"Good Morning!"
Dumungaw ako sa bintana..maaga pa kasi,hindi pa ako nakakapagbihis papunta sa eskwela..
Nagulat ako ng pagdungaw ko may lalaki sa labas.nakasandal siya sa kotse niya..
Si Rey,yung naghatid sa akin kahapon.."Ate,sino siya?"tanong ni Ericka at ni Maricka.
"Kaklase ko,teka lang at lalabasin ko..bakit kaya siya nandito?"
"Good Morning..Anjelika.."
"Ah..Good Morning..bakit ka nandito?"
"Susunduin sana kita..dito din naman ang daan ko,kaya tumuloy na ko dito.."
"Ah..Rey kasi..hindi pa ako nakahanda kasi maaga pa..saka tricycle lang..okay na ko.."
"Hihintayin na lang kita.."
Ano bang iniisip nito?nagpahatid lang ako kahapon kasi madami akong dala..ngayon hindi naman..
"Ahh,kasi Rey..ano.."
"Hihintayin na kita please..
Bahala na nga,kakausapin ko na lang siya mamaya.
Hinintay nga ako ni Rey..yung mga kapitbahay namin,ang sama ng tingin sa akin..alam ko na siyempre kung ano ang pag uusapan niyan pag nakaalis ako..
"Ahh,Rey..wag mo na ulit to gagawin to ha?"
"Ang alin?"
"Yung susunduin mo ako sa bahay..sorry ha..alam mo na kasi sa amin..ayokong mapag usapan,may boyfriend kasi ako.."
"Ahhh...ganun ba?binabasted mo na ba ko niyan?"
"Ha?"nanliligaw ba siya?
"E,hehehhe...joke lang..pinapatawa lang kita,masyado ka kasing seryoso.."
"Ahh...hehehe..oo nga sorry.."
Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan niya..nagmamadali na akong bumaba..baka may iba pang makakita maisumbong pa ako kay Von.mahirap na..
Pag uwian dumaan ako kay Von,gusto kong malaman kung kumusta na yung paa niya..
"Good Afternoon po Tita..si Von po?"
"Pumasok ka na,nasa kwarto niya.pero may toyo.."
Pabulong na sabi ni Aling Martha..
"Po??"
"Sige,pumasok ka na..kausapin mo..maghapon na yang ganyan.."
"Sige po.."
Inabutan ko siyang nakaupo sa wheelchair nanonood ng tv..
"Von?.."
Hindi niya ako pinansin..inilipat yung channel nung pinapanood niya..
"Von..kumusta ka na.."
Inilipat na naman niya yung channel..nanonood ba talaga siya?parang hindi naman..galit yata sa akin..hala!hindi kaya..ahh..ang mga tsismosa talaga sa amin nakakainis..
Umupo ako sa kama.kaharap niya,pero hindi pa din siya tumitingin sa akin.."Von!galit ka ba sakin?!kausapin mo naman ako oh!"
Tiningnan niya ako ng masama..
Saka kinuha yung remote ng tv.inilipat na naman."Bakit?!may ginawa ka bang dapat kong ikagalit?"
"Wa..la.."
"Wala naman pala..bat mo ko tinatanong kung galit ako?"
Naman!nakakainis si Von..
"Okay!meron!"sabi ko.pero sa tv lang siya nakatingin.
Bat nga ba kailangan kong itago.alam ko naman kung ano yun.
BINABASA MO ANG
Waiting for Your Love{completed}
Romance"Kahit Paulit ulit mo akong saktan; Hihintayin kong bumalik ang iyong pagmamahal..Kasi Mahal kita.. Mahal na Mahal kita Von.." ♡Jelai