chapter 43

19 0 0
                                    


Maaga akong nagising medyo madilim pa..
Gusto ko sanang gisingin din si Angel,kaya lang mukhang tulog na tulog pa.naawa naman akong gisingin..
Dahan dahan kong inalis yung ulo niya sa braso ko..

Tinitigan ko muna siya..ang saya ko talaga ngayon,na kasal na kami..napangiti ako..

Sumilip ako sa bintana..
Madilim pa,saka ang lakas ng hangin..bumaba pa rin ako..hinanap ko yung pamingwit ng isda,sabi ni Francis meron daw dito..
Para paggising ng wifey ko may makakain na kami..

Naglakad lakad ako,hanggang makarating ako sa may tao na..mukhang namimingwit din..

"Tang,marami po bang isda dito?"

"Aba'y oo..dine sa lugar na ito natitipon ang malalaking isda..kaya dito ako namimingwit..bakasyunista ka ba?taga Maynila ka?"

"A,opo..diyan po ako sa isang resthouse tumutuloy..tang turuan niyo naman po ako oh,gusto ko paggising ng misis ko may huli na ako.."

"Ala eh..honeymoon ba?"

"Ah..ganun nga po.."

"Oh,halika..ganire lang ang gagawin mo.."

Tinuruan niya ako kung paano ko mapapalapit dito ang isda,nakailang beses kami saka pa ako nakahuli..

"Tang!anlaki!"

"Hahaha..marame pa diyan!"

Mag aalas siete na yata nang makabalik ako sa resthouse.nakita ko na si Jelai na nakaupo sa may pinto..

"Wifey!!"

"Saan ka nagpunta?nakakainis ka,kanina pa kita hinahanap.."

"Wifey..tingnan mo!Anlaki ng nahuli ko.."

"Oo nga!bat hindi mo ako isinama?"

"Wifey,tulog na tulog ka pa kasi..nakakaawa ka namang gisingin..pagod ka pa eh.."

"Hubby!!"

Sabay kurot niya sa tagiliran ko..niyakap ko naman siya,saka ko siya hinalikan sa labi..

"Ahh,wifey!dapat pala ipaframe ko tong isda na to..kasi first time kong nanghuli ng isda..ano wifey..souvenir?"

"Tsskk..hubby!mas masarap iihaw yan kesa ipaframe!"

"Oo nga noh,magugutom ang wifey ko..tara iihaw na natin.."

Sa gilid na kami ng dagat kumain..ang sarap kasi dito,fresh na fresh ang hangin..hindi pa naaabot ng polusyon.naglatag ako ng tela dun saka kami naupo.

"Hubby,baka mag alala na sina nanay.."

"Ipinasabi ko na kay mommy na magkasama tayo..hindi na yun mag aalala.."

"Mag aalala yun,kasi akala niya nagtanan na tayo.."

"Hindi tayo nagtanan,pero nagpakasal..Di ba sabi ko kalimutan muna natin ang lahat..sulitin natin ang ilang araw nating bakasyon.."

Waiting for Your Love{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon