Chapter 34

10 0 0
                                    

"Maaring matagalan o baka hindi na siya makalakad."

"Maaaring matagalan o baka hindi na siya makalakad"

Umeecho sa isip ko ang sinabi ng doctor.Nagising ako na nasa ospital na ako..

"Thank you Lord,ibinalik niyo po ako ng buhay sa pamilya ko.."

Si Angel ang una kong natanaw,may mga inaayos siyang gamit.
Napangiti ako..Siguradong matutuwa siya pag nakita niyang gising na ako.
Magpaparamdam na sana ako na gising na ako..nang pumasok ang doktor.

Paulit ulit kong naaalala ang sinabi niya,habang buhay na lang ba akong magiging imbalido?

Ayokong maging alagain habang buhay..dahan dahan kong inangat ang paa ko..habang patuloy sa pag iyak si mommy pati ang mahinang paghikbi ni Angel.
Manhid na manhid ang paa ko..ni hindi ko kayang igalaw.
Hinayaan kong tumulo na lang ang luha ko..

Pagkaalis ng doktor..patuloy silang dalawa sa pag iyak.habang hindi nila alam na gising na ako at kasabay nilang umiiyak.

Nakita ko kung paano inasikaso ni Jelai si Mommy.natutuwa ako dapat sa nakikita ko,hindi pinapaalis ni mommy si Jelai?nagkasundo ba sila habang wala akong malay?
Pinapahinga niya si mommy sa isang malaking sofabed sa gilid nung kwarto.,

Mayamaya naramdaman ko na si Jelai sa tabi ko,hinila niya ang isang upuan saka niya inabot ang pisngi ko at hinalikan.umupo ulit siya sa tabi ko,kinuha niya ang isa kong kamay saka niya ulit hinaplos haplos ang noo ko.ramdam ko kung gaano niya talaga ako kamahal.

"Mahal na mahal kita,Angel..kaya hindi kita maaring itali at mahirapan sa akin habang buhay.."

"Von?Von!gising ka na!!"

Nakamulat na nga ako,gusto kong ipaalam sa kanila na gising na ako.mabilis na tumakbo si Mommy palapit sa akin..

"Anak!gising ka na nga!!Jelai,tumawag ka ng doktor dali!!"

Nagmamadaling lumabas si Jelai..sandali lang naman may kasama na siyang doktor nung bumalik siya..
Lumapit siya sa akin ng nakangiti..
Kung pwede lang,kung pwede ko lang siya yakapin..yun ang gustong gusto kong gawin ngayon.

"Dok,gising na siya pero bakit parang hindi po siya umiimik?"

"Maaring dala lang yan ng dinanas niyang trahedya..pero dahil gising na siya,mas malaki ang tsansa na maging okay na siya.."

"Salamat po,dok..maililipat na po namin siya sa maynila.."

"Von...buti naman gising ka na..alam mo bang ang saya saya ko kasi gising ka na..sobra akong natakot kasi kasi mag iisang buwan ka ng hindi gumigising.."

Mag iisang buwan na pala akong tulog.kaya pala miss na miss ko na siya..angel,kung alam mo lang mahihirapan ako sa gagawin ko,sasaktan kita.pero hindi magiging kasintagal,kung mananatili ka sa tabi ko..

"Mommy!!"sigaw ko pero hindi ako lumilingon kay Angel.

"Von!anak..nakakapagsalita ka na.."

"Mom,sino siya?"sabay tingin ko kay Angel.nakita ko ang pagkagulat niya.

"Von?si Jelai..girlfriend mo siya.."

Ngumiti ako na parang nang iinis..sorry angel..

"Wala akong girlfriend mom..wala akong natatandaan na may girlfriend ako.."

"Von..anak.."

"Ahh,Aling Martha..okay lang po,wag na po muna natin siyang pilitin baka mahirapan ang utak niya..saka totoo naman po na hindi na kami.."

"Paalisin niyo na siya mom..ayoko ng maraming tao sa kwarto."

Lalong naging malungkot ang mukha niya,kitang kita ko kung paano siyang nasasaktan.tama lang yan Jelai,masaktan ka..para iwan mo na ako..

"Aalis na po muna ako.."

Nakita ko pang hinabol ni mommy si Jelai nung malapit na siya sa pinto.

"Uuwi ka na ba ngayon sa maynila?"

"Hindi pa po sana,pwede po bang sumabay na ako pag luwas niyo?"

"Oo,naman..sumabay ka na.."

"Mom!pauwiin niyo na siya!kaya ko na ang sarili ko!hindi niyo po ba ako aalagaan?para kailanganin niyo pa ng katulong?!"

"Von..sige na nga Jelai!umuwi ka na muna..sige na.."

Dinig ko ng isarado ni Mommy ang pinto,tanda na umalis na si Jelai.ambigat sa dibdib,pero mabuti pa nga kung hindi na siya babalik..mabuti pa nga kalimutan na niya ako..

Lumuwas nga kami pamaynila sakay ng Ambulansiya.hindi ko na uli nakita si Jelai.sumuko na nga kaya siya?bakit napakasakit sa dibdib ko pag iniisip ko na hindi na nga siya babalik gaya ng sabi ko sa kanya.

Nilingon ko si mommy na galing sa labas.may dala dala siyang prutas.

"Anak..galing kay Jelai..dumaan siya dito bago pumasok sa eskwela."

Parang biglang nabuhay ang dugo ko ng marinig ko ang pangalan ni Jelai.nalilito na talaga ako sa nararamdaman ko,gusto kong lumayo siya pero nasasaktan ako pag hindi ko siya nakikita.

Hindi na rin akong masyadong pinipilit ni mommy,na harapin si Jelai ang alam nga kasi nila meron daw akong sakit,kaya minsan may mga bagay akong hindi naaalala.

Hanggang makalabas na lang ako sa ospital,na ganun..nagigising ako may prutas o kaya ay bulaklak sa tabi ko.galing lagi kay Jelai,araw araw siyang dumadaan bago pumasok sa school.

Maaga pa gising na ako,alam ko ganitong oras dumadaan si Jelai.nakauwi na ako sa bahay ngayon,ewan ko,pero parang naeexcite ako..kahit hindi ko siya tingnan ang mahalaga maramdaman ko ang presence niya.

Mayamaya nga naramdaman kong bumukas ang pinto.nagtulog tulugan ako.ang lakas ng kaba ng dibdib ko.akala ko ilalagay lang niya kung anuman ang dala niya,pero umupo siya sa tabi ko.

"Good morning..Von,sorry kung pinahirapan kita noon..sorry kasi..hindi ko kaagad nasabing mahal pa rin kita..Von,alam mo? nasasaktan ako na.. balewala ako sayo,na.. parang hindi mo ako kilala..pero handa akong maghintay,hanggang maalala mong ako ang Angel mo..hindi ako susuko kasi mahal na mahal kita,alam mo yun diba?mula pa noon,hanggang ngayon..walang magbabago.kaya magpagaling ka na.."

Halatang umiiyak siya dahil sa paputol putol na salita niya..narinig kong lumabas na siya ng kwarto ko.
Nasasaktan ako,awang awa na talaga ako sa kanya.gustong gusto ko na siyang yakapin ng mga oras na yun..

Hindi ko na tuloy alam kung tama pa ba itong ginagawa ko,pero pumapasok pa din sa isip ko na baka habambuhay na niya akong maging pasanin.ayokong mangyari yun.kasi nga mahal ko siya.mahal na mahal ko si Angel.

Waiting for Your Love{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon