Chapter8

28 0 0
                                    

"Ano?kala ko ba ayaw mo kay Jordan?..

"Ayoko nga,bakit sinabi ko bang gusto ko siya?.."

"Bat sasagutin mo?.."

"Kunwari nga lang,itsichismis niyo lang para makarating diyan sa mayabang na Von na yon,na sinagot ko na si Jordan.."

"Hahaha!!dami kong tawa sayo,Jelai!.."

"Bakit!nagpapatawa ba ko!chaka doll!.."

"So,pagseselosin mo si Von?.."
Buti pa si Lhea seryoso e,itong si chaka,sarap kutusan.

"Hahaha!feeling mo magseselos si Von..e,wala ngang gusto sa yo yun.."

"Akala ko pa naman kampi na tayo Lhea..kakainis ka.."

Pero siyempre ako pa rin ang nanalo,itsitsismis nila na sinagot ko na si Jordan,hanggang makarating kay Von ang balita..
Ano kayang sasabihin niya,hmmp..

Nakita ko si Von naglalakad patungo sa classroom siyempre likod pa lang niya kilala ko na,
Binilisan ko ang lakad,hanggang malampasan ko siya..pero hindi pa ko nakakalayo,hinila niya ang braso ko..napangiti ako,eto na yata..

Pero paglingon ko,binitawan niya ang braso ko saka mabilis akong nilampasan..
Waah!kala ko ayun na eh,kakainis talaga siya..

Flashback

"Jelai!talaga bang sinagot mo na si Jordan?tanong ni Dexter nung pagkatapos akong haranahin ni jordan sa gym..

"Ano naman ngayon senyo?tuwang tuwa nga lalo yang bestfriend mo eh..mawawala na stalker niya.."

"Nalulungkot nga eh..ang tanga mo talaga jelai..gusto ka non,pakipot lang!.."

"Huh,ano!Dexter!"

Sinabayan niya ng takbo,sira ulo to ah..totoo kaya yun?..

End of flashback

Kaya ngayon kailangan ko siyang mapaamin,
Lahat gagawin ko mapaamin ko lang siya..

Nandito ako ngayon sa fastfood na pinagtatrabahuhan ko,nakakainis kasi ang daming tao,hindi ko pa nagagawa ang assignment ko..hindi pa ko nakakapagplano ng gagawin ko para mapaamin ko si Von.

Puro na lang si Von,pero siya lang naman ang kaligayahan ko e,pag kaharap ko siya nakakalimutan ko talaga lahat ng problema ko..

Nasa rooftop kami ng school ngayon,ewan ko ba tong si barbie,kailangan dito talaga kami magmeeting..

"Chaka doll,ano bang problema?bat kailangan dito tayo magkita kita.."

"Wala masaya dito diba?..

"Chaka,mangogopya ka lang dito mo pa gusto..alam naman ng mga teachers na nangopya ka lang kahit hindi mo na itago.."

"Tanan!!.."
Ang chaka ang daming dalang chocolates..favorite bonding namin tong tatlo..ang kumain ng maraming chocolates..
Nasa abroad ang nanay at tatay niyan kaya lagi kaming maraming chocolates..

"Huhhm,may silbi ka din talaga barbie doll.."

"Yan ang gusto ko pag kaharap niyo ang chocolates,nagiging barbie ako sa paningin niyo..hahahha.."

"Tama!..

Hinagis ni Barbie yung isang chocolate,bakit ba kasi sumabit dun sa gilid ng rooftop..sinilip ko yung binagsakan,ang taas kaya..

"Ay,jelai nahulog kunin mo naman,.."

"Ano?mamaya nahulog pa ko diyan.."

"Sige na jelai kaya mo yan,go!.."
Kahit ayoko,napasunod pa din ako ewan ko sa dalawang to..
Kaya ayun nakatuwad ako,yung kalahati ng katawan ko nakalawit na..bat andaming tao sa baba?..dumadami pa yung tao..

"Jelai!wag mong gawin yan!nandito lang kami para sayo!..
Teka nga ang dalawang bruha kong kaibigan nasa baba na din..
May dala na silang megaphone anong nangyayari?..

"Anjelika!!

"Huh!si Von yun ah..nandun din siya?hawak niya ngayon ang megaphone..

"Anjelika!dahil ba sa akin,kaya mo ginagawa yan?..wag mo namang gawin yan anjelika!..

Ano daw?dahil sa kanya?ano ba!akala ba nila magpapakamatay ako,ano ba yan maaabot ko na eh,konti na lang..
Lalo kong inilabas ang kalahati ng katawan ko..

"Anjelika!!Oo na!Sige na!!Aaminin ko na!Mahal din kita!!"

Ano daw?tatayo na sana ko eh..pero tuloy pa din siya sa sinasabi niya..

"Kahit ayaw ni mommy sa yo!kahit ayoko pa kasi gusto ko pag kaya na kitang ipaglaban sa kanila saka ko na sasabihin sayo!!pero...pero wag mo namang gawin yan! Anjelika,mahal na mahal kita!

"Waah!!mahal niya ko!!mahal niya ko!!

"Jelai!!.."

Nagsigawan yung mga estudyante sa baba,lalo na kasi akong muntik mahulog,bigla kasi akong tumayo,gusto gusto ko na kasing puntahan si Von..baka magbago pa ang isip niya..

"Anjelika!.."

"Von!!..

Saktong nakaalis ako sa gilid nung rooftop,nakaakyat na si Von,niyakap ko agad siya..mukha na nga siyang maiiyak eh..

"Anjelika,bat mo ba ginawa yan,hindi mo ba alam kung gano akong natakot!"

"Von,totoo ba yon?..mahal mo na ko talaga?sinabi mo na yan wala ng bawian ha!!..

Tango lang siya ng tango,habang napakahigpit ng yakap niya..ipit na ipit na nga yung katawan ko,pero ayokong magreklamo,kasi kaytagal kong hinintay itong araw na yakapin niya ko..parang nanginginig pa nga siya,natakot talaga siya..

"Von?..hindi naman ako magpapakamatay eh..

"Ha?.."

"Bat ako magpapakamatay?kailangan ako ng mga kapatid ko,saka gusto pa kitang makita ng matagal.."

Tinanggal niya yung pagkayakap niya sa akin,saka ako ihinarap sa kanya habang nakahawak siya sa magkabila kong balikat.

"Hindi ka magpapakamatay?.."

Umiling ako..

"Kinukuha ko lang yung chocolate na nalaglag.."

Waiting for Your Love{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon