chapter 17

19 0 0
                                    


"Nay!bakit?anong nangyayari kay bunso!..

Inabutan ko kasi silang nagkakagulo,si Ericka at si Maricka umiiyak sa tabi ni Lyka yung bunso namin..

"Nay!tulungan niyo ko dali dalhin natin siya sa ospital.."

Nakatawag naman kami ng tricycle at tinulungan na rin kami para maipasok sa emergency

Sabi ng doktor yung panghihina daw at pagsakit ng mga buto ni Lyka ay magagawan pa ng paraan kaya lang lifetime daw ang gamutan..naconfine si Lyka,at ayaw palabasin dahil kailangan daw ng gamot tuwing sasakit yung mga buto niya..

"Ate,hindi ka na mag eenroll ng 2nd sem?.."

"Ericka,kailangan ko ng magtrabaho..paano na si bunso kung mag aaral pa ko..kayo na muna ni Maricka ang mag aral makakapag patuloy pa din naman ako.."

"Ate,gusto mo magtrabaho na din kami?.."sabi ni Maricka

"Kaya na to ni ate..si Jelai ang ate mo diba..at si ate Jelai,walang inaatrasan.."

Inumpisahan ko na nga ang paghahanap ng trabaho,pero ang hirap kasi malalayo,hindi ako pwedeng lumayo dahil alam ko hindi siya masyadong maiintindi ni nanay,kailangang nandito ako para umasikaso sa kanya..

"Jelai!bat hindi na lang kaya ikaw ang mamuhunan dito,bakante tong pwesto na to..pwede kang magtinda ng mga karne.."nang minsang mamalengke kami

"Oo nga te,bakit hindi?malaki ang kita dito diba?.."

May ipon nga ako kahit konti,saka yung pampalit ko sana sa pera ni Von..ipupuhunan ko muna..
Si Von!sa dami ng problema ko,nakalimutan ko na siya..

Kinuha ko yung laptop pero lowbat,pati phone ko lowbat..si Von ko kumusta na kaya..

Inasikaso ko na nga kaagad yung mga kakailanganin para makuha ko yung pwesto,ilang araw lang nakapagtinda na ko dito sa palengke,nakausap ko na ang magdedeliver ng paninda ko..tinulungan naman ako ng mga tindera dito..

Nakalabas na din naman si Lyka sa Ospital makalipas ang halos dalawang linggo..okay na din naman ako,malaki nga ang kinikita sa ganito,mas madali akong makakaipon para sa isang taon makapag aral ulit ako..

"Angel!..

"Von!sorry...pasensiya na marami lang talaga akong ginagawa ngayon.."

"Kaya nakakalimutan mo nako..kahit phone mo hindi ko makontak.."
Halata ko nagtatampo siya,ilang linggo ko ba naman siyang hindi nakausap,nawalan talaga ako ng panahon na umuwi ng bahay..pag umuwi naman tulog na agad..

"Angel..hindi mo na ba ko namimiss?.."

"Von,galit ka na ba?..sorry na ha.."

"Nag alala lang ako sayo,akala ko kung ano na nangyari,okay ka lang ba?.."

Tumango ako,kung nandito lang sana si Von..
"Angel..umiiyak ka ba..?"

"Miss na miss na lang kita..miss na miss na kita Von.."

"Sssh..angel..lalo ko na tuloy gustong umuwi diyan eh..ambagal kasi ng panahon..inip na inip na din ako..konti na lang angel ha..uuwi na din ako.."

"I love you angel..mahal na mahal kita..tandaan mo yan ha.."

"I love you Von ko..miss na miss na kita.."

Yun na naman ang huli naming pag uusap,hindi ko naman nabigyan ng panahon si Von,saka kasi sobrang namimiss ko siya pag nakausap ko siya buti pa pag hindi kami nagkakausap..

"Jelai!.."

"Jordan!Jordan kumusta ka na?!.."

"Ano pa di eto malungkot..wala ang inspirasyon ko..dito ka pala ngayon.."

"Bakit ka naman nakarating dito,mahihirap lang ang pumupunta dito.."

Mula nga noon lagi nang nakatambay dito sa tindahan ko sa Jordan,pero kaibigan na lang talaga kami hindi na lalampas dun,araw araw ngang dito tumatambay sa palengke si Jordan..may pinagtataguan palang mga babae,dahil sosyal ang mga yon,hindi makakarating sa palengke..kaya ayun ginawa nang tambayan ang pwesto ko..

"Bakit nga ba hindi mo ko nagustuhan Jelai?.."ayan na naman si Jordan pag walang magawa kung ano ano sinasabi..

"E,kasi nga marunong pumili si ate ng hindi babaero!"si Ericka dumating galing sa bahay,pinatitingnan ko kasi ng madalas si Bunso..

"Sus,pano niya nasiguro na hindi mambabae yung syota niya dun,sigurado ko meron na din yung iba dun.."

"Luko luko ka Jordan no!ituturo kita sa mga pinagtataguan mo!.."

Habang masaya pa kaming naghaharutan biglang dumating yung mommy ni Von..dun naman siya sa katabi kong pwesto nagsasalita pero halatang ipinaririnig sa akin..

"Ang anak ko?..naku!may girlfriend na siya dung bago..ang ganda!hayaan niyo pag dumating ipakikilala ko sa inyo!"

"Sus,martha!ipinaririnig mo lang kay Jelai eh..wag kang mag alala si Jelai ang magiging manugang mo!.."

Kita kong galit na galit siya, pairap pa siya ng dumaan sa harapan ko..

"See?may iba na dun ang boyfriend mo.."sabi ni Jordan

"Mahal ako nun,kaya hindi yun gagaya sa yo!"

"Palagay mo,gumagawa lang ng kwento yung mommy niya?"

"Oo,kasi ayaw nun kay ate.."

Kahit papano tinatablan din ako sa sinasabi ng mommy ni Von,minsan kinakabahan din ako,pero mas dapat akong magtiwala ako kay Von,alam ko hindi niya yun gagawin..

Madalas na pumupunta si Aling Martha sa palengke,para lang iparinig sa akin na ganun,kesyo may kasama daw na babae si Von sa bahay..

Minsan nga may mga pictures pa sa cellphone ipinangangalandakan na may magandang girlfriend si Von..

Waiting for Your Love{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon