Chapter 32

12 0 0
                                    


"Vonnn!!!"

Pawisan at hinihingal akong nagising, tumingin ako sa paligid..

"Thank you po,panaginip lang pala.."

Bumangon ako para kumuha ng inumin,saka ako bumalik sa kama,siguro mag aayos na lang muna ako ng mga gamit ko..

Napatingin ako sa pinto,ng may kumatok..parang nagmamadali..

"Jelai!!"pagbukas na pagbukas ko ng pinto, yumakap sa akin si barbie habang umiiyak..

"Barbie??"Nagulat ako ng humarap ulit siya sa akin na puno ng luha ang mukha..

"Jelai...si Von..."

"Anong si Von?bakit?anong nangyari kay Von?"

"Jelai,sorry..hindi to mangyayari kung hindi ko kayo isinama dito.."

"Barbie ano ba!!anong nangyari kay Von?!!"

"Namasyal sila kagabi..sa baba may kweba kasi dun..tapos..tapos...gumuho ang kweba..naiwan si Von sa loob.."

"Hindi totoo yan,nandito si Von.."

Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Von,nandito lang siya alam ko..

Pero pagpasok ko sa kwarto,nakakalat na mga gamit niya ang inabutan ko,mukhang nagmamadali siyang umalis..lalong nanlambot ang tuhod ko.napaupo na lang ako sa kama niya.

"Pero,Jelai..mahahanap naman siya..pangako gagawin namin ang lahat mahanap lang si Von.."

Hindi ko na alintana,kung gaano kalayo ang nilakad namin,habang nakaalalay sa akin sina Barbie at ang asawa niya,bago kami makalapit sa kweba,marami ng rescuer..pati ang mga kaibigan ni Anthony na kasama nina Von na pumasok sa kweba.
May isang babaeng umiiyak na lumapit sa akin,mahaba ang buhok saka nakashort ng maiksi..kinuha niya ang kamay ko..

"Jelai,sorry..sorry..kasi kung hindi naman namin siya pinilit,hindi siya sasama..alam ko namang ayaw niya lang kaming ipahiya.."

Tumingin lang ako sa kanya..pinunasan ko ang luhang pumapatak sa pisngi ko..
Saka ako lumapit sa pinakabunganga ng kweba..

Kung titingnan mo ang kweba,milagro na lang talaga kung mabubuhay pa ang nasa loob..may ilang malalaking bato ang nakadagan dito,na kahit yata ilang makina,hindi kaagad kayang buhatin.

"VONNNN!!!"

"VONNNN!!!KUNG NARIRINIG MO AKO!LAKASAN MO ANG LOOB MO!!HIHINTAYIN KITA!!VON..hihintayin kita..."

Yakap yakap ako ni Barbie habang patuloy ako sa pag iyak habang sumisigaw..

Maghapon,.magdamag patuloy pa rin ang mga rescuer sa paghahanap sa kanila..nakabantay lang ako..ayokong umalis dito ng hindi ko alam kung anong nangyari kay Von..marami akong gustong sabihin sa kanya..sasabihin ko pang mahal na mahal ko siya kaya babalik siya..

"Jelai..kumain ka muna,buhat kahapon hindi ka pa kumakain..baka ikaw ang manghina.."

"Barbie..babalik siya diba?babalikan niya ako.."habang nakatanaw ako sa mga rescuer.
niyakap niya ako..

"Oo,Jelai..babalik siya..babalikan ka niya,kasi mahal ka niya..wala siyang ibang minahal kundi ikaw..kaya babalikan ka niya ha.."

"Ano Jelai!!dahil na naman sayo kaya napahamak ang anak ko??!!"si Aling Martha..

Tulak ng tulak si Aling Martha sa akin..habang nakaalalay naman sa akin si Barbie..

"Ano?!ikaw talaga ang bwisit sa buhay ng anak ko!..ikaw talaga!!ibalik mo ang anak ko..ibalik mo.."saka siya umiyak ng umiyak..

Inilayo siya nina Barbie sa akin,kinausap yata..
Mayamaya bumalik na din naman siya sa harap ng kweba kung saan ako naroroon.naiintindihan ko si Aling Martha,dahil nararamdaman ko din ang nararamdaman niya,baka mas higit pa siya..kasi anak niya si Von..kahit nga ako gusto ko silang sisihin..gusto ko silang sisihin...
kasi bakit nila iniwan si Von..

Tumayo si Aling Martha sa tabi ko,konti lang ang pagitan namin,habang pareho kaming nakatanaw sa kweba kung nasaan daw si Von..

"Mahal na mahal ko ang anak ko..ibibigay ko ang lahat ng gusto niya,hangga't kaya ko..alam ko..lahat naman,naibigay ko...maliban sa isa.."

Nagsasalita siya ng hindi ko tinitingnan pareho naman yata kaming malayo ang tingin..

"At ikaw yun,Jelai.."saka lang ako tumingin sa kanya,pareho kaming umiiyak..

"Alam mo naman yun..ayoko sayo..dahil ayoko sa pamilya mo..ayoko sayo..pero mahal na mahal ka niya..alam ko yun..hindi ako tanga,para hindi ko maramdaman na ginawa na ni Von ang lahat masunod lang ako..para sa ikaliligaya ko,kahit masaktan siya,kayong dalawa"

Patuloy lang siya sa pagsasalita sa pagitan ng paghikbi..

"Bumalik lang siya ng buhay,ibibigay ko na ang gusto niya..kahit masaktan ako..ang mahalaga,magiging masaya na siya..Jelai..mahal mo pa si Von diba?mahal mo pa ang anak ko..hindi ko na siya sasaktan ulit.."

Lalo akong napaiyak sa sinasabi niya,sobrang tapang ni Aling Martha,pero pagdating sa anak niya,kaya niyang ibigay ang lahat..

"Von..Anak..mahal na mahal kita..bumalik ka na oh..pumapayag na ako..kahit ayoko!pumapayag pa din ako na maging kayo na ulit ni Jelai..diba yun ang gusto mo anak?.."

Patuloy lang sa pagsasalita si Aling Martha..habang patuloy din ang pag iyak.kung noon pa niya sana sinabi yang mga sinasabi niya ngayon..masaya na nga kaya kami ni Von ngayon?si Nanay?kaya din kaya niyang isakripisyo ang kaligayahan niya?..

Nagkatinginan kami ni Aling Martha,nang magkagulo ang mga rescuer at pati ang mga kamag anak nung isang kasama ni Von na nawawala.
Magkasabay kaming tumakbo pababa ng kweba..

Nanlalaki ang mga mata namin,at hindi ko maintindihan kung anong klase ng kaba ang nasa dibdib ko ngayon..nang makita kong may dalawang stretcher na dala ang mga rescuer,sakay ang dalawang lalaking walang malay..at punong puno ng putik ang katawan..

"Von??.."



Waiting for Your Love{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon