"Hoy Mirco! Gisingin mo nga anak mo dun! Tanghaling tapat na tulog na tulog parin!" Sigaw ni Lovely sa asawa niya pero ng paglingon niya tulog na tulog din ito na nakaupo sa mesa. "Lintek talaga tong mag-ama ko ang hilig hilig matulog." Sabi niya sa sarili. Nilapitan niya si Mirco na tulog na tulog parin kinutos ang tainga nito.
"Aaahhh--aray ko!" Gulat na namimilipit sa sakit si Mirco.
"Mag-ama nga kayo ni Lily halos palagi kayong tulog magdamag." Inis na sabi ni Lovely dito.
"Mhie naman di ko talaga akalain na Mataray, may pagka-amazona at napaka-sadista mo." Sabi ni Mirco dito.
"Nagsisi ka na pinakasalan mo ako ganun?" Mataray na tanong ni Lovely.
"It's not like that Mhie pinakasalan kita dahil mahal kita." Sabi nito na ikinapula ni Lovely pero para hindi mahalatang kunikilig ay inirapan niya ito.
"Tse! Gisingin mo na nga anak mo dun." Sabi nito.
"Hayaan mo muna si Lily Mhie magbeaubeauty rest pa yun para maganda mamaya." Sabi nito.
"Wala akong paki-alam Mirco." Sabi ni Lovely.
"Mhie naman tawagin mo kasi ako sa Enderments natin." Sabi nito.
"Ayoko nga! Hindi kita tatawagin nun kapag hindi mo gigisingin anak mo dun sa itaas." Sabi nito. "Aba! Tanghali na at kailangan na nating kumain." Dugtong pa nito. Napakamot nalang ng ulo na umakyat si Mirco papunta sa itaas.
"Masakit na nga tainga ko kakasigaw niya ipapagising pa niya ang isa. RIP na talaga sa tainga ko." Bulong ni Mirco habang paakyat sa kwarto ni Lily
Binuksan ni Mirco ang pinto doon niya nakita si Lily na himbing na himbing na natutulog sa kama nito.
"Mas okay ng tulog to kesa gising parang nakalunok ng megaphone tulad ng nanay niya." Sabi ni Mirco sa sarili. "Makatulog na nga lang ulit." Sabi pa ni Mirco lumapit sa kama ng anak at humiga sa tabi ng anak para matulog.
Naka-idlip pa lang siya ng mabulabog nanaman pagtulog niya.
"ANO BA MIRCO! HINDI KO SINABI SAYO NA MATULOG ULIT SABI KO GISINGIN MO ANAK MO!" Sigaw ng babae na nasa pintuan kaya naman napaigting si Mirco na napaupo sa kama at yun din ang dahilan para magising din ang anak niya na himbing na himbing sa tulog.
"MOMMY NAMAN!!!!! I WANT TO SLEEP PA SO DON'T SHOUT HERE IN MY ROOM! SHU! ALIS NA KAYO DITO DALI!!" Sigaw ni Lily sa ina.
"ABA KA ANAK NAMAN TANGHALING TAPAT NA! MAG-AMA NGA TALAGA KAYO! HALA SIGE AT BUMANGON NA KAYO JAN.!"Sigaw din ni Lovely. Napakamot sa ulo si Mirco ng makabawi sa gulat. 'Mag-ina din naman kayo. Pareho kayong sakit sa tainga.' Sabi ni Mirco sa isip.
"Baby lets go down na. Kakan na daw." Sabi ni Mirco sa anak.
"BUT DADDY I WANT TO SLEEP PA PO." Sabi ni Lily.
"ANO BA LILY AT BUMANGON KA NA JAN KAKAIN NA TAYO." Sabi pa ni Lovely. Tumayo si Mirco at una ng lumabas sa kwartong yun para matahimik naman ng konte ang paligid niya pero yun na nga kahit nasa baba na siya rinig na rinig parin niya ang sigawan ng mag-ina. Parang nakalunok kasi ng Megaphone sa lakas kung makapagsalita para na ngang nasa magkabilang bundok ang mag-ina niya sa lakas kung makasigaw.
**
BINABASA MO ANG
Chishio Academy: School of Hell [UNDER MAJOR EDITING]
VampiroChishio Academy is a school for Devils. A school that is forbidden from ordinary human. A school from hell. A school that full of Devils. A school for gangster, mafia, and vampires. And a school para sa mga taong patapon o pinatapon na ng kanilang m...