Chapter 48

3.1K 46 2
                                    

Chapter 48


"Iha, mahal mo paba ang anak ko? Mahal mo paba si Adam?"


Para ako naging manikin sa aking kinauupuan dahil sa sinabi sa akin ni Tita Alicia, ang mommy ni Adam. Nandito kami sa labas ng ER habang naghihintay ng result sa pag-examine kay Adam.

 


Natauhan lang ako nang bumukas ang pintuan ng ER. Iniluwa nito ang lalakeng nakasuot ng puting damit. Ang doctor.


"Doc, how's my son? What happened to my son?" walang pag aatubiling tanong ng mommy ni Adam sa taong lulan ng pintuan na ang doctor.


Bigla namang kumunot ang noo ng doctor na parang may masama itong ipinapahiwatig sa amin.


"Doc?"

Mga ilang segundo muna ang lumipas bago nagsalita ang doctor.


"Misis, nakompirma na namin ang sakit ng pasyente na kasulukuyang nasa Emergency Room ngayon!"may lungkot na tunong turan ng manggagamot sa ina ni Adam na ngayo'y napakahistirekal.


"Ano pong ibig niyong sabihin, doc?" hindi ko mapigilang tanong sa doctor.


"Base sa test result namin sa pasyente..." biglang nangibabaw ang nakakabinging katahimikan. "Positibo na meron siyang sakit na leukemia. Matagal na itong itinatago ng pasyente sa inyo tungkol sa sakit niya kaya ngayon ito ay lumala na."


Para akong binagsakan ng sandamakmak na sakong bigas dahil sa sinabi ng doctor sa amin. Napaluhod naman sa sahig si Tita Alicia dahil sa nabalitaan sa manggagamot. Nagsimula ng tumulo ang kanyang mga luha sa pisngi hanggang sa tuluyan na itong humahagulhol.

Somebody That I Used To Know(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon