"Von...Magbreak na tayo.."Hindi siya nagsalita nakatitig lang siya sa akin..umiiling iling..
"Angel..may problema ba?.."
Umiling ako..
"So,ano to!hindi ka ba makatagal sa long distance relationship!ilang buwan na lang Angel!ngayon pa!..Angel,pag usapan natin to..namimiss mo lang ako diba?.."
Parang iiyak na ang mukha niya kaya ayoko nang tingnan..mahal na mahal kita Von..pero wala namang hahantungan ang pagmamahalan natin..
"Hindi mo na ba ko mahal Angel?..wala na ba?..kasi ako mahal kita eh,tutupad naman ako sa pangako eh,wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang..please angel..please...hihintayin mo ko di ba?.."
Umiiyak na nga si Von ko..basang basa na ng luha ang pisngi niya..nakaupo na siya sa sahig,habang panay ang sabunot niya sa buhok niya..
"Angel,please.."
"Im sorry Von.."
Pinatay ko na yung laptop,ayoko nang makita kung pano ko siya nasasaktan..
Parehas lang tayo Von,pero ngayon o kahit pag nandito ka na parehas lang din ng sakit..magagalit ka lang sa akin dahil sa ginawa ng nanay ko..
"Psst..psst.."
"Ano ba Jordan!baka lapitan ka ng ahas kakasitsit mo diyan.."
"Kasi naman si Jelai,Ate mo ba talaga yan?parang hindi e,ang tahimik.."
"Jordan,lahat ng tao pwedeng magbago..ikaw lang yata ang wala ng pag asa eh.."
"Ako na naman,may crush ka talaga sa akin..sus,aminin mo na.."
"Ericka.."
"Ate?.."
"Samahan mo ko.."
"Ate?anong gagawin natin dito?..
Nasa harap kami ng bahay nina Von,isang pindot ko pa lang sa doorbell lumabas na si Aling Martha..
"Wow,ang kapal naman ng mukha mo para pumunta dito..ang alam ko pumupunta ka lang dito kasama ng anak ko pag wala ako,para magkulong sa kwarto.."
Inabot ko sa kanya yung laptop..
"Isosoli ko lang po ito.."
"Ano to?..at ano?isinosoli mo na ang anak ko?..break na kayo?break na ba kayo ha?!..
saka ako mabilis na humakbang patalikod kasunod ko si Ericka..
"Ano,ate?patulan ko na yan..break na pala kayo eh.."
"That's a great news!!great,great news!nag iisip ka din naman pala ng tama..hahaha.."sigaw pa din ni aling martha..
Mabilis na akong nanakbo hila si Ericka,siguro naman huling pang iinsulto na niya sa akin yun..
"Hmmn,Bunso..ang daming pasalubong ni ate sayo.."
"Ate,ano ba yan puro kay bunso na lang kami wala ba?.."
"Siyempre meron din para sa inyo.."
Pagtingin namin sa pinto nandun din pala si nanay..
"Anak..pasensiya na kayo ngayon lang ako nakauwi.."
Nakatingin lang kami sa kanyang magkakapatid..mga bata pa sila pero parang may nararamdaman na din silang galit kay nanay,
"Bunso,pupunta na ko sa palengke,iiwan ko kay ate Ericka ang pagkain mo ha.."tumayo na ko para makabalik sa palengke..
"Anak,Jelai.."
"Nay,wag kayong mag alala..magiging masaya na ang mga kapatid ko kahit paminsan minsan ka na lang nila nakikita"
Mula kasi nung mangyari na sugurin siya ni Aling Martha sa bahay lalo na siyang hindi nag uuuwi..dati nagtitinda pa siya pero ngayon hindi na..parang mas lumala pa siya..
Si Von,kahit napakasakit sa akin tuwing maaalala ko siya,pero kinakaya ko,kailangan kong kayanin..mag iisang taon na siya,uuwi na siya ilang araw na lang..siguro kung kami pa,dito siya kaagad didiretso,siguro yayakapin niya ko..
Aah,kaya ayoko siyang naalala e,iiyak lang ako..
"Naku,Lumen!ayaw kasi pauwiin ng girlfriend niya si Von ko..kaya mag eextend pa ulit siya dun,dun na din siya maghahanap ng trabaho!..
Talagang isinisigaw pa yun ng nanay ni Von sa may tabi ko ha..pero okay na din sa akin,kasi nalalaman ko kung ano na ngang nangyayari sa kanya don,sana naka move on na siya..
Pero bakit kumikirot ang dibdib ko pag naiisip kong nakamove on na siya..
Ako pala muna ang dapat mag move on..
Pero pano ka ba magmomove on sa taong una mong minahal,sa taong unang nagturo sayo kung paano ang mahalin..ang first kiss mo,ang first holding hands mo,ang first..
"Huy!.."
"Jordan!ano ka ba?..ano na namang ginagawa mo dito?.."
"Binibisita ka!..!
"Ako o si Ericka..umayos ka Jordan kung ayaw mong makatikim ng hindi mo pa natitikman.."
"Super protective naman neto..may news ako sa yo,ewan ko lang kung good o bad.."
"Ano yun?.."
"Yung ex mahal mo,nag extend pala ng 1 year,good o bad?"
"Good at bad.."
"Pareho?.."
"Good kasi mas mahihirapan akong kalimutan siya kung nandito siya.."
"At bad?.."
"Bad?wala kasi miss ko na siya gustong gusto ko na siyang makita..kahit hindi ko siya malapitan,basta makita ko lang siya..
Kung hindi kaya ako nakipagbreak sa kanya?..uuwi na kaya siya?..siguro,kasi sabi niya miss na miss na niya ko..pero bakit ganun..
"Huy,nawala ka na naman sa sarili mo..Mahal mo pa kasi bat ka nakipagbreak?wala ka namang kasalanan sa kanya ah,bat di mo tinesting kung anong magiging reaksyon niya pag nalaman.."
"Hindi na kailangan,wala na akong mukhang ihaharap sa kanya.."
************************************
Try niyo din pong basahin THIS BADBOY IS INLOVE WITH YOU..by imcindygirl...Thank you po!!hope you enjoy reading my stories!!
BINABASA MO ANG
Waiting for Your Love{completed}
Roman d'amour"Kahit Paulit ulit mo akong saktan; Hihintayin kong bumalik ang iyong pagmamahal..Kasi Mahal kita.. Mahal na Mahal kita Von.." ♡Jelai