Chapter 45

18 0 0
                                    


"Mommy,sabi ko naman sa inyo..wag na kayong maghanda,wala ako sa mood makisalamuha sa mga tao ngayon.."

"Kaunti lang ang inimbita ko..yung biyenan mo lang saka mga kapatid ni Jelai..ayaw mo ba?"

"Okay lang mom.."

Pumasok muna ako sa kwarto humiga ako sa kama habang nakatingin sa laptop ko..kanina ko.pa siya hinihintay pero kahit tawag o text hindi nagpaparamdam..nakalimutan na yata niya kahit ang birthday ko..

Bumangon ako saka humarap na naman ako sa laptop.

"Wifey!wifey!magparamdam ka naman..hindi mo na ba ko mahal?alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon?"

Humiga na naman ako..
Hindi ko na kaya ang kalungkutan na ito..

"Von..lumabas ka doon at harapin mo ang mgabisita kahit sandali lang..nakakahiya naman,sa kanila."

"Kuya!Happy Birthday!"

"Thanks Bunso.."

"Kuya!Happy Birthday!para sayo.."

Si Maricka,may inabot siyang regalo..

"Salamat ha..kasi nandito kayo ngayon sa birthday ko..Aling Anicka,Thank you po.."

Hindi ko.pa rin siya matawag na nanay..hind pa nga kasi niya alam na kasal na kami ni Jelai.

Dumating din si Ericka kasama ang boyfriend niyang si Jordan.

"Si Ate talaga nakakainis..birthday pa talaga ni kuya Von ang kinalimutan niya.."

"Baka busy lang siya.."

"Wala naman siyang ibang idadahilan kung hindi busy siya eh..makipagbreak ka nanga sa kanya kuya.."

"Ericka!"saway naman ni Aling Anicka.

"Pano naman kasi.."

"Baka mamaya tatawag din yun.."sabi ko kahit sa sarili ko duda ako kung naalala nga niya ang birthday ko..

"Thank you po.."

"Thank you.."

Kanya kanya na silang alisan..dumidilim na din kasi..
Tinatanaw ko lang sila sa gate habang papalayo..
Sabay sabay sina Aling Anicka,Si Ericka si Maricka at si Lyka..kasama nila si Jordan..
Wifey i miss you..sobra..ikaw na lang ang kulang sa kanila.

Biglang lumitaw ang imahe ni Wifey sa dilim..
Nakatitig lang ako sa kanya..
Sobrang namimiss ko lang siguro siya..
Kaya nakikita ko siya..pero hindi ako.pumipikit kahit sa ganitong paraan makita ko siya..

"Wifey,i miss you.."

Lumalapit siya nang lumalapit sa akin..hindi pa rin ako nakakilos sa kinatatayuan ko..
Totoo ba siya?humahakbang na siya palapit sa akin..
Malapit na malapit na..

"Wifey?"

Nakangiti siya sa akin..hindi ba ako namamalikmata?nasa Italy si Wifey ko..
Ngayon nasa harap ko na siya..Nakatayo siya sa harap ko..

"Wifey?"

"Happy Birthday..wala ba akong hug?"

Hindi pa rin ako makakilos..hindi ako makapaniwalang nandito siya!

Inabot niya ang mukha ko..
Hinplos niya..

"Hindi ka pa rin ba naniwala na nandito ako?umuwi ako kasi birthday nang asawa ko.."

"Wifey.."Niyakap ko siya nang sobrang higpit..yung hindi siya makakawala..yung hindi siya mawawala sa paningin ko..

"Wifey.."

Waiting for Your Love{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon