"Jelai!..""Jordan!..napadalaw ka?.."
"Masama na ba ngayon akong dumalaw dito kasi may nambasted sa kin sa school na to?"
"Sira!ikaw talaga magkaibigan tayo..kaya okay lang na pumunta ka dito..may bago ka sigurong prospect dito noh!"
Kumain kami nina Jordan sa canteen,kasabay naman namin sina Barbie at Lhea..si Von naman may meeting sa kabilang school dahil sa club niyang sinalihan..
Text na ko ng text kay Von,hindi pa rin siya sumasagot..kinakabahan na nga ako eh,takot naman akong pumunta sa kanila,baka magkita kami ng mommy niya..hindi tuloy ako nakatulog..
Kinabukasan inabangan ko siya sa gate ng school wala rin,kainis..nasan na kaya siya..
"Uy,Jelai!andun na sa room si Von ah,siya ba hinihintay mo?.."
Hindi nako nakapagpasalamat kay Romar classmate din namin siya,nanakbo na ko sa room..
"Von!..ayan na naman siya parang nung hindi pa kami,deadma lang..nakayuko siya at nagsusulat..tumayo siya at nilagpasan ako,
Teka lang,hindi kaya natauhan na siya?dapat pala nilagyan ko siya ng helmet..naumpog yata..Von ko..Hindi to pwede noh..ako si Jelai,lahat ng problema hinaharap ko,pag hindi ko to hinarap papalitan ko na pangalan ko..ano na nga lang kaya pangalan ko?..
Ay,shete..si Von pala dapat iniisip ko,takbo na naman ako,sa restroom lang naman yun pupunta..mapasok nga,ay hindi pala aabangan ko lang dito sa labas..
Hindi nga ako nagkamali,ayan na siya..humarang ako sa dadaanan niya..umiwas pa nga e,sige para kaming nag papatintero,nakadipa ang kamay ko siya naman hindi alam kung saan lulusot..
"Hindi kita padadaanin hangga't hindi mo sinasabi kung anong problema!"
Tumingin lang siya sa akin..
"Padaanin mo ko!."
"Hinde!"
"Dun ka na lang kay Jordan!di ba ang saya saya mo nga nung wala ako!magsama kayong dalawa!"
"So,yun ang problema..nagseselos ka!hindi mo ba alam kung anong naramdaman ko,nung hindi ka man lang nagtetext!akala ko kung ano nang nangyari sayo!tapos ngayon inuuna mo yung pagseselos mo!"
"E,ikaw naalala mo ba ko nung nakikipagharutan kay Jordan!
Padaanin mo na ko!time na!"Galit talaga!ganun siyang magselos,alam ko naman na nagseselos talaga yan kay Jordan at lagi niya sa aking sinasabi na wag na wag akong didikit dun kay Jordan..anong gagawin ko,wala namang pinakita sa aking masama yung tao..
"Waah!!3 days,2 nights at 8 hours na niya kong iniiwasan!!..hindi ko na kaya to..magpapakamatay na ko!"
kaharap ko si Lhea at si Barbie ngayon, nandito kami sa likod ng room,habang si Von kitang kita ko nakikipaglandian kay Ariang pokpok..magkatabi pa talaga sila..
"Friend,nakakabingi ka na,ang oa mo..3days and 2nights?kulang na lang pati minutes at seconds bilangin mo.."
"3600 minutes and 216,000 seconds.."
"Binilang nga?!.."sabay pa yung dalawa..
"Alam mo,ayan lang oh,gusto mo ba maagaw sayo ni Aria yang boyfriend mo,kilos kilos din kasi.."
"Tama kayo!hindi ako papayag na hindi kami magkabati ngayon..baka halikan niya si Von ko!akin lang ang lips ni Von!..
"Manyak!.."
"Tse,Diyan na kayo!humanda ka sa kin Aria.."
Lumapit ako sa pwesto nila,nagkekwentuhan sila eh..kinalabit ko si Aria,si Von naman nakatingin lang sa kin..
"Ano bang problema mo Jelai!"sigaw ni Ariang pokpok..kalabit kasi ako ng kalabit
"Ikaw ang problema ko,kaya pag hindi ka umalis sa tabi ng boyfriend ko,mamaya may problema na yang mukha mo.."
Nagmamartsa siyang umalis..
"Gusto mo ng baton?para kang majorrette e!"sigaw ko pa kay aria,ang arteng lumakad e,
Hinarap ko naman si Von ko.."Ikaw!anong plano mo!makikipaglandian ka nalang ba sa ibang babae?!"nagtinginan na tuloy lahat ng classmate namin,sumisigaw na kaya ako,si Von naman nakatunganga lang sa akin.."Makikipagbreak ka na ba sa kin?!akala mo naman papayag ako!"
Dahil nakaupo siya at nakatayo ako,madali kong nahila yung kwelyo ng polo niya..hinalikan ko siya,sa gitna ng mga classmates namin..nung una nagulat siya,pero mayamaya mas diniinan na niya yung paghalik..
Kanya kanyang sigawan yung mga kaklase namin,vacant kasi..buti walang teacher..matagal bago ako itinulak ni Von..
"Gusto mo bang masuspend tayo?!"
Ngayon niya lang naalala,nasarapan na nga siya..
Hinila na naman niya ako,dun sa dati laboratory ata ang katabi nun,madalang lang ang napuntang tao..Nakasandal na naman ako sa pader..siya nakatukod yung dalawang kamay sa pader sa likod ko..
"I miss you,Angel.."halos bulong na lang yun..
"Hindi ka na galit sa kin?.."
Umiling siya,
"Sorry,nagpapakipot lang ako..babatiin naman na talaga kita,nag papamiss lang ako sayo,kasi miss na miss n kita e.."
"Natiis mo nga ko ng ilang araw..alam mo ba yon!hindi mo ko hinatid,hindi mo ko sinundo!tapos panay ang pakikipaglandian mo sa pokpok na yun!.."
"Akala mo lang yon..pero nandun ako sa likod mo,hinahatid at sinusundo kita..at si Aria?wala yun.."
"Weh,di nga"
"Cross my heart!hindi kita pababayaang maglakad mag isa,baka may humarang sayo,basta ka na lang halikan..e,di naagawan pa ko!"
"Ganon?miss mo ang kiss ko?"..
Ngumiti siya saka tumango,kinawit ko yung kamay ko sa leeg niya,habang nasa bewang ko ang kamay niya..hinalikan ko siya,tatlong araw kaya akong hindi nakahalik susulitin ko na naman ngayon..
BINABASA MO ANG
Waiting for Your Love{completed}
Dragoste"Kahit Paulit ulit mo akong saktan; Hihintayin kong bumalik ang iyong pagmamahal..Kasi Mahal kita.. Mahal na Mahal kita Von.." ♡Jelai