Chapter 6

4.6K 101 9
                                    

Chapter 6

DAY'S later. Nandito ako ngayon sa isa sa mga pinakasikat na restaurant sa buong maynila. I'm here to prepare our date with Rachelle. Today is her birthday kaya I want her to surprise in her special day. Wala na kasi kaming time sa isa't-isa para e-celebrate pa nang bongga ang kaarawan niya. We're both busy sa mga trabaho namin. Kaya kahit papaano gusto ko siyang e-surprise na hindi baliwala ang kaarawan niya. This is her day kaya dapat lang siya na maging masaya sa araw na ito.

I think I had already prepared all the things here in the restaurant. Handa na ang ma pagkain, decorations at mga iba pang bagay na ikakasaya niya. Yes, binigyan ko talaga ito ng oras para paghandaan ang surprise ko sa kanya. Umalis ako nang maaga sa kompanya para lang ihanda ang mga bagay na ito. Kaya sana magustuhan niya ang mga surprisa ko sa kanya as her boyfriend.

Mga ilang minuto nadin akong naghihintay sa kanya pero hindi parin siya nakarating. I text her pero ang sagot niya lang ay "I'm coming." Be patient Adam, makakarating din yung girlfriend mo. Kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang maghintay nalang sa kanya hanggang sa makarating siya sa restaurant na kinaroroonan ko ngayon.

Mahigit thirty minutes nadin ang lumipas pero wala parin ang taong hinihintay ko. Diko' mapigilang mangamba habang tinitignan ko ang relo ko. Ano na kayang nangyari sa kanya? Okay lang kaya siya?

I text her again pero ang sagot niya naman ay papunta na nadaw siya sa restaurant. Traffic daw kaya matagal-tagalan daw siya. Again, wala akong ibang ginawa kung hindi ang maghintay parin sa kanya. Alam ko'ng makakarating din siya dito sa restaurant na kinaroroonan ko ngayon. Think positive lang!

Mahigit isang oras nadin ang lumipas. Hindi na ako mapakali sa nararamdaman ko baka may masama nang nangyari sa taong mahal ko. I text her again and again pero wala akong sagot na natanggap galing sa kanya. I call her pero parang pinatay niya yata ang cellphone niya. Diko mapigilang mangamba habang iniisip ang mahal ko. Lord please, guide my girlfriend on her way right now. Sana walang masamang nangyari sa kanya ngayon. This is her day kaya sana Lord, okay lang siya.

"I'll be right back!" sabi ko sa receptionist ng restaurant at dali dali naman akong lumabas. Agad kong pinaandar ang engine ng aking sasakyan. Hahanapin ko siya kahit diko alam kung saan ko siya hahanapin ngayon.

Nanginginig ang aking mga kamay habang hinahawakan ang manibela ng sasakyan. Hanggang sa tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha sa bulsa ng pantalon ko at agad sinagot. Unknown number?

"Babe, Im sorry. Hindi ako makakapunta sa date natin ngayon. Kasi may tinapos akong mga documents. Bukas na kasi ang deadline para sa papilis ng bagong franchise ng negosyo namin." sabi sa akin nang kabilang linya.

Napabuntong hininga muna ako bago sumagot. "Babe naman pinag alala mo ako. Sige okay lang, gabi nadin naman kasi eh. Happy birthday nalang. I love you!" sagot ko naman sa kabilang linya.

"Thank's for understanding me, babe. Don't worry babawi ako sayo sa susunod. I love you more." Sabi niya naman ulit sa akin.

F*ck! Sayang naman ng effort ko. Pero okay nadin, gabi nadin naman kasi eh. Mag aalas-onse na ng gabi. Baka ano pang mangyari sa kanya pag pupunta siya sa restaurant. Napakadilim pa naman ng kalsada dito.

Napagdesisyunan ko nalang na bumalik sa restaurant para sabihin sa may ari na hindi matutuloy ang date namin ng girlfriend ko. Napakadilim talaga ng daanan dito. Patulo'y lang ako sa pagmamaneho hanggang sa may nakapukaw nang attention ko. Isang babaeng mag-isang naglalakad sa kalsada. Saan kaya siya papunta sa mga oras na ito? Di niya ba alam na dilikido sa mga oras na ito ang mag-isang naglalakad sa lugar na ito? Hooh! Babae pa naman siya.

Somebody That I Used To Know(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon