Waiting for Your Love
by:imcindygirlTanaw na tanaw ko si Jelai habang nagtatrabaho siya nasa isang sulok ako nung coffee shop na lagi kong pinupuntahan,dito ang tambayan ko habang nag aaral at nagbabasa ng libro..kung akala nila, si Jelai ang stalker ko,hindi nila alam mas stalker ako ni Jelai..pero hindi ko nga pwedeng ipagtapat sa kanya diba?..
Nakita kong may lalaking lumapit sa kanya,normal lang naman yun kasi isang sikat na foodchain ang pinapasukan niya,kitang kita ko ng ngitian siya ng pagkatamis tamis nung lalaki,si Jelai din naman..ang ganda ng ngiti,parang nagpapacute pa..
Mabilis kong nilagok yung kaharap kong ice coffee,
"Akala ko ba?ako lang talaga ang gusto mo?.."
"Sir?"
Napalakas yata ang pagkakasabi ko,umiling lang ako dun sa babae..ngumiti naman siya saka umalis na..Bakit ganito para akong kinabahan..o,baka nagselos lang ako..selos?bat naman ako magseselos?bakit ba kay miguel,wala akong nararamdamang pagseselos?..kasi alam ko namang hinding hindi siya magugustuhan ni jelai..
Hanggang makauwi si jelai,sinusubaybayan ko siya,minsan na akong nahuli ni Dexter sa ginagawa ko kaya kahit pa anong deny ko sa kanya about my feelings kay jelai,hinding hindi siya maniniwala..ewan ko nga ba,bakit ko ginagawa ito..para na nga akong tanga,hindi ko siya pinapansin sa school pero inistalk ko naman siya..
Umagang umaga may nagkakagulo,pagkarating ko kasi sa school sa classroom na ako dumidiretso..napatingin ako sa labas..pilit kong sinisilip kahit nakaupo ako yung mga nagkakagulo..
"Von!.."
Si Bingo,hinihingal pa sa pagtakbo..umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko..
"Ano ba yon?may nangyari ba?.."
"Tol,wag kang magugulat ha..si.."
"umayos ka nga!ano ba yon!!.."
"Tol!si Jelai!hanep!ang ganda ng kotse nung naghatid sa kanya!"si dexter habang hinihingal din,sa pagkekwento..hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko,siya kaya yung lalaking kausap niya kahapon..
"Ang gwapo pa!grabe talaga si jelai!!.."
"Ang swerte naman ni jelai,siya talaga ang type ni Jordan Sandejas.."
Lahat ng papasok sa classroom siya ang topic,buti nalang ng time na,pumasok na si jelai sa classroom..lahat sa kanya nakatingin e..so kaya pala hindi niya ko sinalubong sa gate kanina,nahuli ko siya ng tingin,sabay ngiti sa akin..hindi ko pinansin,umupo na siya sa pwesto niya..
"Tol,ano wala ka bang gagawin?mauunahan ka na,matinik yang si jordan sa babae.."
Wala akong masabi kasi ayaw gumana ng utak ko ngayon..
"Tol,double dead na ang chicken mo.."
Tiningnan ko nga yung plato ko,aba durog na durog na nga yung chicken na ulam ko,lunch break kasi,nasa canteen kami..parang giniling na yung manok ko ah..ganito ako ka affected?..
"Von!nandyan ka pala!"si jelai ngiting ngiti pa,dala dala niya yung pagkain niya na nasa tray..nagtinginan yung dalawa kong katabi..tumabi siya sa akin..medyo umusad naman ako palayo,
"Tol!tapos na kami,una na kami ha!..sabay takbo palabas ni Dexter at ni Bingo,kaya kaming dalawa ang natira sa table..
"Umiiyak si miguel,i think nabasted na siya,"sabi ko,kahit hindi naman totoo,para lang mahuli ko kung gusto niya ba talaga yung lalaking naghatid sa kanya..
"Matagal ko nang binasted yun,hindi na yun iiyak.."sabi niya na nakangiti pa rin..
"Gusto mo ba siya?.."
"Huh?!"nagulat siya sa tanong ko..
"Si miguel?
"Yung lalaking naghatid sayo..,"
"Aahh,si Jordan?..nagseselos ka ba?yiih..nagseselos siya.."
"Umayos ka nga anjelika!babaero yun,sinasabihan lang kita!.."
"Tssk,sabihin mo muna nagseselos ka,babastedin ko na siya..ano!nagseselos ka!..sige na..aminin mo na..!"
Panay lang ang iling ko,si jelai talaga,pano ko naman aaminin sa kanya na nagseselos nga ako?lalo tuloy akong nahihiya eh..masyado siyang bulgar,parang hindi nagseseryoso..
*************
BINABASA MO ANG
Waiting for Your Love{completed}
Romance"Kahit Paulit ulit mo akong saktan; Hihintayin kong bumalik ang iyong pagmamahal..Kasi Mahal kita.. Mahal na Mahal kita Von.." ♡Jelai