Chapter 1

89 2 0
                                    

Waiting for Your Love
By:imcindygirl


"Hoy,Greg!!tama na nga yan!!..bitawan mo nga si nanay!!"

Si Greg yung bagong asawa ng nanay ko, inabutan kong ginugulpi na naman si nanay,andami ngang tao sa labas parang nasa sabungan..
Ako naman pinipilit kong agawin si nanay sa pagkakapit sa kanya ng gagong Greg,duguan na ang mukha ni nanay at saka ko lang naawat..nag alisan na din naman ng kusa yung mga nanonood..

"Ano ba nay..binigyan niyo na naman ng live entertainment yung mga kapitbahay natin,"habang nililinis ko yung mga sugat at pasa niya sa mukha..namamaga nga yung nguso niya e,

"Kelan niyo ba kasi palalayasin yang si Greg? May pangarap ba yang maging boksingero?ginagawa kang punching bag eh.."Si nanay naman ngumiti pa..

"Naku Jelai,pag nagmahal ka gagawin mo din to,magtitiis ka para lang sa kanya.."

"Nay naman!hindi ka ba nagsasawang magmahal?saka hindi naman katulad nang mga naging asawa mo si Von ko.."

Sabi ko sabay bigla akong nangalumbaba sa lamesa at tumingin sa taas,bigla ko kasi siyang naimagine..

"Yung gwapo niya na yun,hinding hindi niya ko gugulpihin,yung tantalizing eyes niya,mapupulang mga labi na ang sarap halikan..hmmm.."

"Ipapahalik ba naman sayo?..lumingon ako, si Ericka kapatid ko yan sa pangalawang asawa ni nanay..nakangiti habang papalapit sa amin,galing siyang palengke..

"Ate,tigilan mo na kasi ang pagpantasya diyan kay Von,ilang taon ka na bang nagpapansin diyan..basted ka pa rin.."

Binato ko nga nung naabot kong lalagyan ng alcohol..

"Aray naman!.."

"Hindi ako susuko no!..mamahalin din niya ko..at pag minahal niya ako,ako na pinaka masayang babae sa balat ng lupa.."

"Tama na kayo,ayusin niyo na yang mga gulay at ng mailuto na.."

Nagtitinda kasi si Nanay ng mga lutong ulam,dito lang din sa harap ng bahay namin..
Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid..

Ako si Anjelika Bartolome.
17 years old,nag aaral ako ngayon.. Kasi marami akong sideline,Pero kung hindi ako magsasideline hindi ako makakapag aral..hindi naman kaya ni Nanay na mapag aral ako..

Mas kilala ako dito bilang Jelai.. Si Jelai na kahit anong panglalait nila nakasmile pa din..

Si Ericka ang pangalawa kong kapatid..Kinse anyos siya..

Sumunod si Maricka..Dose anyos
At saka si Lyka sampung taon..

Iba iba ang tatay namin..Kaya naman ang ang mga tao dito sa amin buhay namin ang gustong gustong topic pagtsismisan,syempre masaya e..

Apat na ang napangasawa ni nanay puro naman nangjojombag..Pero sa tatay ko kasal siya..
Mabait daw ang tatay ko sabi ng mga nakakakilala pero wala e,umalis daw ng walang paalam..

Sanay na ako sa buhay na to,yung pag dumaan ako kung ano ano ang naririnig ko,pero wala na yun sa akin..Minsan masakit pero kailangan kong makasanayan..
Masayahin ako kaya paglabas ko ng bahay..Hindi ko na dinadala ang problema ko..

Lalo na pag nakita ko na ang lalaking bumubuo sa mga pangarap ko..
Siya lang ang nakakapagpasaya sa akin at ang nakapagpapagaan sa lahat ng bigat na pinagdadaanan ko..
Ngiti pa lang niya..solved na solved na ako..

Siya si Rafael Von Villegas.. Classmate ko siya..Palagi naman..at hindi yun coincidence..sinusundan ko talaga siya..Kung nasan siya nandun din ako,elementary pa lang kami,crush ko na talaga yan..

