Red's POV
Naalimpungatan ako dahil parang di ko magalaw ng maayos ang paa at kamay ko. Parang nakatali ang kamay at paa ko. I try to move pero sumasakit lang kamay at paa ko.
Sisigaw na sana ako ng mapagtantong wala ako sa kwarto. May na kita akong nakangising mga tao sa paligid ko. May mga babae pero mas marami ang mga lalaki.
"Gising na pala ang mahal na prinsesa." nakangiting sabi ng isang lalaki.
"Bakit ako nandito?!! Sino kayo?!!" Sigaw ko sa kanila.
"Maniningil lang si Master sa pamilya mo." nakangising sabi din ng isang babae.
"Maniningil siya ng utang? Ehh tanga pala kayo ehh bakit naman ako nasali? Ehh si daddy naman pala ang may utang. Papuntahin mo nalang ang master mo sa companya namin para mabayaran na niya ang perang inutang." Iritang sabi ko. Kung may utang si Dad sana dun na sila dumiretso. Kaasar naman kasi ehh kinidnap pa ako ehh maniningil lang naman pala sila ng utang dinamay pa ako. "Kung di niyo alam ang company address namin kaya niyo ako kinidnap wag kayong mag-alala paalisin niyo na ako dito dahil inaantok na talaga ako. Tsaka i-tetext ko nalang ang address sa inyo." I added.
"Hindi pera ang inutang niya sa akin kundi buhay ng anak ko." may nagsalita sa speaker.
"Ibang klase naman pala yun. Ayy sino ka nga pala?" tanong ko sa taong nagsalita sa speaker.
"I'm your dead end." sabi niya sa akin.
"Huh? 'Your Dead End' ang unique naman ng name mo." nakangiting sabi ko. May mga name palang ganun. Sobrang unique naman kapag nagkataon na yun ang pinangalan ni Dad sa akin. "Pwede na ba ako makaalis dito. Gusto ko na kasing umuwi ehh. Tsaka masakit na paa at kamay ko at inaantok na ako." I added dahil di ko na kayang umupo dito. Kayo kayang umupong nakatali ang kamay at paa makakaya niyo ba yun.
"Patayin siya." utus niya sa mga tauhan niya. Sinong 'siya' ang papatayin nila? Nagugulahan natalaga ako. Maybe may isa pa silang kinidnap at dahil di nagbayad ang magulang utang kaya papatayin nila ngayon.
"Masusunod master." sabay na sabi nilang lahat. Tumingin sila sa akin na nakangisi.
"Gusto niyo bang tulungan ko kayo sa pagpatay kung sino yang papatayin niyo?" nakangising tanong ko sa kanila.
"Ikaw ang papatayin namin." sabi ng lalaking naka-green ang t-shirt. Pusta Green ang favorite color nito. All Green kasi ang suot niya.
"Ehh? Kaya niyo ba akong patayin?" tanong ko sa kanila.
"Ang yabang mo naman miss. Sayang talaga maganda ka sana kaso mamamatay ka lang." sabi ng nung pinakagwapo sa kanila. Actually lahat sila maganda at gwapo pero wala paring tatalo sa kagandahan ko. Pusta ulit playboy tong isang to. Sayang pwede ng maging boyfriend kaso playboy. I hate playboys kaya.
"Tama na nga yang daldalan niyo jan." sabi ulit ng tao sa speaker. Tao sa speaker? May laman palang tao ang speaker.
"Yes Master." Sabay ulit na sabi nila.
Sa peripheral version ko nakita ko ang isang babaeng susugud na sa akin. Hinayaan ko lang siyang suntokin o kahit anong ginawa niya sa akin ay hinayaan ko lang.
"Nasaan na ang tapang mo ngayon Red or I should say Ari--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil may biglang bumaril sa kanya. Isa din sa kasama niya ang bumaril sa kanya. Natalsikan ako ng dugo ng babaeng unang sumugod sa akin.
"Sorry Mia pero muntik mo ng masabi sa kanya." sabi nung lalaking bumaril sa Mia na yun.
Wrong move kayo din. You killed that girl at sa harapan ko pa. Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay yung may pinapatay sa harapan ko.
Sumugud yung isang lalaki sa akin. Kaya tuluyan ko ng sinira ang lubid na nakupulupot sa paa at kamay ko. Pagkatanggal ko sa lubid agad ko siyang sinunog. Naging abo siya. May sumugod pa sa aking apat na lalaki.
"Ice blade." sa isang iglap tumalsik ang mga dugo nila.
Anim nanaman ngayon ang sumugod sa akin.
"Tsunami." pagkasabi ko may tsunaming lumabas at kinain silang anim.
Silang lahat naman ngayon ang sumugod sa akin ngayon.
"Earth blade." may lumabas na blade na malalaki at pinaghihiwa silang lahat. Weak naman pala ng mga to ehh.
Bago ako lumabas nilalagyan ko sila isa isa ng card. At kapag nakita yan ng mga pulis di na sila mangingialam dahil alam na nilang binangga ng mga mukong na to ang Trio Demons. Sabihin na nating kakampi lang naman namin ang mga pulis at ang lahat na maimpluwensyang tao sa buong mundo. Kaya if they see the gold card na may TD ang nakasulat at kapag nasinagan ng araw ay lalabas ang salitang Death.
BINABASA MO ANG
Chishio Academy: School of Hell [UNDER MAJOR EDITING]
VampirosChishio Academy is a school for Devils. A school that is forbidden from ordinary human. A school from hell. A school that full of Devils. A school for gangster, mafia, and vampires. And a school para sa mga taong patapon o pinatapon na ng kanilang m...