Waiting for Your Love
by:imcindygirl"Talaga ba nay?pinalayas mo na si greg?"
"Hay,kaya yun pinalayas ni nanay kasi may iba na yan.."sabi ni ericka..
"Nay,try mo namang maging single,pwede namang tayo tayo na lang diba,gusto mo ba dagdagan ko pa ang sideline ko?.."
"Anak naman, okay susubukan kong maging single.."
"Pssh..ilang araw lang yan.."ganyan si Ericka,laging nakakontra..
Nasa school kami ngayon kasabay ko si lhea at si barbie,nang matanaw ko sina bingo,kahit kasama niya si Von ko..may kasalanan ang mga yan sa akin,eh..
"Teka lang ha.."
Hinagis ko kay lhea yung bag ko saka ako nanakbo papunta sa kanila.."Bingo!Tingin naman silang lahat,syempre kasama ang von my loves ko..ngumiti ako kay von,saka konting pa cute..
Sabay hawak ko sa kwelyo ni bingo,nagulat siya..kaya nung makawala sa akin sabay nanakbo na tawa ng tawa.."Von!ikaw na bahala diyan,kayang kaya mo yan.."sigaw ni bingo habang papalayo
"Ano bang ginawa nila sayo?"
Si Von?kinakausap ako,kami nalang kasi ang magkaharap ngayon e..ang gwapo niya talaga,nakatulala na naman tuloy ako..nag snap siya sa may mata ko,"Ha?..pano ba naman kasi yang mga kaibigan mo,pinaliguan kami ng alikabok kahapon,nalate tuloy ako sa mga sideline ko.."
"Sasabihan ko na lang ,natutuwa lang sila sayo."
"Ikaw kaya kelan matutuwa sa akin"..
Ngumiti lang siya saka umiling,iniwanan na naman ako..
"Hahaha,basted na naman!!.."
Si Barbie.."Ano naman chaka at least pinansin niya ko.."
"Try mo kayang sagutin na lang si miguel,para hindi ka na nahihirapan dyan kay Von."
"Wala akong ibang mamahalin kundi si Von lang!!hindi ako gagaya kay nanay no,sa dami niyang minahal,walang nagmahal sa kanya ng totoo.."
"Hindi ka ba natatakot?sabi nila ang kapalaran daw ng magulang minsan,nagiging kapalaran din nang anak.."
"Hindi yan totoo!kasi iba ang kapalaran ko,kay Von lang ako swear!!
"Ewan ko sayo jelai,pano mo yan nasabi,e..wala ngang gusto sayo yang Von mo"
"Hahaha,oo nga!..
Pinagtulungan talaga nila akong pagtawanan.."Walang kopyahan mamaya sa English ha!!.. Sabi ko
"Waah!!joke lang yun!Jelai!jelai!"
*****
Nandito ako ngayon sa gilid nina jelai,akala niya siguro umalis na ako,
Dinig na dinig ko ang lahat ng sinabi niya,simula sa umpisa nilang usapan,hanggang matapos..natutuwa talaga ako kay Jelai,masyadong positive ang outlook niya sa buhay,sa kabila ng kalagayan nila ng pamilya niya..Ako nga pala si Rafael Von Villegas,hindi kami ganun kayaman,pero hindi din naman mahirap..tama lang ang pamumuhay namin,may maayos na trabaho si daddy ang mommy ko naman,may maliit na tindahan..nag iisa aking anak,kaya mataas talaga ang pangarap nila para sa akin,at gusto ko naman silang pagbigyan kaya kahit babae na ang nanliligaw sa akin,wala akong planong magka girlfriend..
ayoko ng makakagulo sa pag aaral ko,kaya kahit meron akong gusto,never akong magtatapat sa kanya..alam ko namang mahal niya ko,kaya may tiwala akong mahihintay niya ko,tutuparin ko muna ang pangarap ng magulang ko,para pagdating ng panahon..buong buo kong maipapakita ang pagmamahal ko sa kanya..
"O,Von!bat nagtatago ka diyan?pinagtataguan mo stalker mo no?..andyan ba si Jelai?.."
"Si Anjelika?wala ah..hindi ko siya pinagtataguan,halika na sa room.."
"Bat hindi mo pa sabihin kay Jelai na gusto mo siya?.."
Tinakpan ko ang bibig ni Dexter
"Ssssh..sino ba may sabing may gusto ako kay anjelika?.."
"Makadeny ka din eh,halata naman!.."
"Baka marinig ka nung babae na yun,lalo akong hindi titigilan nun.."
"Tssk,ewan ko sayo Von,pag naunahan ka,magsisisi ka"..
Umupo na siya sa pwesto niya,nandun na din si anjelika..ngumiti siya ng makita ako..gaya ng dati,deadma lang ako sa kanya..nasanay na ko,pakiramdam ko kasi mas naiinlove sa akin si anjelika pag sinusupladuhan ko siya..pumunta ako sa upuan ko,nagmamadali naman si anjelika na lumapit at inambaan ng suntok yung katabi ko,nakakatawa talaga siya..ayaw ko mang aminin,pero si anjelika lang ang nagpapasaya sa boring kong buhay,bahay eskwelahan lang kasi talaga ako,yung tipong loner,pag nakikita ko lang si anjelika saka lang nagkakakulay ang buhay ko..
"Von,anak..yang si jelai..na panay ang pagpaparamdam sayo,wag na wag mo siyang papatulan ha..anak,wag mong sayangin ang buhay mo dun.."
Kilala ni mommy si jelai kasi madalas yan sa palengke,alam na alam niya ang tungkol sa buhay at buong pamilya ni jelai,isa na din siguro yun sa dahilan kung bakit,pilit kong pinipigil ang nararamdaman ko para sa kanya..
"Anak,nakikinig ka ba sa akin?iwasan mo yang jelai na yan,walang magandang idudulot sayo ang babaing yon,malandi din yun katulad ng nanay niya..!
"Mom,wala namang ginagawang masama si jelai,wag niyo na siyang intindihin..at wag kayong mag alala kasi hindi ko gusto si jelai.."
"Mabuti naman"
Mukha namang nakahinga ng maluwag si mommy,tumahimik na siya at pinagpatuloy ang pagkain niya..naiiling na lang ako,sorry anjelika..
"Von!!..
"Hi,Aria good morning.."
Si Aria matagal na din kaming classmate,parang si jelai lang pero hindi nga sila close ni jelai kasi pareho silang nagpaparamdam sa akin..si jelai pa matindi yun,eh..lahat ng babaeng lalapit sa akin,kulang na lang tadtarin ng pinong pino..
Sabay kaming pumasok ni Aria,nakita ko na si jelai ang sama ng tingin,e..alam na..kung may lumalabas na apoy sa mata niya kanina pa sana kami nasunog..pero bakit natutuwa ako,sa mga ganong style ni jelai talaga,kaya lalo akong nahuhulog sa kanya..maisip ko pa nga lang siya,napapangiti na ko..
BINABASA MO ANG
Waiting for Your Love{completed}
Romance"Kahit Paulit ulit mo akong saktan; Hihintayin kong bumalik ang iyong pagmamahal..Kasi Mahal kita.. Mahal na Mahal kita Von.." ♡Jelai