chapter 26

14 0 0
                                    


Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mata ko,bukas kasi ang bintana sa kwarto ng ospital..pinilit kong bumangon pero masakit pa ang likod ko..

"Angel,san ka pupunta.."

"Von??.."

saka niya ako inalalayan,ako naman nakatitig lang sa kanya,anong nangyayari?nandito ba talaga siya?..

"Anong ginagawa mo dito?!!"

"Sorry,ako naman talaga ang may kasalanan kaya ka naospital,kargo kita,kaya dapat na ako talaga ang magbantay sayo.."

Yun nga pala ang dahilan,siya ang nakabundol sa akin,tama..siya nga dapat ang mahirapan..bakit jelai,ano bang iniisip mo bakit ka niya babantayan..may iba pa bang dahilan?..

Hinila ko yung braso ko na hawak niya..

"Kaya ko na..wag kang mag alala hindi ako magdedemanda..kaya pwede ka ng umuwi.."

Mukhang hindi niya naman pinansin yung sinabi ko,hinawakan niya ulit ako saka ako inalalayan para makababa sa kama..

"Sabi ko okay na ko,papupuntahin ko na lang si Ericka kung kailangan ko ng tulong.."

Hindi naman siya bumitiw sa akin hanggang makarating ako sa cr..pero paglabas ko nakaabang pa rin siya sa pinto at inalalayan ako hangang makaupo sa kama ko..

"Hindi mo ba ko naririnig.."

"Naririnig..pero ayokong umalis.."Sagot niya ng hindi man lang tumitingin sa akin

Kumuha siya ng prutas sa lalagyan saka binalatan,at inabot sa akin..

"Gusto kong bantayan ka,kaya kahit anong sabihin mo..hindi mo ko mapapaalis.."

Mukha ngang desidido na siya..bahala siya sa buhay niya..okay..hindi daw siya aalis ha..

"Fine!ayaw mong umalis,kasi naguiguilty ka..okay..abot mo sa kin yung libro na yon.."mabilis naman niyang inabot sa akin yung libro..

Inayos niya yung unan ko,para maayos ang pwesto ko..

"Nagugutom ako..may pagkain ba?.."

Tumayo siya saka naghanap..

"Sandali lang angel,bibili ako..wag kang aalis diyan ha.."saka nagmamadaling tumakbo palabas..

Parang nakahinga ako ng maluwag nung mawala siya,bakit ba kasi ganito ang epekto ng presensiya niya sa akin,naiinis na talaga ako sa sarili ko,Jelai,makisama ka..kaya lang siya nandito out of guilt..nagiguilty siya yun lang..

Nakapikit ako ng maramdaman kong bumalik na siya..

Umupo siya sa tabi ng kama ko,saka hinaplos haplos ang noo ko..gusto ko ng magmulat,pero parang may nag uutos pa sa akin na wag muna..patuloy lang naman siya sa paghaplos ng noo ko,hinahawi yung buhok na tumatabing sa mukha ko..

Antanga ko lang,naghihintay ba ko na may sabihin siya?..bigla akong bumalikwas,naupo ako saka sumandal sa headboard ng kama,nakasunod lang naman siya ng tingin na parang gulat na gulat..

"Angel,ano?okay ka lang ba?may masakit ba sayo?"

Hindi ko na lang siya pinansin,pumikit na lang ako..

Wala ba talagang planong umalis ang lalaking ito,hindi niya ba alam na nahihirapan ako?nahihirapan akong pigilan ang nararamdaman ko,pag nandito siya..nakarinig kami ng katok sa pinto,kaya sabay kaming napatingin..

Si Jordan!!para akong nabuhayan ng loob at nakakita ng kakampi ng dumating siya..parang gusto ko ng tumalon sa kama para lang salubungin siya..

"Hey!ganon mo ba ako sobrang namiss?.."sabi ni Jordan habang maagap niya akong nahawakan para wag na akong umalis sa pwesto ko..

Lumapit si Von,at inayos ulit yung unan ko,kunot na kunot ang noo..

"Halika,angel ipapasyal kita sa labas.."sabay naman kami ni Von na napalingon,hindi naman ako tinatawag na angel niyang si Jordan,alam ko na naman ang balak niyan..akmang aabutin ni Jordan ang kamay ko para alalayan makababa,biglang sumingit si Von,saka ako inalalayan..

"Bilisan niyo lang,kasi kailangan pa siyang maexamine kung ok na,para makalabas na siya bukas!"sabi ni Von na hindi tumitingin sa aming dalawa ni Jordan..

Sa rooftop kami tumuloy,tanaw ko ang buong subdivision dito sa tabi ng hospital,

"Ano,Angel?okay ba?.."nakangiting tanong ni Jordan..

"Anong okay ba?at saka tigilan mo nga yang kaka Angel mo.."

"Halatang halata naman kasi na nagselos yung tumatawag sayo ng Angel,bakit siya lang ba may karapatan tumawag ng Angel?.."

"Sabi na nga ba,pinapagselos mo siya, hindi yun magseselos kasi may iba na yon.."

"Hindi nga kaya?..halata pa kayang nagseselos siya.."

"Jordan..ewan ko..basta naguguluhan ako.."

"Naguguluhan ka kapag andiyan siya?kasi nga mahal mo.."

"Ayoko na siyang mahalin ulit eh,maraming conflict alam mo na yon,gusto ko ng mag move on,pero sa ginagawa niya,hindi nakakatulong sa akin.."

"Mahal ka pa niya..lalaki din ako..at alam ko kung bakit niya yan ginagawa ngayon..feeling ko gusto ka niyang suyuin.."

"Jordan.."

"Mahal ka niya,Mahal mo siya,bakit ba kailangang maging komplikado,basta ako goodboy na ko hindi kami magiging komplikado,,"

Sabay hampas ko ng malakas sa braso niya,

"Aray,Jelai!!pasyente ka ba talaga?ang lakas ng braso mo eh.."

"Pag niloko mo si Ericka,hindi lang yan ang matitikman mo!!"saka siya lumapit at yumakap sa akin..

"Ate naman,siyempre love din kita pero mas love ko si Ericka.."

"Ano?!hindi pa ba tapos ang date niyo dito sa rooftop!!"

Si Von,nakatayo na pala sa likod namin,nagkatinginan na lang kami ni Jordan..mabilis din naman siyang tumalikod pagkasabi non..

Hinatid lang ako ni Jordan sa kwarto at saka siya nagpaalam na uuwi na..

Lumapit pa sa akin saka bumulong.."nagseselos talaga.."

"Pssshh..sira ka talaga.."magkadikit na yung mukha namin kasi nga nagbubulungan kami

"Akala ko ba aalis ka na Jordan?magpapahinga na siya.."

"Okay,Bye Angel.."ngiting ngiting paalam ni Jordan

Pagkaalis ni Jordan,tumahimik na ang kwarto,walang nagsasalita kahit isa sa amin,kinuha ko na lang yung librong binabasa ko kanina..

Pero habang nagbabasa ako nakikita ko sa gilid ng mata ko si Von,palakad lakad.."ano bang problema niya?.."hindi naman na din ako makapagconcentrate sa binabasa ko kasi nga para siyang pusang di maihi..

"Angel..."nagulat pa ako nang bigla siyang umikot pabalik,habang sinusundan ko siya ng tingin..

"Angel.."Lumapit pa siyang lalo sa kamang kinauupuan ko..

"Angel,nahihirapan na talaga ako.."

Waiting for Your Love{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon