Chapter 37

17 0 0
                                    


"Tinawag mo akong Angel?"

Umupo ako sa harapan niya pero hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

"Von,tinawag mo akong Angel?"

Nakita kong palapit sa amin ang mommy niya,pero hindi tumuloy,alam kong narinig niya ang sinasabi ko,kaya para ding nagulat siya.
Nanatili lang siya sa may pinto.

"Von..nilololoko mo lang ba ako?niloloko mo lang ako..na may amnesia ka?.."umiiyak na ako sa harap niya.
Hindi siya sumasagot,pero hindi din siya makatingin ng diretso sa akin.

"Von!hindi mo ko nakalimutan diba?!Lahat ng ginagawa mo sa akin,sinasadya mo!sinasadya mong saktan ako!hindi ba Von!hindi ba!!"Sumisigaw ako habang umiiyak,Hindi ko na mapigilan ang sarili ko eh..
Hindi ko matanggap na nagpapanggap siyang may amnesia para saktan ako.

"Oo Jelai..nagpapanggap ako na nakalimutan kita..kahit ang totoo hindi..hindi kita nakalimutan..dahil alam mong hindi yun mangyayari..
Sinadya kong saktan ka!
Sinadya kong pahirapan ka!
Para ikaw na mismo ang sumuko at iwan ako!para ikaw ang kusang lumayo!"

Lumapit ako sa kanya,habang pinapahidan ng kamay ang mukha kong basa na ng luha.

"Bakit Von?bakit mo ito ginagawa?.."

"Dahil ayokong mahirapan ka habang buhay..Hindi na ako karapat dapat sayo..mas may maganda kang kinabukasan kung sa iba ka mapupunta..hindi sa isang katulad kong imbalido.."

Tumayo ako saka ko siya niyakap.

"Von..Mahal kita..aalagaan kita kahit hanggang kaylan."

"Yun nga Angel..Alam kong yan ang gagawin mo..Kaya nga yun ang ayokong mangyari,yung maging alagain at alalahanin mo pa ako.."

"Von.."

"Yun lang ang naisip kong paraan dahil alam ko,hindi ka naman papayag na makipagbreak na lang ako sayo..kilala kita.."

"Pero yun ba talaga ang gusto mo Von?yung lumayo na talaga ako sayo?..gusto mo ba talagang mangyari yun?"

Umiling siya..kaya napangiti ako.

"Nung malaman kong hindi na ako muling makakalakad,yun ang una kong naisip..ang saktan ka para iwan mo na ako,pero tuwing hindi ka pumupunta dito.kinakabahan ako,natatakot ako na baka hindi ka na ulit magpakita..sorry..Angel,
sorry."

"Kung ganon,mula ngayon ako ang tutulong sayo para makalakad ka..hindi ka magrereklamo?"

"Okay po..promise.."sagot na niya ng nakangiti.

"Goodboy.."

Yumuko ako para mahalikan ko siya sa labi.smack lang naman.

"Angel?..si mommy"

Nasa pinto nga pala ang mommy niya.

"E,ano..alam naman niyang mahal kita.."

Napangiti na naman siya,wag kang mag alala Von,pasasayahin kita araw araw.Nagulat ako nung kabigin niya ang ulo ko saka ako hinalikan ulit.Mas madiin ngayon at mas matagal.

Nakangiti siya habang nakatitig sa akin nung tumigil.

"Von,ang mommy mo.."nakakahiya kaya..

"Wag kang mag alala,alam naman niyang mahal kita."

Sabay kaming lumingon sa may pinto,pero wala na ang mommy niya dun..
Tawanan lang kami ng tawanan.mukhang pinagsolo nga kami ng mommy niya.nawala na eh,kumuha ako ng pagkain para mapakain ko siya.

Waiting for Your Love{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon