Chapter 50

4.1K 60 1
                                    

Chapter 50


I BLAMED HIM for the longest time. Sinisi ko siya dahil sa galit ko. Pinabayaan ko ang sarili kong kainin nang aking sariling galit. But, I was wrong. He didn't leave me dahil sa rason na hindi na niya ako mahal. The fact is, he leave me because he thought I'm cheating on him.


Matapos nang lahat lahat na aking mga ginawang paghihiganti. Isang malaking kasalanan pala ang aking ginawa. Nagkamali ako. Isang napakalaking pagkamali dahil hindi ko lang sinaktan sa pisikal si Adam. Sinaktan ko din ang damdamin niya.


Nagpadala ako sa aking sariling galit. Hinayaan ko ang sarili kong magalit kay Adam.


I felt Blake's hand on my shoulder as I cried while staring at Adam's face.


Bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa nito ang imahe ni Tita Alicia na kauusap lang niya ang doctor. Bakas sa kanyang mukha ang lumbay na parang may masamang ibabalita sa amin.


"Tita, anong sabi ng doctor?" tarantang tanong ni Blake.


Nagulat nalang kami ni Blake nang biglang umiyak si Tita Alicia sa kanyang kinatatayuan. "My.....son!" umiiyak na ani nito.


"Tita, may problema poba?" tanong ko na may lungkot na boses.


"Sabi ng doctor, hindi nila alam kung maililigtas paba nila ang anak ko." humahagulhol na ito ngayon.


Hindi na ako nakapagtiis pa agad akong napayakap kay Tita. I hugged her and cried in her shoulder a little. Ginantihan naman niya ako ng yakap.


When we broke the hug tumingin naman siya sa amin ni Blake. Her face full of sadness.


"My sons need to undergo chemotherapy. And he also needs a blood donor. Pero dapat daw ka match ni Adam ang donor ng kanyang dugo. Type AB ang dugo ng anak ko at dapat pareho sila ng dugo ng donor." turan sa amin ni Tita.


"Hindi pangkaraniwan klasing dugo ang type AB. Bihira lang ito sa mga tao." ani ko, tumango naman sa akin si Tita. "Pero saan tayo maghahanap ng taong ka match ni Adam?"


Biglang nangibabaw ang nakakabinging katahimikan.


"Sa akin!" wika ni Blake. "Ako, pareho kami nang type ng dugo ni Adam. Ako Tita, matutulungan ko ang pinsan ko. Handa akong maging donor alang alang sa buhay ni Adam." anito.


Tears sprang in my eyes dahil sa sinabi ni Blake. Gayun din si Tita Alicia. Walang oras, nakakita din kami agad nang donor ng dugo ni Adam, at yun ay ang pinsan niyang si Blake.


Agad naman akong napatingin kay Adam. His skin looked so waxy and pale. Para bang wala nang dugong dumadaloy rito.


Sana malalagpasan ni Adam ang gagawing chemotherapy. Sana malalagpasan niya ang lahat na mga ito. He really needs to wake para malaman niya ang lahat lahat na dapat niyang malaman. The story about our past at lalong lalo na kay Marco, na hindi siya ang tunay na ama nito.

Somebody That I Used To Know(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon