Pinaandar ko na ang sasakyan para hindi ko na makita si Jelai,ilang beses ko na bang iniwasan na tingnan siya,baka hindi ko lang kasi mapigil ang sarili ko,pero ng napatingin ako sa side mirror..nandun pa din si Jelai..nakaupo sa kalsada,pano kung biglang may dumaan dun?..hindi ba siya nag iisip?nasa gitna pa siya ng kalsada?..
Bigla kong naipreno ang sasakyan,muntik pa nga mauntog ang kasama ko..napakawalang kwenta ko ba talaga?kasi nagawa ko yun sa kanya?gustong gusto ko naman siyang yakapin kanina,gusto kong tanungin kung okay lang siya,pero parang may pumipigil sa akin..
"Von..okay ka lang ba?.."malayo layo na din kami,nakikita ko pa din siya na nakaupo sa kalsada,hindi na yata ako nag isip,mabilis akong bumaba ng sasakyan,malalaki ang hakbang kong lumapit sa kanya..nakasubsob pa din siya sa tuhod niya,habang umiiyak..
"Tumayo ka na diyan!hindi mo ba naiisip kung biglang may dumaang sasakyan!!"pasigaw pa nga ako ng sabihin ko yan
"Von?.."
"Tumayo ka na diyan"habang inaabot ko ang kamay ko sa kanya pero tumingin lang siya hindi inabot ang kamay ko..naupo na ako sa harapan niya..
Hindi ko na alam kung anong iniisip ko basta't niyakap ko siya,mahigpit..miss na miss ko na pala siya,miss na miss..
Pilit ko siyang itinayo,sakto namang may dumaang sasakyan pagkagilid namin..kaya lalong humigpit ang yakap ko sa kanya..miss na miss ko na siya..tinitigan ko siya saka ko
pinunasan ang pisngi niyang basang basa ng luha..
"Im sorry,Angel...im sorry,hintayin mo lang ako..maaayos din to..pangako babalikan kita.."
Saka ako tumalikod pabalik sa sasakyan..
"Von?..siya ba?kaya ka nagkakaganyan?..inistart ko na yung kotse.
"Kung mahal mo pa,bakit mo pinipigil ang sarili mo?sinasaktan niyo lang ang isat isa..ganyan din ako Von,alam ko kung anong nararamdaman mo.."nakikinig lang ako sa sinasabi niya,pero iniisip ko pa din ang sinabi ko kay Jelai,handa ko nga kayang panindigan yon?kanina nung niyakap ko siya naramdaman ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko..para kay Angel lang yun..mahal na mahal ko pa rin talaga siya..
Natapos ang maghapon na si Jelai lang ang inisip ko,masyado ko siyang nasasaktan,alam ko yun..sumasakit ang ulo ko kapag iniisip ko na ako ang naging mahina,ako ang hindi lumaban,kaya pareho kaming nasasaktan..
"Kumusta ang trabaho anak?mukhang latang lata ka ah..kumain ka na muna.."inasikaso ni mommy ang pagkain ko
"Si Lovely kumusta?bagay na bagay kayo anak.."
"Mom.."tumingin lang ako sa kanya,may gusto akong sabihin pero hindi ko kayang sabihin sa kanya,masasaktan siya..
"Tapos na ko mom,magpapahinga na ko.."
Gusto kong ipagtapat sa kanya na hindi ko na kaya..hindi ko na kaya na wala si Jelai..
*****
Ang sakit ng katawan ko kinabukasan,akala ko wala lang yung nasagi sa akin ng sasakyan ni Von,kahapon..
Si Von,bat niya kaya sinabi yon?totoo kaya?na hintayin ko siya?o baka naman bibili lang siya ng gamot kagabi,at babalik siya,kaya hintayin ko siya..antanga tanga mo talaga,Jelai dapat pala inantay ko siya..aah kainis..pero niyakap niya ko,kahit paano nabawasan yung nararamdaman ko,so yun ang bago niyang girlfriend..ang ganda..ang gwapo naman kasi niya,kahit nga yata sinong mayayamang babae,mapapaibig din niya..gumalaw ako,pero ang sakit talaga ng likod ko,
Hala,madami akong trabaho,kung kelan naman malapit ng magpasukan..tama,papasok na nga ako ngayong pasukan,isang taon na lang naman graduating na ako..konting tiis na lang jelai,konting tiis..
"Aahhh.."
"Ate!masakit pa rin ba?.."pinapahilot ko kasi kay Maricka yung likod ko,
"Ate,dalahin na natin sa ospital,baka lalong lumala yan"
"Konting pahinga lang naman siguro,maaalis na din to..kayo na ang bahala muna sa palengke,isang buwan pa tayo dun,kailangan makaipon pa.."
Maghapon na akong nagpapahinga pero hindi pa din talaga natatangal ang sakit ng katawan ko,ipinasya na nga namin na magpaospital ang masama na confine tuloy ako,may namamaga nga daw na laman dahil sa pagkakabangga sa akin..
"Angel.."
Nananaginip ba ako?nandidito daw si Von,hawak ang kamay ko..inaalagaan ako..,kahit dito na lang,kahit sa panaginip ko,at least nandito siya,napangiti ako..
"Salamat Von,kahit sa panaginip napasaya mo ako..salamat.."naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo,saka ako muling pumikit..
BINABASA MO ANG
Waiting for Your Love{completed}
Romance"Kahit Paulit ulit mo akong saktan; Hihintayin kong bumalik ang iyong pagmamahal..Kasi Mahal kita.. Mahal na Mahal kita Von.." ♡Jelai