Chapter Twenty-one

3.8K 114 10
                                    

RED's POV

"Sino ako?" tanong ni Alvis.

"Alvis, wala ka bang maalala?" tanong ni Mama. Tinignan niya lang kami at umiling siya.

"Alvis?" si Papa. Bakit ganun kung saan na bumalik ang mga alala ko ay siya namang pagkawala ng alala ni Alvis.

"Alvis, naalala mo ba ako?" tanong ko sa kanya habang umiiyak. Umiling lang siya at tinitigan ako. "Di kita kilala. Sino ka ba?"

"Alvis, ako to si Red. Girlfriend mo." umiiyak na sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako na nagtataka.

"Wala akong maalalang Red. Sino ba kayo?" tinignan niya si mama at papa. Tumingin din ako kila papa. At nakita kong nagtitigan silang dalawa bago sumagot.

"Anak, ako ang mama mo.." sagot ni mama. Tinignan ko si Alvis at nakita ko sa mukha niya ang pagtataka. "Anak, kami ito ang mga magulang mo." dugtong ni papa sa sagot ni mama.

"Mama? Papa?" tanong ni Alvis. Tumango lang sila mama at papa at tinignan nila ako. "Sino siya?" turo niya sa akin. Lalo lang akong naiiyak dahil sa mga tanong niya. "Bakit siya umiiyak?"

"Girlfriend mo siya." sagot ni papa. Tumango tango lang siya at tinignan ako ng nakangiti. "Wag ka ng umiiyak." sabi niya sa akin. "

"Alvis ang bad mo." umiiyak paring sabi ko. "Kasi di mo ako naalala." humagulhol na ako.

"Sorry, Baby." hinging tawad niya sa akin. "Di na mauulit." umiiyak na din siya. "Kaya wag ka ng umiyak." pinapatahan niya ako pero siya iyak ng iyak.

"Paano ako hindi iiyak kong umiiyak ka?" tanong ko sa kanya habang umiiyak pa din.

"Sorry na, basta promise me hindi ka na iiyak." tumingin ako sa kanya at nginitian siya. "I promise."
**

Tristan's POV

Lumabas na kami ni Nex dahil parang di nila kami pinapansin. Naglalakad kami sa hallway ng nagkasalubong kami ng isang tauhan ko. Siya ang pinagkitawalaan ko sa lahat ng mga tauhan ko. Siya din ang inutusan kong mag-imbestiga kay Red.

"Master. Queen." bati niya sa amin.

"Anong atin Mr. Degray?" tanong ni Nex sa kanya.

"May pag-uusapan lang po kami ni Master." sagot niya kay Nex. Tumango lang si Nex at pumasok nalang ulit sa kwarto ni Alvis.

"Tama po ang hinala mo Master." sabi niya sa akin pagkapasok namin sa private room. "Hindi siya totoong anak ni Daniel."

"What do you mean?" tanong ko sa kanya.

"Inampon lang siya ni David nung 1 year old palang siya. Namatay ang dalawang anak ni David dito mismo sa palasyo. Simula nun di na siya matahik at palagi nalang galit. Buhay pa naman ang anak niya si Danilla na kasalukuyang nag-aaral sa Eskwelahan niyo. Sa pagkakaalam ko ay magkaedad lang po si Red at Danilla kaya imposibleng maging magkapatid sila." tumango tango lang ako sa kanya. "Yung pinapagawa ko sayo?"

"Ito po ang resulta ng DNA test na pinapagawa mo po sa akin." tinanggap ko ito sa kanya. "Sge po. Yan lang po ang nalalaman ko sa ngayon pero wag kang mag-alala ipagpatuloy ko ang pag-imbestiga." sabi niya sa akin tumango lang ako at lumabas na siya.

Binasa ko ang resulta. Di nga ako nagkakamali. Totoong siya talaga ang hinahanap ko. Silang tatlo ng mga kapatid niya.
**
Cynnexine's POV

Lumabas kaming tatlo sa kwarto ni Alvis. Kakain na kasi ng tanghalian kaya pumunta na kami sa Dining Room. Pagkadating namin dun ay wala pa si Trist.

"Manang, nasaan ang Master niyo?" tanong ko sa isa naming kasambahay.

"Di pa po lumalabas sa Private room." magalang na sagot niya sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa.
Tumayo ako dahil ako lang ang pwedeng pumasok sa Private room kaya ako na mismo ang tatawag sa kanya.

Pagkpasok ko ay nakita ko siyang malaki ang ngiti at halatang masaya. "Baliw ka na ba?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at nilapitan ako. "Bakit mo naman natanong?" nakangiti parin siya sa akin.

"Ngiting ngiti ka mag-isa. Diba baliw ang tawag dun."

"Nah! Masaya lang ako." Sagot niya sa akin pero di parin nawawala ang ngiti sa labi niya. "Tara na nga. Kumain na tayo." Aya niya sa akin. Tumango lang ako at sumunod na sa paglalakad niya. Hanggang dumating kami sa Dining Room ay nakangiti parin siya. Lakas yata ng tama ng isang toh.

"Hello, Tito." nakangiting bati ni Red sa kanya. "Hi, Dad." di tumitingin na bati din ni Alvis. "Hello iha. Hello anak." Bati niya at halatang tuwang tuwa siya.

"Saan ka galing Tito." nakangiting tanong ni Red sa kanya. "Sa Private room lang anak." tinignan niya ako. Inirapan ko siya pero hindi parin nawawala ang ngiti sa labi niya. "Kumin na tayo."

Tumango lang sila at nagsimulang kumain. Kumain na din ako.

--
Pagkatapos namin kumain ay hindi na mapagkahiwalay sila Red at Alvis. Kung nasaan ang isa ay nandun din ang isa. Ngayon nanonood ng Movie na Barbie ata yun.

Nandito kami sa kwarto namin ni Trist. Magpapahinga sana ako dahil masama ang pakiramdam ko. Maya maya ay may naalala ako. Tumingin ako sa kanya para mag-tanong. "Bakit kanina ka pa nakangisi?" tanong ko sa kanya. Ngumisi siya lalo. "Masaya lang ako." sagot niya.

"Bakit ka masaya?" tanong ko ulit sa kanya at nginitian parin niya ako. Lakas talaga ng trip nito. "Bakit? Dahilan ba dapat kapag masaya ang tao?" tanong niya na pabalik. "Di naman masama kapag masaya ang tao diba." dugtong pa niya. Inirapan ko lang siya pero nakangiti parin siya.

"Masama kapag nguningiti ng mag-isa ang isang tao." masungit na sagot ko sa kanya. Pero tumawa lang siya. "Di naman ako mag-isa dahil kasama kita." pilosopo talaga kahit minsan ang isang toh. Inirapan ko lang siya pero mas tumawa pa siya lalo.

"TRISTAN!!!" sigaw ko sa kanya. Tumawa lang siya at nagtaas ng kamay bilang pagsabi ng pagsuko. "Okay, titigil na ako." sabi niya at may binigay na isang folder sa akin.

"Ano yan?" tanong ka sa kanya. "Malamang folder. Di mo ba nakikita." tumatawang sagot niya sa akin. Binigyan ko siya ng matalim natingin. "Alam ko. Ang tanong ko para asan yan. At bakit mo ibinibigay sa akin?" nginitian lang niya ako bago sagotin ang tanong ko. "DNA result namin ni Red." sagot niya. Binuksan ko ito at binasa ang resulta.

Positive.

Yang resulta ng DNA nila. Tinignan ko siya.

"Positive. Siya talaga si Adrianne." nakangiting sagot niya sa akin. "Si Yellow at Pink ay si Alethea at Athalia." dugtong pa niya.

Anak namin silang tatlo.

Chishio Academy: School of Hell [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon