Chapter9

24 0 0
                                    


Von!ambilis kasi ng lakad niya..nagagalit ba siya kasi hindi naman pala ako magpapakamatay?..ako naman lakad takbo sa paghabol sa kanya..

"Von!galit ka ba kasi hindi naman pala ako magpapakamatay!!..sigaw ko,pero pagod na ko sa pagtakbo kaya naupo na lang ako sa gitna ng patio ng school..buti na lang wala ng masyadong dumadaan..
Hinihingal na ko eh..

"Huh?.."

Tumingala kasi ako,si Von inaabot yung kamay niya sa akin para tumayo ako..waah,totoo nga na mahal niya ko,binalikan niya ko..

Inabot ko siyempre yung kamay niya,kahit hindi siya umiimik,kinikilig pa rin ako..
HHWW kaya kami maingit sila kasi ako ang mahal ni von..

Mayamaya tumigil ako,nasa unahan ko siya hawak pa rin niya ang kamay ko..

"Von,totoo ba talaga?na mahal mo ko?.."

Pero nung sasagot na siya,ninerbiyos ako baka magbago pa ang isip niya..

"Hep,stop!!..narinig ko na pala,sabi mo mahal mo ko..wala nang bawian yun ha.."

Lumapit siya sa akin,lapit na lapit..nakatitig lang siya..tapos hinawakan niya ko sa magkabilang balikat..

Hinalikan niya ko sa noo..sa magkabilang cheeks,sa baba saka smack sa lips..nakatulala lang ako..

"Tama na bang sagot yan sa tanong mo.."

"Totoo ba to?kung nananaginip lang ako,sana wag na kong magising.."

Pinisil niya ko sa pisngi..
Saka niya ko inakay na para umalis..pero tumigil ulit ako sa paglakad..

"Von..pwedeng ulitin.."

"Ulitin?.."

"Oo.."

"Ang?.."

Ngumuso ako..

"Hindi ko kasi naramdaman..sige na isa lang.."

"Hahaha.."

Kainis tinawanan lang ako,saka ulit ako hinila..talaga bang si Von to..kainis tumawa na lang ng tumawa..

"Para kiss lang,tagal tagal ko na ngang hini.."

Bigla ba naman akong hinila sa may bakanteng room,nakasandal yung likod ko sa pader..oh my G!eto na ang hinihintay ko..syempre pumikit ako,ganun yung nakikita ko sa mga palabas eh,kanina hindi ako ready ngayon ready na ko sa first kiss ko..

Dahan dahan nga niyang idanampi ang labi niya sa labi ko
Hay,ang lambot talaga ng labi niya,pwede ganito na lang kami..matagal bago nilayo ni Von yung mukha niya..

Sabay hinawakan ko pa yung kwelyo ng polo niya at tumingkayad ako para maabot ko ulit ang labi niya..kaya tuloy ulit ang kiss namin..bitin pa ko eh..walang pakialaman..sa panaginip ko lang to dati natitikman..

"Kaya hindi ako makapagtapat sa yo eh.."sabi niya halos magkadikit pa yung mukha namin..

"Bakit?.."

"Baka kasi hindi ako makatapos ng pag aaral..tatay na ko.."sabay tawa na naman

"Ano?!..ganun ha!dinambahan ko nga siya bigla,kaso na off balance siya..ngayon nakahiga siya habang ako nakapatong sa ibabaw niya..

Napatigil siya sa pagtawa..habang nakatingin lang kami sa isa't isa..

"Yes!hooh...ano to live show!?"

Shete,may mga estudyante na nakapaligid sa amin,nagmamadali tuloy kaming bumangon..sabay hila ni Von sa akin,para makaalis kami dun..

Naging masaya naman ang mga araw na lumilipas sa amin,hindi ko akalain na may lambing palang tinatago ang isang Raphael Von,hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa kanya..

Magkahawak pa kami ng kamay ng ihatid niya ko sa bahay..
Naabutan kong nakapaligid na naman ang mga tao sa bahay namin..

"Diyan ka lang Von ha.."

"Angel!.."hinaltak ko na yung kamay kong lalo niyang hinigpitan ang kapit..
Saka ako sumiksik sa mga tao..

"Nay!.."si nanay pala nakaupo na sa lupa,habang si Greg na dati na niyang kinakasama,nakakapit pa din sa damit niya..
Malakas kong itinulak si Greg,kaya nabitawan niya si nanay..

Pero nakita ko si Greg na dumampot nang isang malaking kahoy,ipapalo niya kay nanay..mabilis akong yumapos kay nanay,pumikit ako..hinihintay ko na lang kung may papalo sa akin..

Pero walang pumalo sa likod ko,nagsigawan lang ang mga tao..nagmulat ako kaya nakita ko si Von!may dugo siya sa noo,tumayo ako para takbuhin siya..

Mabuti na lang nadampot na ng barangay si Greg..

"Di ba sabi ko sayo,wag kang aalis dun!e,kung higit pa diyan ang nangyari sayo!.."habang pinupunasan ko ng bulak yung sugat niya sa noo..

"Ikaw nga hindi natakot,kung ipinalo sayo yun?..akala mo ba makakalakad ka pa ngayon.."

Oo nga,hindi ko naisip yun kanina..baka nakahiga na lang ako ngayon..

"A,basta!..nakakainis ka,nagasgasan tuloy ang noo mo,baka magka peklat yan.."

"Gwapo pa din naman di ba?.."

Nilapit ko pa yung mukha ko sa kanya..

"Super..."

Waah..siyempre kiniss niya ko..
Pumikit ako..

"Angel..."

"Ha?.."

"Tama na..gamutin mo na sugat ko.."

"Tsss..kala ko pa naman.."

Tinawanan na naman niya ko..clown niya yata ako eh..

Waiting for Your Love{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon