Chapter 3
ANG kapal talaga ng mukha niya! Ang manyak talaga ng Adam na iyon. Bakit niya nasabi sa akin iyon? Napakamanyakis talaga niya.Nakakadiri! Bakit hindi nalang si Rachelle ang gawin niyang slut niya total pang prostitute naman ang mukha ng babaeng iyon, isa pa girlfriend niya pa. Kalma lang, Christina! Kalma lang!
Titiisin ko nalang ang pagiging janitress ko kaysa maging fuck*ngmate ng mokong na iyon. Gross! Not in my entire life! Kung hindi lang ako nakapagtiis kanina mababatukan kuna sana siya. Magpasalamat siya rini-respeto ko parin siya bilang boss ko. Bilang amo ko sa kompanya.
I'm walking right now papunta sa bahay namin habang may dala-dalang mga supot ng prutas. It's 7:30 pm na ng gabi. Tiyak kung magugustuhan ito ni lola, para naman madagdagan ang lakas at resistensiya niya sa pamamagitan ng mga prutas na binili ko.
"I'm home, lola!!" malakas na sigaw ko sa tapat ng pintuan ng bahay. Katulad ng dati hinihintay kong pabuksan ako ng pintuan ni lola. Nakagawian na kasi namin ang gawaing ito. Isang tawag kolang kay lola at agad niya naman ako pagbuksan ng pintuan.
"I'm home, Lola!!" sigaw ko ulit habang hinihintay ko parin ang pagbukas niya.
Siguro tulog na siya? O, di kaya'y, nga naman wala naman kaming mga kamag-anak dito sa maynila. Dahil sa kuryusidad ko hindi na ako nagdadalawang isip pang pumasok sa loob ng bahay at agad hinanap ng mga mata ko si Lola.
Wala siya sa kwarto niya. Wala siya sa sala, at wala din siya sa banyo. Lagot! Nasaan na kaya siya? Diko mapigilang mangamba at mapaluha dahil sa kabang nararandaman ko ngayon. Agad akong lumabas ng bahay at nagbabasakaling nasa labas ito, pero katulad sa loob ng bahay wala parin ako nakitang anino ni lola.
"Christina... Christina..." Hingal na hingal na tawag sa akin ni Aling Generosa na ang aming kapitbahay. Agad naman niya nakuha ang attensiyon ko kaya dali-dali ko siyang pinuntahan sa kinaroroonan niya.
"Bakit po Aling Miranda? Nakita niyo po ba ang Lola ko?" walang pagdadalawang tanong ko sa kanya.
"Iha, mabuti't nakauwi kana. Ang Lola mo ay isinugod sa ospital kanina pang umaga..." habol hingang balita niya sa akin na parang mawawalan na ng hininga.
Bigla akong nabilaukan dahil sa ibinalita sa akin ni Aling Generosa. Walang anu-ano'y agad akong tumakbo papunta sa ospital kung saan isinugod ang lola ko. Wala na akong pakialam ngayon sa aking suot. Kahit hindi na magkapares ang tsinelas na suot ko. Ang importante sa akin ngayon ay ang makita ko ang lola ko.
Mga ilang minuto narating kodin ang ospital na tinukoy sa akin ni Aling Generosa. Agad ko nakita si lola, tulog na tulog siya sa kinahihigaan niya. Agad ko siyang yinakap ng napakahigpit na parang wala ng bukas. Mahal ko ang lola ko, sabi ko nga diba na ang lola ko ang kahinaan ko sa kahit ano mang mga bagay.
Diko mapigilang mapaiyak habang pinagmasdan ang tulog na tulog na imahe ni lola. Hanggang sa nagising ito.
"Christina, pasensiya na apo. Inataki na naman ako ng diabetes ko. Tumaas na naman ang blood sugar ko. Pasensiya na kung pinag-alala pa kita." aniya na may tunong lungkot ang kanyang boses.
"Hindi ka dapat mag sorry sa akin lola. Kung tutuusin ako nga ang dapat na humingi ng pasensiya sayo. Kasi... kasi ipinangako ko sayo na lagi lang ako sa tabi mo habang buhay pero binigo kita. Wala ako kanina sa tabi mo nang isinugod ka dito sa ospital."
Agad naman siyang umupo sa kinahihigaan niya at agad akong yinakap na napakahigpit.
"Kahit kailan apo hindi mo ako binigo. Naiintindihan naman kasi kita ehh, kasi pinipilit mo paring pumapasok sa trabaho mo para lang makakain tayo ng tama sa isang araw at syempre para sa pambili ng gamot ko. Pabigat lang ba talaga ako sayo apo ko? Pasensiyahan muna si Lola ahh .. matanda na kasi ehh.." aniya habang nakatuon lang sa akin ang kanyang maamong mga mata.
"Hindi lola, kahit kailan hindi ka pabigat sa akin. Diba sabi ko sayo noon, na ako na naman ang magtratrabaho para matutulungan ko kayo. Ikaw ang dahilan kung bakit ako ngumingiti araw-araw lola kasi ika mo'nga na, happiness is the best answer to solved any problem no matter how hard it is?" sagot ko naman kay lola na ngayo'y parehas na kaming umiiyak.
"I... Love you so much, apo.." –Lola.
"I love you more, Lola.." matamis na sagot ko naman sa kanya sabay yakap
Kahit papaano naging kampanti na ako dahil nakita kong ligtas si lola. Agad akong tinawag ng isang doctor para makausap.
"Iha, your lola's have a problem in her internal body because of her..." pinutol ko ang pagsasalita ng doctor "Diabetes?"
"No it's not, kaya kailangan nating bumili ng mga gamot para maagapan ang tumutubong tumor sa mattress niya." suhestiyon ng doctor sa akin na labis kong ikinagulat. Akala ko diabetes lang ang sakit ni Lola pero bakit may tumor siya? At ang napakasaklap pa'y sa mattress niya ito tumutubo. So ibig sabihin may cancer sa mattress si lola.
"Doc, all I know is my lola's just only had a diabetes. Bakit may tumor siya sa mattress niya? Matagal napo bang itong tumor niya?" nalilitong tanong ko sa doctor na ikinanginginig ng buo kong katawan.
"Yes iha, matagal na itong tumor niya. Gusto kong malaman mo if kung hindi kaya ng gamot ang tumutubong tumor ng lola mo.... Operation nalang ang tanging daan para mabuhay pa ang lola mo." napabuntong hininga muna ang doctor bago muling nagsalita. "Sa diabetes niya naman, hmpppt.. unti-unti na namang stable ang blood sugar niya."
Agad ibinigay sa akin ng doctor ang resita ng gamot ni Lola. Napalunok ako nang makita ko ang total ng gastusin ng lahat na gamot ni lola, 6,400.00 pesos. Buti nalang at kaswi-sweldo lang namin kanina sa kompanya at may 7,000 pesos pa akong natira sa wallet ko. Ang laki naman kasi eh. Napakamahal ng gamot sa tumor. Basta ang importante is maging okay si lola. Ika ko nga diba na, lola is my weaknesses. I will do anything para sa kanya. Sana maging isang cancer survivor si lola. I know malalagpasan niya ang sakit na ito. Nakaya nga niya napa-stable ang blood sugar niya ito pa kaya?
I know lola is a fighter. Pero hell! Saan ako kukuha ng pera ngayon para sa mga susunod na mga gamot ni lola? Damn this f*cking life!
6
BINABASA MO ANG
Somebody That I Used To Know(Completed)
General FictionNOVALEZ SERIES presents..."Somebody That I Used To Know" Adam Novalez We're not friends, We're not enemies. We're strangers with some memories. WARNING: Not suitable for young readers or sensitive minds. This story contains graphic sex scenes, adult...