chapter 16

22 0 0
                                    


Patuloy lang siya sa paghalik,nagulat pa ako ng bigla akong bumagsak sa kama..pero hindi pa rin siya humihiwalay,bumaba na ang halik niya sa leeg ko,sa balikat,hanggang unti unti na niyang nahubad ang blouse ko..
Hindi ko alam kung paano,basta sumusunod ako sa ginagawa niya..

Alam ko na ang pwedeng mangyari,pero pinabayaan ko lang siya,halos nadadala na nga ako sa ginagawa niya..

"I Love you angel.."
Binubulong niya yun sa pagitan ng paghalik niya..pinabayaan ko na din ang kamay niyang maglakbay sa buong katawan ko..

"I Love you Von.."
Para siyang biglang natauhan nung magsalita ako,tumigil siya sa paghalik sa akin..
Saka siya biglang bumagsak sa tabi ko..

"Im sorry,angel..sabi ko matutulog lang tayo.."

Niyakap niya ko at hinalikan sa noo,saka ako pinaunan sa braso niya..

"Sorry,muntik na kong makalimot,"nakaharap siya sa akin habang iniipit sa tenga ko yung buhok na nakatabing sa mukha ko..

Yumakap na lang ako sa kanya ng mahigpit saka sumubsob sa dibdib niya..

"Angel,mahal na mahal kita..wala na kong ibang mamahalin ikaw lang.."

"Kahit ba maraming maputi dun?.."

"Kahit maghubad pa sila sa harapan ko.."

"Weh,di nga.."

"Ikaw si Jelai diba?at isa lang ang Jelai sa buhay ko..siya ang nag iisang angel ko.."

"Ayaw mo ba talagang ihatid kita sa airport?.."

"Feeling ko kasi,pag nakita kita dun,baka magpaiwan ako sa eroplano,tumakbo ako papunta sayo.."

Hindi ko talaga siya napilit na ihatid ko siya sa airport..
Wala pa yata kaming isang oras na nakatulog,nagkwentuhan nalang kami magdamag,madaling araw ng ihatid ako ni Von sa bahay..baka kasi abutan ako ng mommy niya dun,patay talaga ko..

9 ang flight niya,pero mga 6 nasa bahay na ulit siya..

"Ano to?.."

"Angel,laptop ko yan..para pag mag uusap tayo,tuwing uuwi ka sa bahay,makakausap kaagad kita..angel,mag iingat ka dito ha.."

"Ikaw ang mag iingat dun!..malayo ka sa pamilya mo..at sa nagmamahal sayo"

"I love you angel ko.."

"I love you Von.."

May ilang oras na siyang nakakaalis,pero nandito pa rin ako sa pwesto na pinag iwanan niya..
Nakaalis na kaya yung eroplanong sinasakyan niya?ano na kayang nangyari sa kanya?ano na bang..

Dinampot ko na lang ang mga gamit ko, papasok na lang ako baka mabaliw pa ko dito sa bahay..

Pag uuwi ako ng bahay,tamang tama naman kasi gabi kina Von,kaya nakakapagkwentuhan kami..

"Angel ko,Happy Anniversary.."

"Kainis ka!happy anniversary..miss na miss na kita.."

"Miss na miss na rin po kita,angel ko..pakiss nga.."

Kinuha ko yung laptop saka ko siya ikiniss..

"Wow,sarap..i love you angel!.."

"I love you.."

"Wag ka ng sumimangot..ilang buwan na lang ang hihintayin natin makakauwi na din ako..konting tiis na lang angel ko.."

*******
Miss na miss ko na talaga ang angel ko,lahat nga ng tingnan ko akala ko siya na,nakakainis miss na miss ko nang halikan ang angel ko..

"Von?.."

Tumingin ako sa babaeng nasa harap ko maganda siya,maputi..pero kilala ko ba siya?..

"Janine,ako si Janine..remember nung mga bata pa tayo lagi kami ni mommy sa bahay niyo.."

"Huh,oh..Janine..bakit nandito ka din.."

"Naikwento nga ng mommy mo na nandito ka,3years na ko dito.."

Mula nga noon hindi na humiwalay si Janine,kahit saan siya pumunta niyayaya niya ko,dahil nga matagal na siya dito marami na siyang mga kakilala kahit papano naman,nalilibang ako..

"Di ba ang ganda ni Janine anak?.."

"Mom,may girlfriend na ko.."

"Anak,ayoko sanang sabihin to,pero yang Jelai na yan,panay ang pakikipaglandian sa mga lalaki,kaya wag mo na muna siyang intindihin,mag enjoy ka lang diyan,mag enjoy kayo ni Janine.."

Lagi yang sinasabi ni mommy,pero alam ko sinisiraan lang niya ang angel ko..hinding hindi niya ko ipagpapalit, si Jelai pa..Hindi siya magiging si Jelai,kung hindi si Von ang mahal niya..
Aah..maalala ko pa lang ang kalokohan niya napapangiti na ko..

Miss na miss ko na talaga siya..
Nilabas ko ang dala kong laptop baka sakaling pwede ko siyang makausap ngayon..

Hindi nga ako nagkamali,bukas ang laptop,si Angel ko,natutulog pero nakatapat siya sa screen,hinihintay niya din siguro na mag on line ako..

"Angel.."nakakatuwa ang itsura niya kasi gulat na gulat siya habang pupungas pungas pa ng mata..

"Von!maaga pa..bakit nandiyan kana?!"

"Miss na kasi kita.."

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan,hindi na nga namin namamalayan ang oras..
Kung hindi pa niya ako pilitin na matulog na,kasi gabi dito at sa pinas umaga,baka makipag usap na lang ako sa kanya magdamag..

Waiting for Your Love{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon