Chapter 1

9.7K 176 14
                                    

Chapter 1

Christina's POV

WHY my head does hurt and why do I feel like I'm going to die this day. Feeling ko may lagnat ako ngayon dahil sa nararamdaman ko sa aking buong katawan. Wala akong pakialam! Kailangan ko ng pera ngayon para sa mga gamot ni lola. Kaya dapat akong magtrabaho kahit mabigat man ang pakiramdam ko, laban lang parin ako. Para kay lola gagawin ko ang lahat alang-alang sa kabutihan niya.

"Look, whose coming?" tili ng mga babaeng kasama ko dito sa kompanyang pinagsisilbihan ko. Maging mga kasama kong bakla nag titilian nadin dahil sa ----. Wait sino ba kasing artistang... OMG! Si Sir Adam! Si Sir Adam Novalez nga na ang kaiisang anak ng may ari ng Novalez Company.

Ang may ari ng kompanyang tinatrabahuan ko ngayon. Halos mabilaukan na yata ako dahil sa mga nakakapatay na ngiti niya and yes he is staring at my direction. Lagot! Bakit siya nakatingin sa akin? Nag init ang magkabilang pisngi ko dahil papalapit na siya sa kinaroroonan ko.

Napaka gentleman niya naman at napaka-sweet habang may dalang mga makukulay na bulaklak. Para sa akin ba talaga itong bulaklak na dala niya?

Mas lalo akong kinabahan nang namalayan kong nakatuon na ang atensyon ng lahat sa akin. Halos sasabog na yata ang puso ko dahil sa lakas nang pintig nito. Pinikit ko nalang ang aking mga mata sa kadahilanang hindi kuna alam kung ano ang gagawin ko. God help me!

I sigh. Kunting hakbang nalang ng kanyang mga paa para magtapat na kami ng kinatatayuan. I can't breathe right now pero--- wait. Wait, bakit niya ako linagpasan. Anong nangyari?

"Here you are babe, you look so gorgeous as usual. Common let's go outside and celebrate our 26th monthsary." aniya na halos ikakatunaw ko na sa kinatatayuan ko ngayon. I thought sa akin niya ibibigay ang mga makukulay na bulaklak na dala niya. Hindi pala. Napaka assuming ko talaga. Nasa likuran ko lang pala ang girlfriend niyang si Ma'am Rachelle. Nakakahiya naman.

"Yes my handsome boyfriend. Oh! You so sweet talaga." ani naman ni Ma'am Rachelle sabay halik sa pisngi ng boyfriend. Napaka assuming ko talaga.

"Okay babe, happy 26th monthsary!" pahabol pa niya sabay yakap kay Adam. Nagtilian naman ang lahat dahil sa ginawa ng magkasintahan. Hanggang sa lumabas na sila sa kompanya.

Nang makalabas na ang dalawang magkasintahan naging tahimik na ang paligid at katulad ng dati balik trabaho na kaming lahat sa aming mga kanya-kanyang gawain.

Sorry hindi ko pa pala pinakilala ang sarili ko sa inyo. Ako nga pala si Christina Saylan, 21 years of age. And I'm currently working in this company as all around janitress. The hell i care! Di' bali ng janitress atleast hindi naman pang janitor ang ganda ko.

Ulila na pala ako sa aking mga magulang. Parehas kasi sila mga makakati eh, kaya ano pa? parehas na silang may sari-sariling pamilya. At kailanman hindi na sila nagpakita sa akin pa magmula naghiwalay sila nung grade school pa ako. Tanging mga larawan nalang nila ang tanging bagay na meron ako ngayon.

Ang lola ko nalang ang tanging karamay ko sa buong buhay ko ngayon. Mabuti pa si lola pinarandam niya sa akin ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Halos siya na nga ang kasama ko sa buong 21 years ko dito sa mundo. Pinakain niya ako nang mabuti, inaruga at higit sa lahat tinuruan niya ako ng mga mabubuting asal.

Pero this past few day's tila napansin kong naging matamlay si lola. Kaya buti nalang at natanggap ako dito sa Novalez Company kahit isang tagapaglinis nila. Para naman kahit papaano makakabawi ako kay lola kahit sa pamamagitan lamang nang pagbili ko ng mga gamot niya. May sakit na diabetes sila lola kaya ang daming mga maintenance na gamot ang dapat kong bilhin. Kaya kailangan ko talagang kumayod kahit mabigat na ang aking pakiramdam. Nga pala, patay na pala ang lolo ko last five years ago dahil sa sakit na high blood. Inataki kasi siya na wala sa oras at huli na ang lahat ng maihatid namin siya sa ospital nung araw na iyon. Kahit papaano, unti-unti naman namin natanggap ni lola ang tungkol sa nangyari kay lolo noon.

Somebody That I Used To Know(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon