Chapter 49
"Blake, hindi kaba nagagalit sa akin? Hindi moba ako sasaktan, huh? Gayung, alam mona ang lahat?" yinuyugyog ko ngayon ang balikat ni Blake habang nakatingin lang siya sa kawalan. Alam kong na nasaktan ko siya dahil sa pag amin ko tungkol sa nararandaman ko parin kay Adam.
Kahit anong gawin ko si Adam parin ang tinitibok ng puso ko. Sinubukan ko na siyang kinalimutan pero hindi ko kinaya. Siya parin eh, siya parin ang lalakeng mahal ko.
Ano ba itong ginawa ko? Mismo sa sarili ko ay dinaya ko. Dinaya ko na hindi kona mahal si Adam pero ang katotohanan naman pala'y hindi totoo.
Dinamay ko pa si Blake, Pinapaniwala ko siya na mahal ko siya. Pinangakuan ko siya na siya lang ang lalakeng mamahalin ko. Pero hindi ko matutupad ang pangakong iyon dahil saksi ang poong may kapal sa nararamdaman ng puso ko na si Adam lang parin ang tinitibok nito.
"Blake, I'm sorry! I' lied to you. Mahal ko parin si Adam." maluhang turan ko. Sa pagkakataong ito ay magkatapat na ang mga mata namin sa isa't isa.
"B-Blake?" bigkas ko sa pangalan niya.
Napansin ko nalang na may mga butil na ng luha ang namuo sa kanyang mga mata. Ito ang unang beses ko na nakitang umiiyak si Blake sa harapan ko.
Biglang nanglambot ang aking mga tuhod. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon.
Napakawala kong kwentang tao. Pinaasa ko si Blake. Wala akong utang na loob. Ang kapal kapal ko. Sinaktan ko siya. Sinaktan ko ang puso niya.
Ginawa lahat ni Blake ang lahat sa akin para maging masaya lang ako kahit sa isang bagay na hindi niya gusto mangyari. He do anything to me para lang maprotektahan ako. He always there for me sa mga problema ko. Pero ito lang ang isusukli ko sa kanya. Ang saktan ang damdamin niya. Napakawala kong kwentang tao. Manloloko ako! Manggagamit!
Hindi kona napigilan ang mapahagulhol sa harapan ng taong pinaasa ko.
Handa akong tanggapin lahat lahat ang mga masasakit na sasabihin sa akin ni Blake. Handa kong tanggapin ang mga pananakit na gawin niya kung sakali man. Kasalanan ko naman ang lahat. Napakahangal ko.
Ikinagulat ko nalang nang biglang pinunasan ng kanang kamay ni Blake ang mga luhang nagsidaloy sa aking mga mata.
"Blake? What are you doing?" pagtatakang tanong ko. Pero buntong hininga lang ang sagot niya habang tinitigan an mga mata ko.
"Blake, you can! Gawin mo ang gusto mong gawin sa akin. If you want to slap me, then you can do it! Kung susuntukin mo naman ako pwede modin gawin. I deserve your punch and slap. Dahil napakawalang kwenta kong tao."
"No, you don't! You don't deserve it!" nagulat ako dahil sa sinabi sa akin ni Blake. "It's not your fault, Christina! Hindi mo kasalanan ang lahat!"
BINABASA MO ANG
Somebody That I Used To Know(Completed)
General FictionNOVALEZ SERIES presents..."Somebody That I Used To Know" Adam Novalez We're not friends, We're not enemies. We're strangers with some memories. WARNING: Not suitable for young readers or sensitive minds. This story contains graphic sex scenes, adult...