Napaka amo ba naman ng mukha niya.
Ang lalantik ng pilikmata.. Ang abs..grabe,tumutulo talaga ang laway ko pag nakikita ko siya,pero kagaya nga ng sabi ni Ericka,basted ako..

"Jelai!ano?nanghahaba na naman ang leeg mo kaaantay sa prince charming mo.."si Lhea,yan ang kaibigan ko at kasama ko sa lahat ng kagagagahan kong pinaggagawa..

"Feeling ko umakyat yun sa bakod sa backdoor,para wag kang makita!.." Yan naman si Barbie,kasama din sa tropa ko,yan lang ang barbie na hindi mukhang barbie,mas mukha pa ngang chaka doll..pero kaibigan ko din yan,alam naman niyang mukha siyang chaka doll e,kaya hindi nagagalit yan..
Hinila ko nga yung matigas niyang buhok parang alambre,

"Aray ko naman jelai!!.."

"Ano bang sinasabi mo chaka doll!hindi ako tatakasan nun promise!.."

"Oo,na sige na!may gusto nga din sayo yun eh!bitawan mo na ang buhok ko!..
Natanaw ko na ang dumarating na barkada ng mga gwapo,syempre nandun ang prinsipe ko..bigla kong binitawan ang buhok ni chaka..eh,ni barbie pala..ganyan lang talaga kaming maglambingan..

"Von!!hinawakan ko agad ang kamay niya..

"Wooh,ang ganda mo ngayon jelai,pakurot nga sa pisngi..huuhh.."Si Bingo super feeling gwapo,kaya lang minsan nasosobrahan ng kayabangan..
Inilayo ko yung mukha ko na kukurutin nga niya..

"Kung si Von ka pa!magpapakurot ako sayo!!

"Ako na lang jelai pa kiss!!pakiss sige na.."si Dexter,tinakpan ko ng palad niya yung mukha niya saka ako kumapit kay Von..na wala namang imik at nakatingin lang sa amin,naging kaibigan ko na nga yang barkada niya kasi lagi akong sumusunod sa kaniya..

"Von,pansinin mo naman ako..para naman maganda ang araw ko.."

"Okay,hi Anjelika.."

"Hay,pag sinasabi mo talaga ang pangalan ko,para akong nasa langit,."sabay mabilis na nagsipaglayasan,at iniwanan ako..

"Bye,jelai!!..sabi lang nung mga barkada niya,pero si von hindi naman nagpaalam..pero ok na sa akin yun at least napilitan siyang pansinin ako..

Si Lhea at si Barbie naman iiling iling..sinenyasan ko lang na lumapit sa akin..lumapit naman saka ko parehong kinonyatan..

"Ang sasagwa ng mukha niyo,kaya wag na kayong sumimangot,inggit lang kayo sa akin kasi pinansin ako ng prinsipe ko.."

"Hi,jelai.."

"Oh,hi,miguel may gagawin pala ako na homework,hindi ko nagawa sa bahay,alis na kami..hinila ko na yung dalawa..

"Jelai,eto ang flowers oh!!

"A,lagay mo nalang dyan,may nakalibing naman dyan sa pwestong yan!!.."saka kami nanakbo para makalayo sa kanya..

"Huy,jelai!talaga bang may nakalibing dun?."

"Chaka ka talaga..siyempre sinabi ko lang yun para wag nang ihabol sa akin ng stalker na yun yung flowers.."

"Stalker talaga?Admirer lang naman"

"Ano ka ba!ang admirer pang gwapo yun!pang panget stalker!."

"Tama kayo diyan,pag si Von admirer talaga yun.."

Pag awas ko ng alas onse ng tanghali,dumidiretso naman ako sa mini grocery ng tita ko hanggang alas singko,lilipat naman ako sa fastfood hanggang 9 ng gabi,minsan nga iniisip ko,kaya siguro hindi ako magustuhan ni Von,kasi sobrang hirap ko,kaya nagsisikap akong makatapos ng pag aaral..

Waiting for Your Love{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon