Special Chapter: Birthday Party
Maraming bisita ang dumalo sa kaarawan ng Prinsesa. Halos lahat ng nandito ay mga Bampira. Mga artista mga sikat na tao sa mundo ay dumalo sa kaarawan na iyon.
"Nababahala ako sa sinabi sa atin ni Keira kanina." Paninimula ni Red.
"Walang mangyayaring masama sa anak natin Berry. Tandaan mo yan." Sabi ni Alvis.
"Pero paano kapag nagkatotoo?" Tanong ni Red dito.
"Maraming bantay ang palasyo kaya malabong mangyari yun Berry." Sabi ni Alvis.
"Sana nga Sweet. Sana nga." Sabi ni Red habang nakatingin sa anak niya na nakaupo lang sa gitna nila.
"Mommy can I go kila Danica? I want to play with them." Tanong ni Kera.
"Sure Baby basta wag ka lang masyadong lalayo at sasama sa hindi mo kilala." Sabi ni Red dito.
"Okay po Mommy. I love you." Sabi nito at kiniss si Red at Alvis sa Pisnge pagkatapos ay masaya na itong naglakad papunta sa mga anak ng kaibigan ng magulang niya. Sinundan lang ito ng tingin ni Red.
"Masyado kang mahigpit Berry " sabi ni Alvis dito. "Masyado ka na ding Paranoid simula noong lumabas ang nasa propesiya." Dugtong pa nito.
"Hindi mo ako masisisi Sweet." Sabi ni Red.
"May alam ka ba sa mangyayari Red?" Tanong nito. "Pwede naman na anak ni Yellow ang itinakda at hindi sa atin." Sabi pa nito. Natahimik si Red dahik dun. "May alam ka na kung sino talaga ang itinakda. Red sabihin mo nga sa akin ang totoo." Seryosong sabi ni Alvis. Napabuntong hininga si Red dahil dun.
"Noong nasa huling pagsasanay na kami diba dapat mameet namin ang mga namamahala sa mga bawat kapangyarihan na meron ako. Nang nasa God of Electricity na ako ay may isang pagsubok akong nagampanan. Mag kinalaban akong babae sa katunayan magka-edad lang kami nito at may pagkahawig din siya sa akin maging sayo. Hindi ko siya kilala pero hindi ko siya magawang kalabanin o saktan. Dun ko lang nalaman na isa pala siyang Blood. No. Magiging parte ng Blood noong lumabas ang mukha ng mapapangasawa ng Alpha ng mga Werewolf." Mahabang paliwanag ni Red. Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Alvis. Seryoso pari ito.
"Kung anak man natin yung nakalaban mo wala na tayong magagawa doon Berry. Nagsalita na ang salamin ng propesiya at kailangan mangyari ang itinakda dahil malaking kagulohan ang mangyayari." Sabi ni Alvis dito.
"Pero alam mo din na malaking kagulohan din kapag sundin natin ang propesiya. Alam naman natin na hindi magkasundo ang mga angkan natin." Sabi ni Red.
"Pero Berry hindi natin dapat suwayin iyon. Lalabag din tayo sa Rule natin kapag hindi natin sundin iyon." Sabi ni Alvis.
"Pero lalabag din tayo kapag sinunod natin iyon." Sabi naman ni Red. "At isa pa Selfish na kung Selfish pero ayokong madamay sa gulo ang anak ko." Sabi naman ni Red.
"Berry kahit anong iwas mo para sa anak natin malalagay parin siya sa panganib at gulo hindi na natin maiiwasan yun." Sabi ni Alvis.
"Alam ko pero sino bang ina na gugustohin na masangkot sa gulo ang anak? Diba wala." Sabi naman ni Red.
"Alam ko din yun pero hindi na talaga natin maiiwasan yun lalo na sa angkan natin." Sabi ni Alvis.
"Per—" natigilan si Red ng pagtingin niya sa kung saan nandun ang anak wala na ito. Tanging sila Danica nalang ang nandun. "Asan ang anak natin?" Tanong ni Red kay Alvis kaya napalingon din dun si Alvis. Napatayo ito ng makitang wala doon ang anak. Nagkatinginan sila ni Red at agad nagmadaling lumapit sila kila Danica.
"Asan si Kera?" Tanong ni Red dito.
"We don't know. She said lang na may pupuntahan lang siya." Sagot ni Danica.
"What? Saan siya pumunta?" Tanong ni Alvis. Itinuro ni Danica ang isang pinto. Pinto ito papunta sa labas. Agad na naglakad papunta doon sila Red. Napansin naman sila nila Yellow kaya agad din itong sumunod kasama ang mga anak nila. Pagkalabas nila doon ay wala silang makita.
"Anong nangyari Red?" Tanong ni Yellow kay Red.
"Nawawala si Kera." Sagot ni Red.
"Ano!?" Sigaw nilang lahat.
"Tama ang nararamdaman ko kanina. Mawawala nga siya." Sabi ni Kara.
"Ano yun?" Tanong ni Alexis ng may mapansin siyang parang papel nilapitan niya ito at kinuha. "Tita Red oh may Sulat." Sabi ni Alexis at ibinigay ang papel kay Red. Kinuha ito ni Red at binasa ito. Napa-upo siya sa nabasa.
Salamat sa pagbigay ng anak niyo sa akin Red.
Nagmamahal,
Dylan Collins"Wait? Buhay si Dylan?!" Gulat na tanong ng iba pero hindi na makapagsalita si Red dahil nahimatay na ito.
**
BINABASA MO ANG
Chishio Academy: School of Hell [UNDER MAJOR EDITING]
VampireChishio Academy is a school for Devils. A school that is forbidden from ordinary human. A school from hell. A school that full of Devils. A school for gangster, mafia, and vampires. And a school para sa mga taong patapon o pinatapon na ng kanilang m...