Ano daw?..si Von ko,aalis?pupunta siya sa amerika?!..Blag!!
Napalingon sina Von sa akin,hinampas ko kasi ng malakas yung table..saka ko tinanggal yung suot kong cap..
Lasing na yata ako e,ewan ko basta nahihilo ako.."Angel!anong ginagawa mo dito?!.."
Hindi ako sumagot,yung nakaharap sa kanyang beer tinungga ko ulit,mabilis na inagaw ni Von yung bote..
Saka ako inakay palabas.
Umupo kami sa gilid lang nung restobar na pinuntahan namin."Ano ka ba Von!bat ganyan ka!bat ayaw mong sabihin sa akin ang problema!akala mo ba mahina ako!si jelai to!si jelai!lahat ng problema kaya kong harapin..huhuhu..."
"Angel,wag ka namang umiyak,sorry..hindi ko kasi alam kung pano ko uumpisahan,ayokong masira yung kaligayahan mo,ang saya saya natin diba?sorry.."
Iyak lang ako ng iyak,isipin ko pa lang na aalis siya,parang hindi ko kaya,humahagulgol na nga ako eh..si Von naman nakayakap lang panay ang patahan sa akin..
"Angel please..kaya ayokong malaman mo diba?kasi alam ko ganyan ang magiging reaksiyon mo.."
"Angel!.."tuluyan na kong bumagsak
Nagising ako umaga na,nandito naman ako sa kwarto ko..bumangon ako at pumunta sa kusina,nandun si Ericka..
"Ano ate..okay ka na?maglalasing ka,di mo naman pala kaya.."
"Hinatid ba ko ni Von?"
"Siyempre,pinagalitan ko nga kala ko kasama mo siyang nag inom"
Nagtimpla lang ako ng kape,saka ako umupo sa tabi ni Ericka na nagluluto..sabado kasi ngayon,wala akong pasok maglalako lang ako ng ulam na niluto ni Ericka saka ni nanay..
"Angel.."
"Von..
"Kukumustahin lang kita,kasi kagabi.."
"Lalabas muna ko ha,ate ayusin ko lang yung mga paninda.."paalam ni Ericka
Lumapit si Von sakin saka ako niyakap kahit nakaupo ako..tapos lumuhod siya at hinawakan ang kamay ko..
"Angel,pwede na ba nating pag usapan,yung tungkol sa.."
"Mamaya na lang Von,marami pa kong gagawin"tumayo ako siya naiwan na nakaluhod
"Angel,galit ka ba?.."
"Mamaya na tayo mag usap Von,please,gusto kong mag isip e,please.."tumango naman siya..lumapit sa akin saka ako hinalikan sa noo..saka siya lumabas
May tiwala naman ako sa kanya,alam ko kahit magkalayo kami tutuparin niya ang pangako niya sa akin..nalulungkot lang talaga ako na hindi ko na siya makikita araw araw,magdadalawang taon na kami,pwera pa yung limang taon na hahabol habol ako sa kanya..hindi ganun kadali para sa akin na magkalayo kami..
Gabi na nang makita ko ulit siya,kahit maghapon siya na lang ang nasa isip ko..sinundo niya ako sa trabaho ko..tumayo siya nung makita ako saka ako niyakap..
"Kumusta naman ang araw mo?..
Sabi niya,feeling ko gusto lang niyang pagaanin ang mood namin..sabi ko nga hindi ako si Jelai kung hindi ko haharapin ang problema,"Kelan ba ang alis mo?.."
"Angel.."
Tuloy lang ako sa paglakad,sumusunod lang siya sa likod ko..hindi siya sumasagot..
"Sabi ko kung kelan ang alis mo?"
"Next week.."
Huminto ako sa paghakbang,naramdaman ko na lang ang luhang mabilis na pumapatak sa pisngi ko..kahit ayoko,hindi ako mahina para magkaganito..
Yumakap siya sa akin galing sa likod..
"Angel,sorry.."
"Hindi ako umiiyak kasi iiwan mo ko,may tiwala ako sayo,na tutuparin mo ang pangako mong ako lang ang mahal mo..nalulungkot lang ako kasi pag gusto kitang makita,anlayo layo mo..pag gusto kitang halikan ang layo layo mo.."
Pumunta siya sa harap ko..hinawakan yung chin ko para magkaharap kami..
"Mahal na mahal kita,Angel ko..pero kailangan natin tong gawin para mapatunayan natin kay mommy,na nagmamahalan talaga tayo..pag nalampasan natin to,mas magiging matatag pa tayo sa mga susunod pang pagsubok"
Tumango ako,saka ako umiiyak na yumakap sa kanya..
Sinulit namin ang isang linggong nandito pa si Von,pilit nga naming kinakalimutan na aalis siya,para maging masaya kami..
Pero ngayon ang huling araw na magkasama kami,bukas na ang alis niya,kahit pilitin naming kalimutan hindi na to pwede ngayon..
Nandito kami sa park na paborito namang pasyalan,nakaupo lang kaming dalawa hindi kami nag iimikan,ewan ko ba ang bigat bigat kasi ng pakiramdam ko..siguro ganun din siya,mayamaya humarap siya sa akin,nakaluhod para mag abot kami..
Kinuha niya yung dalawang kamay ko saka idinikit sa labi niya..
Habang nakatingin siya sa akin,umiiyak ba siya?.."Von..."
Niyakap niya ako ng mahigpit,yung parang ayaw ng bumitaw..
"Von..kasi naman eh,bakit ba kailangan mong umalis..."
Hindi pa rin siya umiimik,pinapahid lang niya yung luhang pumapatak sa pisngi ko..
Saka niya ako hinila patayo..Palunok lunok ako habang sumusunod sa kanya..kinakabahan ako,talaga bang kailangan dito..
"Von,bakit tayo nandito baka dumating ang mommy mo.."
"Kay Daddy matutulog si mommy ngayon,
Angel,matutulog lang tayo..promise..ayoko pa na magkahiwalay na tayo ngayon..isang taon tayong maghihiwalay.."Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila at sa kwarto pa niya..
Nagtiwala naman ako,matutulog lang daw kami..
Kaya pagpasok ko ng kwarto..panay ang kalma ko ng sarili,matutulog lang kami..matutulog lang kami..Nagulat pa ko nung yumakap si Von galing sa likod,
"I love you Angel,gusto lang talaga kitang makasama ngayon.."
Humarap ako sa kanya..saka ako sumubsob sa dibdib niya,
"Mahal na mahal kita Von,"
Lumayo siya ng kaunti,saka ako hinawakan sa baba..
Para maabot niya ang labi ko,sumusunod lang din ako sa bawat galaw ng labi niya..gusto ko tong maalala habang magkalayo kami..
BINABASA MO ANG
Waiting for Your Love{completed}
Romance"Kahit Paulit ulit mo akong saktan; Hihintayin kong bumalik ang iyong pagmamahal..Kasi Mahal kita.. Mahal na Mahal kita Von.." ♡Jelai