na gagapang ka pabalik sa akin. Pagsisihan mo ang desisyong pinili mo."
BINABASA MO ANG
Somebody That I Used To Know(Completed)
General FictionNOVALEZ SERIES presents..."Somebody That I Used To Know" Adam Novalez We're not friends, We're not enemies. We're strangers with some memories. WARNING: Not suitable for young readers or sensitive minds. This story contains graphic sex scenes, adult...