Chapter Twenty-Four (Part One)

3.5K 95 0
                                    

Third Person POV

Pagkatapis ng ilang araw ay nakabalik na sa Dorm nila ang magkakapatid. Pagkadating nila ay agad humiga si Red sa kama dahil sa pagod na nadarama. Si Yellow at Pink tulala paring nakatingin sa kawalan di kasi nila alam kung sino ang paniniwalaan. Nagdududa nadin sila sa Papa nila dahil sa pag-walang bahala nito sa kakambal nilang si Red. 'Bakit umalis agad siya sa pagkawala ni Red?' tanong ni Yellow sa sarili. 'I should trust Dad?' tanong din ni Pink sa sarili.

"Wala ba kayong balak matulog?" untag ni Red sa dalawa. Natauhan naman ang dalawa at napabaling ang tingin kay Red. "What?" iritang tanong ni Red dahil sa kanya na natulala ang dalawa. "Matulog na kayo."

"Oo na. Matutulog na kami." inirapan ni Yellow si Red at dumiretso sa kama niya. Si Pink naman tahimik lang at nakikinig sa dalawa. Humiga na din si Pink sa kama niya. Pagod na pagod sila kaya pagkahiga nila nakatulog na sila.
**
Nasa may field lahat ng class A dahil may game na magaganap. Ang game na tanging mga nasa VD ang pwede. Bawal kasi ang MD at GD dahil nga wala silang mga kapangyarihan o magic.

May tatawaging dalawang estudyante ang teacher nila. Ang larong ito ay yung gagamit sila ng kapangyarihan nila para mapatumba ang kalaban.

Tumawag ng dalawang estudyante ang teacher nila. Unang tinawag ay sila Yellow vs Lean. Naglalaban sila pero makikita mo sa paggalaw ni Lean na pinipigilan ang sarili para hindi masaktan si Yellow. Ang kapangyarihan ni Yellow ay Ice. Tapos si Lean din ay fire.

Kasali lang naman sila sa mga Element User na bihira lang ang gumagamit. Kasali sila dahil sa mga kapangyarihan nila. Pero ang pinagtataka nila kungano ang kapangyarihan ni Red dahil di naman sumasali sa mga laro.

Natapos ang game nila Yellow at tulad ng inaasahan si Yellow ang panalo. Sumunod naman sila Pink at Cian at tulad kila Yellow halatang magpapatalo si Cian. Pigil din niya ang mga atake niya para di masaktan si Pink sa mga attake niya. And the end panalo si Pink.

Si Dave naman laban kay Dylan ang sumunod. Sa di inaasahang mangyari ay parang magkasundo ang dalawa at parang kilala na nila ang isa't isa dati pa. Which is true, matagal na silang magkakilala. Pero kahit ganun kapag maglalaban na sila ay walang magpapatalo sa kanila.

Nagsimula na ang laban nila. Lahat ng lalaki tahimik lang ang mga babae naman ay tili ng tili. Sikat din kasi ang dalawa noon. At mga gwapo din kaya tinitilian talaga sila ng kababaehan. Katulad silang Fire user at hindi sila basta bastang fire user dahil nasa Royalties sila.

Seryosong nanonood sila Red ng may biglang pumasok sa field ng Class A isang babae maganda na may hawak na teddy bear na may mansa ng dugo at wala ang kabilang mata. Naka-red siya ng damit. As in all Red ang damit niya. May eye patch pa siya sa kaliwang mata niya. Kasabay naman ng babaeng yun ang isang lalaking nakakatakot ang mukha. Hindi siya ngumingiti at nakatingin lang ng diretso sa harapan. Mapula ang labi nito pero maputla ang balat nito para itong patay bagamat gwapo rin ito.

Tinitigan ito ni Red. Dahil may nararamdaman siyang kakaiba sa bagong dating. Di din niya alam kung bakit di man lang nagalit ang teacher nila dahil sa pagiging late nito. Di din niya alam kung bakit walang pumapansin dito at parang takot ang lahat sa mga taong ito.

"Ley" tawag niya sa kakladeng babae. Tumingin naman ito sa kanya. "Sino yun?" tanong niya sabay turo sa bagong dating. Alam naman iyon ni Ley pero di niya ito tinaponan ng tingin. "Wag mo silang titignan." sabi ni Ley sa kanya.

"Bakit?" tanong din ni Yellow dahil nakatitig din ito sa dalawang bagong pasok. "Pinagbabawal yan ng school. Isa yan sa Rules and Regulation. Pinagbabawal talagang tumitig sa kanila dahil marami ng kasong namatay tungkol sa pagtitig nito sa dalawang yan." paliwanag ni Ley sa Dalawa. Si Pink naman ay parang walang paki sa paligid tanging kay Dave at Dylan lang ito nakatingin. Di pa kasi natatapos ang laban nila Dylan at Dave. Wala talagang magpapatalo sa kanila. Pero at the end mas malakas pa talaga si Dave sa kanya kaya natalo siya. Nakipagshake hands naman si Dylan sa kanya. Tinanggap niya ito at nginitian.

"Mananalo na ako sa susunod." nakangiting saad ni Dylan sa kanya. "I expect that." sabi ni Dave sa kanya.

"Ms. Red Kim and Ms. Keilla Rook." tawag sa kanila ng teacher nila. Tatayo na sana siya ng biglang hawakan ni Ley ang kamay niya. "Mag-ingat ka. Di basta basta ang kalaban mo." nag-alalang sabi nito sa kanya. "Huh?" tanging lumabas sa bibig niya.

"Yung babaeng late pumasok kanina. Siya ang makakalaban mo. Mag-ingat ka dilikado ang buhay mo ngayon." paliwanag nito. Pero hindi pa din nakukuha ni Red ang ibig sabihin ng kaibigan niya. Napabuntong hininga nalang ito.

"Ms. Red Kim?" tawag ulit ng teacher nila. Tumayo na siya at naglakad papuntang harapan. Pero tatlong hakbang pa nga niya ay tinawag siya ng isa niyang kaibigan na si Danica. "Red, mag-ingat ka....

.....mamamatay tao ang makakalaban mo."

Chishio Academy: School of Hell [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon