3rd Person POV
Yun talaga ang buhay. May namamatay. Hindi naman ibig sabihin na Bampira ka ay hindi ka na namamatay. Parang tao din naman kami. May buhay at namamatay. Anim na taon na ang lumipas pero hindi parin natanggap ni Red ang pagkamatay ng kinikilala niyang ama.
"Umuwi na muna tayo Berry." Sabi ni Alvis kay Red na nakaupo sa harap ng puntod ni Daniel Kim.
"Nah! Mamaya na. Gusto ko pang mag-stay dito." Sabi ni Red na hindi man lang nilingon si Alvis.
"Kanina pa tayo jan sa kaka-mamaya mo Red. Gabi na kaya kailangan na nating umuwi." Sabi ni Alvis kay Red.
"Ayoko. Mamaya na ako. Please Alvis dito muna ako. Ayokong iwan si Daddy dito." Sabi ni Red na nagmamakaawa ang boses.
"Berry hindi pwede. Ako malilintikan nila Mommy kapag uuwi akong hindi ka kasama." Sabi naman ni Alvis.
"Alvis, kahit ngayon lang naman pagbigyan mo ako. Ayokong umalis dito. Namimiss ko na si Daddy." Sabi ni Red at umiiyak nanaman.
"Red hindi magugustohan ni P-papa kapag naging ganyan ka. Kailangan mong magpakatatag Red." Sabi ni Alvis na naiilang pang bigkasin ang Papa. Alam na ni Alvis na si Daniel Kim ang totoo niyang ama.
"Magpakatatag? Alvis hindi ko kaya. Kahit palagi akong pinapagalitan at sinasaktan ni Daddy ay alam kong minahal niya kami nila Yellow. Kahit ganun siya mahal na mahal namin siya." Sabi ni Red. Napa-ikot namn ang mata ni Alvis. 'Ayan nanaman ang linya niya. For the past Six Years kapag nandito kami at yayain siyang umuwi na yan ang linya niya.'
"Paano naman sila Mommy?" Tanong ni Alvis na kinatigil ni Red. 'Paano nga ba sila Mommy? Mahal ko naman sila dahil sila ang totoong magulang ko.' "Red nag-alala na sila Mommy sayo. Please kahit ngayon lang kami naman ang pagbigyan mo. Umuwi na tayo." Sabi ni Alvis.
"Per—" napatigil si Red sa sasabihin ng may nahagip ang paningin niya. May lalaking nakatayo sa isang puno at nakatingin sa kanila na nakangiti at kinakawayan siya na parang pinapaalis sila.
"Dad." Bulong ni Red na narinig naman ni Alvis kaya nagtaka ito. Tinignan niya ang tinitignan ni Red pero puno lang ang nakikita niya. Walang tao. Kaya kinalibutan siya. 'Takte naman tong si Berry. Tinatakot ako.'
"Berry, We really have to go. Kung ano ano na ang nakikita mo dito." Sabi ni Alvis kay Red.
"Let's go? Gabi na."
Bahagyang lumingon si Red doon sa puno kung saan nakatayo si Daniel. Nakita ni Red na bahagya itong tumango at ngumiti. Ngumiti nalang din si Red. "Okay. Balik nalang tayo dito bukas." Sabi ni Red. Pero si Alvis nakakunot noo parin.
"Bakit ka nakangiting nakatingin sa punong iyon? Don't tell me may nakikita kang hindi ko nakikita?" Tanong ni Alvis.
"Meron nga. May isa pa nga jan sa tabi mo nakaputi at puno ng dugo ang damit." Sabi ni Red. Natakot naman si Alvis at sumuksuk kay Red. Tumawa lang si Red dahil sa ginawa ni Alvis. Narealise naman ni Alvis na tinatakot lang siya nito kaya sinamaan niya ito ng tingin.
BINABASA MO ANG
Chishio Academy: School of Hell [UNDER MAJOR EDITING]
VampireChishio Academy is a school for Devils. A school that is forbidden from ordinary human. A school from hell. A school that full of Devils. A school for gangster, mafia, and vampires. And a school para sa mga taong patapon o pinatapon na ng kanilang m...