Chapter Thirty-One

2K 52 1
                                    

Dave's POV


Di ako pinatulog sa sanabi ni Keilla. Anong ibig niyang sabihin dun? Ano? Naguguluhan parin ako. Parang gusto kung malaman kung sino ba talaga siya? Oo nga? Sino ba talaga si Keilla? Ang alam ko lang ay kaibigan siya nila Red at kinakatakutan din dito sa Academy yun lang ang alam ko at wala ng iba.



Napatigil ako sa pag-iisip nang dumaan sa harapan ko si Danilla. Masama parin ang loob niya sa akin. Kaya hanggang ngayon di parin kami nagkakabati.




Dumeretso lang siya sa kwarto niya. Di ko siya sinundan sa halip na umalis ako para pumunta sa hospital kung nasaan sila Red. At yung Alvis naman na yun. Dapat gising na yun dahil diba nga bampira siya pero bakit di parin siya nagigising? Pinagloloko ata talaga ako ng lalaki yun eh. Tinaguriang malakas at anak ng hari at reyna pero yun lang ang kahihitnatnan. Napailing nalang ako. Nagdrive ako hanggang sa dumating ako sa hospital agad akong pumasok sa hospital ng makapark ang kotse ko. Ng makapasok ako sa loob ng hospital nay nakita akong pamilyar na tao. Si Dad kasama si Dylan. Pero bakit sila magkasama? Yan ang tanong ko. Sinundan ko sila hanggang sa pumasok sila sa isang kwarto. Niwala ko ang presenya ko dahil nakaawang ang pinto narinig ko silang nag-uusap.



"Tito? Kamusta si Alvis dun?" Tanong ni Dylan. Napatigil ako. Diba nandito si Alvis.




"Ayon nakakulong parin sa loob ng kulungan nayun." Napatigil ako ng marinig ko yun. Nagmadali akong tumakbo palayo dun kailangan malaman ni Red ang bagay na to. Nagmamadali akong pumasok sa elevator at ng timigil ito sa floor kung saan ang room ni Alvis ay bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ako. Nagmamadaling pumasok sa kwarto ni Alvis. Nandun si Red. Siya lang mag-isa at si Alvis na natutulog dun. Pero paano nangyari yun? Ang sabi ni Dad nakakulong si Alvis at bajit nandito si Alvis? Naguguluhan ako. Ng sumagi sa isip ko ang sinabi ni Keilla.



"Shit!" Mura ko at dahilan para mapalingon si Red sa akin.



"Oh Dave? What are you doing here? Alam mo bang kakagaling lang ni Dad at ni Dylan dito?" Sunod sunod na tanong niya.



"May sasabihin ako sayo. At sila Dad nakita ko sila kanina." Paninimula ko sa sasabihin ko.





"Oh? Anong sasabihin mo?" Tanong niya.




"Diba mahal mo si Alvis?" Sa halip na sabihin ko agad ay nagpaligoy ligoy muna ako.





**
Red's POV


"Diba mahal mo si Alvis?" Tanong ni kuya sa akin kaya nagtataka ako. What the hell?




"Tinatanong pa ba yan Dave? Malamang oo ang sagot ko jan. Mahal ko siya." Sagot ko naman sa kanya.



"So kung mahal mo siya. Dapat alam mo ang totoong siya at ang pakeng siya." Sabi niya at lumingon kay Alvis na natutulog at di parin nagigising.




Chishio Academy: School of Hell [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon