Chapter 47

13 0 0
                                    


Sakay kami nang sasakyan papunta sa pamilya ko.Pero walang nagsasalita sa amin..nagalit yata siya talaga..
Hinayaan ko na lang din siya,baka mag away lang ulit kami.

Pero iba ang way na pinupuntahan namin?Hindi naman dito ang daan papunta sa bahay namin.

Hindi pa rin umimik..baka may dadaanan lang siya..
Mayamaya tumigil kami sa isang bahay na nasa loob nang bagong subdivision na itinatayo sa lugar namin.
Hindi siya kalakihan,pero up and down.Mukhang ginagawa pa ang bakod.dahil sa mga nakatambak na hollowblocks at buhangin sa gilid.

Pagkababa ko pa lang nang sasakyan.nakita ko na si Nanay?

"Nay?"

"Jelai!Ikaw ba talaga yan?dumating ka na anak..pumasok kayo..Von.."

"Sige po dito muna kina Rim.."

Nilingon ko siya,habang paalis..lumipat sa kabilang bakuran.hindi man lang siya nagpaalam sa akin..

"Nay,sinong Rim?"

"Ah,kabarkada niya yun,kalaro niya nang basketball pag napunta siya dito."

Sumama ako pagpasok sa bahay.

"Nay,kelan pa kayo lumipat dito?bakit hindi nyo nasabi sa akin?"

"Naku,si Von kasi gusto niyang isorpresa ka pagdating mo.

"Ate!"Sabay nanakbo si Maricka at si Lyka..miss na miss ko na ang mga kapatid ko..Niyakap ko sila..saka ko pinupog nang halik..

"Miss na miss ko na kayo.."Nakayakap pa rin sa kanya ag dalawang bata..

"Maricka,ang ganda mo na dalaga ka na.."

"Talaga ate?Thank you..kaya gusto kita kesa kay Ate Ericka..lagi akong sinasabihan na panget..

"Maganda ka kaya,magkamukha tayo..wag kang maniniwala kay Ericka.."

"Oo nga pala yung pasalubong ko..".

Hindi ko napansin kung naibaba ba ni Von sa sasakyan..

"Ate,nandito na..meron ba para sa akin?"

"Siyempre,si bunso pa mawalan."

"Ate,si Kuya Von pala..nasaan?"

"Nandyan lang kina kuya Rim.."

"Teka ate,pupuntahan ko lang si Kuya Von,itatakas na naman yun ni Rim botsog!"tumakbo na si Lyka palabas.ganun ba sila kaclose ni Von?

"Ganyan talaga yan kay Von sobrang close nang bata na yan.."

"Nay,itong bahay na ito?huhulugan pa po natin?"

Tiningala ko yung bahay..maayos na siya..fully furnished,at hindi pa nakakatakot para sa mga babaeng nakatira dito..

"Si Von po ba ang pumili nito?"Habang nag iikot ako sa buong bahay..hindi pa kami nakakatira sa ganitong bahay..Alam kong malaki ang ipinadadala ko..pero kung isasama pa ang mga gastos nila sa ibang bagay.mababawasan pa din yun.

"Anak,pasensiya ka na ha..ang totoo..bayad na ang bahay na ito.Lahat nang perang pinadadala mo dito ko inilagay sa bahay na ito kaya isang taon ko lang siyang hinulugan."

"Nay,paano?saan kayo kumukuha nang mga ginagastos niyo?"

"Kay Von.."

"Nay..kaya nga ako nagtrabaho para hindi tayo umasa kay Von.."

"Pero anak,siya naman ang maysabi na.."

"Nay!Akala ko ba?hindi tayo aasa sa iba!bakit kailangan niyo pa rin si Von?igagaya niyo din ba ko na umaasa na lang sa lalaki?"

Waiting for Your Love{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon